Sealed
NASA bahay kami nila Danilo. Bakasyon na kasi at hindi ko naman kaya na palagi na lang nagkukulomg sa mansyon namin ni Jauncy. Imbes masaya na dapat ako dahil nagkaka-bonding muli kaming tatlo nina Cyrill pero agad nabura ang kasiyahan sa isip ko nang dumating rin si Geniel. Seriously?
Pakiramdam ko ay may special power ang babaeng 'to na kung saan ay alam na agad nito ang mga lugar na pupuntahan ko pa lamang.
When she saw me, she immediately gave me a kiss on my right cheek. Hindi lang basta dampi ng labi kasi dikit na dikit talaga sa pisngi ko. Yung feel mo talaga na may dumikit na laway. Kung balak niyang laplapin ang pisngi ko, I'm cool with that. Basta pisngi lang.
"Oh my gosh! Ang ganda ng araw ko kasi nagkita na naman tayo, Xierl!"
"Well, I'm not feeling the same way. You just completely ruined my day." I honestly said.
"Ouch! But never mind. Oh, wow. Nag-liptint ka noh? Anong flavor ba?" pang-uusisa nito at nilapit pa ang mukha sa akin.
She touched my lips using her thumb while intently looking at it. I felt so conscious with her sudden move. She's really weird. Nabunutan lamang ako ng tinik nang agad siyang lumayo sa akin pagkarinig sa pagtikhim ni Danilo.
"By the way guys, may dala akong mga pagkain!" she spat.
I rolled my eyes. She's really annoying.
Tahimik na naglaro na lamang ako ng sudoku habang kumakain sila.
"Eight ang ilagay mo diyan tapos tingnan mo sa taas at baba, doble na yung two," biglang wika ni Geniel.
I glared at her. Dinidisturbo niya na lang ako palagi. I didn't even ask her to help me answer this sudoku puzzle. Pabida lang talaga. Sa inis ko ay ibinigay ko na lang ito sa kanya pati ang lapis at tumayo at naupo sa tabi ni Cyrill.
Mas lalong kumunot ang noo ko nang marinig ang pagtawa ni Cyrill at Danilo. What's funny? Naiinis na nga yung tao tapos pinagtatawanan lang.
"Danilo pakisabihan nga 'yang girlfriend mo na iwasan ang paglapit nang lapit sa akin. Nakakabanas na siya," pagpaparinig ko kay Geniel na agad namang napaubo.
Danilo laughed a bit.
"No need. I think, she heard it already. Hindi mo dapat kalimutan Xierl na may malalaki siyang tainga," biro ni Danilo.
Nag-aya ako sa kanila na mag-videoke. Malakas silang nagsisigawan at nagpapalakpakan habang kumakanta ako ng She's Gone. Muntik na nga akong malagutan ng hininga dahil sa sobrang pagbirit.
"Naks naman, dude. Galing!" mahinang sinuntok ni Cyrill ang balikat ko.
"Ako pa ba? Alam mo namang birit master ako. Kaya hindi na nakakapagtaka," I joked.
Ang sabi ko kay Jauncy ay hanggang alas tres lang ako ng hapon. Pero malapit nang mag-alas siyete at hindi pa rin kami natapos sa pagvi-videoke. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko.
Jauncy called me. Hindi ko sinagot ang tawag. Kinalabit ko si Cyrill para sana magpahatid na sa kanya pauwi.
"You're going home now?"
"Yeah. I needed to go home."
His reaction changed.
"Bakit parang ang strikto naman yata ni Jauncy sa'yo? Is he controlling you?"
YOU ARE READING
Claiming the Opposite
General FictionHumiliation Series #4 Living in a world rife with prejudice, bisexual Xierl Astamiraca has developed a thick skin against constant insults. But her resilience is pushed to the limit when she is forced into an engagement with her ex-girlfriend's brot...
