AP#3 - INSTRUCTORS OR PROFFESORS

341 17 10
                                    

So, pag usapan naman natin ang mga instructors or profs natin.

Nandyan ang mga instructors natin sa major na strict. Lalo na sa mga archtectural subjects natin or yung mga majors natin. Wagas sila kung magbigay ng plate. Minsan sabay sabay. Isang plano ng bahay andg dapat mong gawin at kailangan ng ipasa after 2 weeks. Eh paano nalang ang mga regular students na laging full load ang schedule nila. Maraming subjects and may kanya kanya ring requirements na kailangan gawin.

Natry ko na rin yan. Noong 1st year (1st sem), halos magpakasal na kami ng mga drafting materials kasi sila nalang ang lagi kong kasama. Kahit sa pag idlip. Iidlip ka lang ng mga ilang minuto sa drafting table mo.

Minsan nga rin umiiyak talaga ako, lagi akong nawawalan ng pag-asa sa sarili ko. Yung to the point na halos abaliw na ako sa design subject namin. Na nahihhirapan akong magdesign kahit simpleng tv console o kaya main gate, trophy, etc.

Pero ang ikinagulat ko, nakapasa ako ng design 1 at graphics 1. Out of 4 na major subjects ko, 3 ang naipasa ko. Nabagsak ko ang visual tech ko, at hindi tataas ng sampo ang nakapasa.

Oo, hindi na ako regular ngayon. Pero ang masasabi ko, mas maganda nang maging irregular kesa maging regular.

Hindi yan sa haba o iksi ng taon mo sa college ang importante. Ang importante, kung paano ka magtiyaga at nadidigest yung mga pinag-aaralan mo. Wag kang magmadali.

MGA PA-MAJOR NA SUBJECTS

Eto yung mga minor subjects mo na wagas mang-agaw ng time mo.

Yung PE 1 namin, hindi kami minimeet sa time namin ng PE. Minimeet niya kami pag lunch break na. Eh full load kami nun. Eh asahan mong ang mga arki students na 1st yr eh may culture shock pa. Mahirap mag-adjust. Kaya kahit pagdating sa school eh may ginagawang plates. Lunch break lang ang nagsisilbi naming break time noon. walang vacants.

At darating ang araw na may practicum sa PE or NSTP. Imbis na gagawa ka ng plates sa weekends, ayun magtitipon kayong groupmates para magpractice para sa practicum.

Kaya nga kapag hindi kami nakakapag practice on weekends, ginagawa namin sa school kapag lunch break.

Kaya nasasabihan kami ng mga higher years ng ''BS ARCHITECTURE MAJORR IN PE o kaya NSTP''

LESSON TO BE LEARN

MANAGE YOUR TIME.
ISANTABI MUNA ANG MGA HINDI IMPORTANTENG BAGAY.
LOVELIFE, GADGETS, ETC.

GO OUT TO YOUR COMFORT ZONES.
DAHIL HINDI MADALI ANG MAGING ISANG ARKI STUDENT.

Archi ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon