Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3:


Miyerkules, walang pasok pero heto ako nagising ng alas-otso ng umaga para lang tulungan ang taong gusto ko na gumawa ng gayumang ibibigay niya sa taong gusto niya. Hindi dapat ako pupunta ng school dahil foundation week ngayon at considered na walang pasok. Bali ang pupunta lang sa school ay yung gustong pumunta kaso itong si Kat kinaladkad ako sa kanila para gumawa ng ibibigay daw niya kay Andrei.

"Vincent! Yung apoy masyadong malakas." Sigaw niya saka tinapik yung kamay ko.

"Alam mo bang mahal pagkabili ko diyan? kapag yan nasunog mo, pati kaluluwa mo di mo na mahahanap." Banta niya sakin at hinaan yung apoy.

Ito pala yung inorder niya nung isang araw yung buto ng salimbobog saka bulaklak ng talampunay. Hindi ako familiar sa mga yon kaya hindi ko rin masyadong sinitta si Kat sa paggastos ng mahal para lang don. Ngayon ko lang nakitang determinado itong si Kat sa isang bagay na alam niyang di naman uubra.Ganon na ba siya kadesperadong magustuhan ni Andrei?. Andito naman ako.

"Ano bang ingay na naririnig ko?".

Pareho kaming napalingon ni Kat sa hagdan. Si tita pala, siguro ay nagising siya sumigaw si Kat.Tumingin siya sa ginagawa namin at tinanong kung para saan yon.

"Baka para sayo." sagot ni Kat kay tita

Agad ko naman siyang siniko dahil sa walang galang niyang pagsagot. Inirapan niya ako at tumalikod para ituloy yung ginagawa niya. Tumingin ako kay tita at nag sorry sa pag asta ni Kat.

"Yaan mo yan, napagsabihan kasi kahapon kaya ganyan nanaman ang ugali." ngiti ni tita sakin.

Nagpaalam si tita sa amin na pupuntahan niya yung shop niya . Binilin niya rin sakin si kat saka umalis. Tatlong oras na rin ang lumipas ng umalis si tita at pakuluan ni Kat yung mga sangkap ng gayuma niya. Tinanong ko siya kung bakit tatlong oras ang sagot niya sakin ay dahil yun ang nakasaad sa libro. Isinalin niya yun sa isang bote at saka ako inutusang mag order ng palabok.

"Saglit nga, nakakahalata na ko sayo." turo ko sa kanya

"Bakit nanaman?"

"Anong bakit nanaman, ako, ginagawa mo lang akong katulong mo eh"

"What are friends for kung di mo ko tutulungan, hala sige bilisan mo na at mag aala-una na." sabay tulak niya sakin palabas ng kusina.

"Order ka na rin ng ice tea" sigaw niya mulla kusina.

Wala rin akong nagawa at nagdial na ng number sa telepono nila sa sala. Umorder ako ng isang small bilao at dalawang ice tea. Mga isang oras din ang hinintay namin bago dumating yung inorder ko. Agad kong sinalubong yung delivery guy sa pinto nila Kat para kunin yung palabok. Nang tinanong ko si kuyang nagdeliver, nagulat ako nung tinanggal niya yung facemask niya at tumingin sakin.

"350 po." saka niya inabot ang bilao saka yung drinks.

Medyo natulala pa ko ng onti sa kanya dahil sa gulat ko ,pero agad namang nakabalik sa pag iisip nang tapikin niya ako. Binigay ko yung bayad saka tinignan siyang umalis. Bakit kaya siya nagdedeliver ng palabok alam ko mayaman yun. Pumasok naman na ako kaagad ng tawagin ako ni Kat sa loob.

"Ambagal bagal mo pa nga," sabi ni Kat saka tinulungan akong ilagay sa kusina yung palabok.

Pagkalapag namin nun sa lamesa agad niyang kinuha yung Iced tea sakin saka kinuha naman niya sa gilid yung boteng pinaglalagyan ng gayuma. Nung una akala ko iinumin niya yun iced tea kaya niya binuksan pero nagulat nalang ako nung ibuhos niya yun sa lababo.

"teka ,teka, oi!" pigil ko sa kanya

Kaso huli na dahil naitapon niya na yung kalahating laman nun. Tumingin siya sakin na may halong pagtataka pero di na siya nag salita at ipinagpatuloy yung ginagawa niya. Di ba dapat ako yung nagtataka sa kanya?.Nilagyan niya yung iced tea ng gayuma at pinuno yun saka ibinalik yung takip at kumuha ng tape para i-seal uli. Inulit niya yung processo dun sa isa pang iced tea.

The lost storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon