Pov, Nami
Nagising ako dahil sa init. Nagulat ako dahil hindi naman pala ako nakasali sa concert at hindi ko rin sila nakita na nagpeperform lalo na nakayakap at nakausap ko sila sa malapitan. Napakasakit ng ulo ko ng madismaya ako. “Argh, panaginip lang pala!”
Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko ang kapatid ko na sumasayaw at gamit ang tugtog ng blackpink. Napatayo lang ako sa gilid at pinagmasdan siya.
Mahigit limang minuto din ako nakatitig sakanya at pinatay ng mama ko ang tugtog at nilipat sa radyo habang may hawak siyang planggana na malaki. Nagdabog ang kapatid ko at pumasok sa kwarto namin.
Nilapag ni Mama ang planggana at tinuro ako “Hoy ikaw, anak ka ba ng mayaman? Tanghali kana nagising buti sana kung may natutulong ka dito!” hindi ko pinansin si Mama at dumiretso sa lamesa “kinausap pala ako ng teacher mo tungkol sa grades mo, puro palakol nag-aaral kaba talaga?” tumango ako at nagsimula na maghain “kain na po” binato sa'kin ni Mama yung brush “humarap ka kapag kinakausap kita!” dinampot ko yung brush at umalis “san ka nanaman pupunta?” at nagpatuloy akong umalis.
Dumiretso ako sa tabing dagat at nagmuni-muni. Malalim ang iniisip at patuloy lang na naglalakad. Hinawakan ako ng kaibigan ko sa kamay “Huy san ka na naman pupunta?” nagulat ako at huminga ng malalim “hayy ano kaba naman”
“teka malungkot kaba? Tara sa pisonet”
Niyaya niya ko sa computer shop at clinick niya ang youtube at sinearch ang blackpink “Ayan pakinggan at panoorin mo new song ng blacpink, #howyoulikethat” at pumalakpak siya.
Pinakinggan ko at pinanood ang mv ng how you like that ng blackpink at gumawa 'to ng ngiti sa mukha ko pinanood ko ito hanggang sa matapos. Nang matapos na pumalakpak ako “ano kamusta? Rate mo!” nag-isip ako “hmmm, whole wide universe over 10" pumalakpak naman pinsan ko at niyakap ako.
Kinabukasan, papasok na 'ko sa school at kasama ko si Mama. “ayan sige, sayangin mo buhay mo sa mga walang kwentang bagay” hindi ko pa din pinapansin si Mama at diretso lang kami sa paglalakad.
Paglabas namin ng principal's office ay kinausap ako ni Mama “huli na 'to, kapag pinatawag na naman ako ng dahil sa'yo eh bahala kana sa buhay mo” yumuko ako “nakakatamad naman kasi mag-aral” sumigaw si Mama “ano!? Napakagaling ko sumagot ha!?” sinabunutan niya ako at nakita ito ng iba kong kaklase at iba pang estudyante.“Simula ngayon, wag kanang uuwi sa bahay wala kang kwenta!”. Inawat si Mama ng mga teachers “Ma'am please wag po natin saktan ang bata” binitiwan ako ni Mama at umalis siya. Mag-isa lang ako at umiiyak at nakatingin sa mga kaklase ko yung iba pinagtatawanan ako at yung iba naaawa sa'kin.
Nilapitan ako ng kaibigan ko at inayos niya ang buhok ko “Nami? Ayos ka lang?” umalis ako at iniwan silang lahat.
Nagpalakad-lakad ako kung saan-saan habang umiiyak at sumigaw ng malakas dahil sa galit. Hanggang sa ala-sais na ng gabi ng makarating ako sa tabing-dagat. Umupo ako at sumigaw “aaaaaah!” lumusong ako sa dagat at pumunta sa gitna “bakit palagi nalang ako yung mali kay Mama!” umiiyak ako at sumisigaw habang nasa gitna ng dagat at malakas ang alon at agos ng tubig. Hanggang sa biglang magdilim, kumulog at kumidlat. “Palagi nalang akong mali sakanya, sana matupad nalang yung pangarap ko na sana hindi nalang ako pinanganak sa lugar na 'to sana sa korea nalang!” yumuko at umiyak ng malakas.
Hindi ko napansin na may dumaang shooting star.
Bigla akong natumba at naanod sa malalim na parte ng dagat. Humihingi ako ng tulong pero wala sa'kin nakakarinig. Lumalangoy ako pabalik para makaligtas pero ilang minuto na ang lumipas wala akong magawa dahil lalo akong inaanod papunta sa malalim at hindi ko magawang makaahon at makalangoy hanggang sa....naubusan ako ng hininga at nalunod.
YOU ARE READING
I Woke Up in South Korea
FanficNami is a girl from Samar, Philippines she has a lot of dream and a fangirl of blackpink. She has a poor life and full of disappointment of herself, Korea is her inspiration she had a dream to come there and embrace the life when she succeeded. Sudd...