Chapter 5:
Natapos na yung foundation week pero patuloy pa rin yung pagiwas ni Kat sakin, napansin ko rin na lagi siyang sumasama sa C-prog. Kadalasan kasi sakin siya sumasabay kapag break time, pero ngayon kala carol siya sumasama o di kaya pag pareho namin ng time yung cprog dun siya sasama.Sa klase naman di ko siya makausap kahit katabi ko siya, kung hindi siya naka earphones pag wala pa yung teacher, focus na focus naman siya kapag may klase.
Umabot ng tatlong linggo yung pagiwas ni Kat sakin. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagiwas niya, baka ba kasi ininom ko yung gayuma niya? O ano?. Di ko talaga alam kaya nung saktong di pumasok yung isa naming teacher, agad kong hinila si Kat papuntang Library.
"Anong problema mo?" tanong ko ng makaupo kami sa isang table.
"Wala?" nagtatakang tanong niya.
"Anong wala? Di mo ko nirereplyan sa mga text ko? Ni hindi ka na sakin sumasabay umuwi!"
Bigla siyang tumawa ng malakas at narinig yun ni ms. Dor- Donnalyn. Pinalabas kami sa library pero itong si Kat patuloy pa sa pagtawa. Nagpasya kaming sa canteen nalang tumambay at magusap.
"Tangek kasi yung sim card ko nagloloko ba. Kaya pinalitan ko." Paliwanag ni Kat
Umupo kami malapit sa pintuan ng canteen.
"Eh? Bat di mo sinabi sakin, ska pwede mo naman akong kausapin ng personal." sabi ko
"Gagi kita mong dami kong ginagawa eh."
"Kahit na... pwede ka naman sumabay-" di na ko natapos ng pagsasalita ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"Kat!"
"Casey!" tawag ni Kat dun sa lalaki
Paglingon ko yung barkada ni Andrei na nasobrahan ng pagiging friendly yung tumawag kay Kath Kumakaway kaway pa ito habang papasok ng canteen. Napansin ata niya na di nag iisa si Kat kaya siya biglang lumiko at umupo sa isang table na malapit samin. Sumunod naman yung apat niyang kasama, including Andrei.
"Ba't lumiko yun?" tanong ni kat at nagkibit balikat lang ako.
Tumayo si Kat saka pumunta doon sa table nila Andrei. May binulong siya sakanila tapos biglang nag sitayuan yung lima, sumunod sila kay Kat papuntang table namin.
"Vincent paupo daw sila dito" sabi ni Kat at inalok yung limang umupo.
Di ko alam bakit niya inalok yung lima sa table namin na pang apatan lang. Si andrei sa tabi ko umupo tapos yung Casey ata yun, tumabi kay kat tapos yung apat umupo nalang sa katabi naming table. Nilabas nila yung mga baon nila saka kumain kami naman ni Kat nakatingin lang sa kanila.
"Bakit?" tanong sakin ni Andrei nang mapansin niyang kanina pa ko nakatingin.
"Wala naman" sagot ko.
Napatingin naman ako kay Kat na kasalukuyang kausap yung Casey. Mukhang naging close na talaga siya sa barkada ni Andrei. Teka lang, hindi kaya totoo yung gayuma?. Tumingin ako kay Andrei tapos binalik ko kay Kat yung tingin ko. Mukhang close na sila kasi nag ngingitian silang dalawang.
"Hoy!" hampas sakin ni kat
"Oh?"
"Okay ka lang?" anong niya
"Oo, bakit?"
"Kanina ka pa nakatulala."
"Ha?"
Biglang tumunog yung bell. Tumayo na si Kat at inalok na din akong umalis. Pagkalabas namin ng Canteen iniisip ko parin yung gayumang pinainom ni Kat, mukhang nagkakamabutihan na tong dalawa. tumalab yung gayuma?. Teka paanong tatalab yun?
BINABASA MO ANG
The lost story
RomanceIsang kwento ang mabubuo. Isang bagay ang magdudugtong sa dalawang tao, Trahedya ang bubura ng kahapon. Hahanapin pa kaya ang pangyayaring hindi naman totoo?