SPECIAL CHAPTER!!

194 12 10
                                    


"Sis!! Huy, ayos ka lang?" Si Reg. Kanina pa kasi ako tulala dito.

"Alam kong nami-miss mo mga anak mo. ." Dagdag nito.

Nagbuntong-hininga ako.. miss na miss ko na nga mga anak ko.. nandito kasi kami sa London para sa isang shoot.

"Uuwi na rin naman tayo bukas, tiis tiis na! Saka oh ang sarap ng hangin dito!" At nag mala Jack at Rose pose pa ito!

"Dun na nga tayo sa hotel! Nahihilo ako!" Sagot ko dito.

"Buntis ka teh?"

"Gaga kulang sa tulog!" At saka ako tuluyang lumakad.

Para parin akong 24 years old kung makipag usap kay Regine na kahit 35 na ako! Ang bilis ng panahon! Dati kakakasal ko lang kay Matteo pero ngayon! May dalawang anak na! Si Thannaia 16 na at si Catalina 11 years old na.. ang bilis!! Sumunod si Thannaia sa yapak ng kanyang ama. Or should I say, celebrity na siya since last year. Si Catalina, nahilig sa music.. choir siya sa school niya na minsan ring sumasali sa mga singing contests.

"Haaaay!" Sigaw ko habang nakadapa sa kama. Pagod na pagod ako ngayon. May nag inquire kasi samin ng wedding pre-nup shoot na dito sa london, ang sosyal ha!!

Marahil nagtataka kayo kung nasaan si Aye? Syempre di naman pwede magtrabaho ang buntis noh? Yes. She's pregnant.

"At sino namang kumakatok sa kwarto natin?" Si Regine.

"Buksan mo." Ingit ko. Habang nagtalakbong ng kumot.

Maya maya lamang ay naramdaman kong may humahawak sakin at agad akong bumalikwas.

"Love." Nanlaki ang mga mata nang makita ko ang asawa ko SA HARAP KO!

"LOVE!! MISS NA MISS NA KITA!" bigla ako napayakap nang mahigpit habang naluluha.

Isang linggo kasi kami nandito.. nag tour pa.

"Teka, sino yang mga kasama mo?" Tanong ko.

"Si.. Calvin at Andi.. sila kasama ko papunta dito." At nakita ko pang kumaway silang dalawa.

"Diba si Calvin kasa-kasama mo nung nasa Pinas tayo?"

"Yes, siya nga and kasama niya yung wife niya si Andi." Muli akong tumingin sa gawi nila at nakangiti sakin ang babaeng kasama ni Calvin.

"Hi Sarah, I'm Andi.." lumapit pa ito sakin at nakipag kamay.

"Teka, iniwan mo ba sila Thannaia at Catalina? Sinong nagbabantay sakanila??" May narinig akong munting tawa sa likod nila Calvin.. teka, nandito din sila??

"Mama!! Hahahaha" biglang lumitaw sila Thannaia at Catalina.

"Nandito pala mga dalaga ko!!"
At muli silang humalakhak.

"Thannaia, wala ka bang sched?"

"Wala mama.. ang leave ako ng one week. Miss na miss na kita mama eh!!" At saka ulit ako ito niyakap habang si Catalina hawak hawak ko ang kamay.

"Mama ako naman tapos na yung practice ng kakantahin namin sa school kaya pwede na." Singit ni Catalina.

The One For You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon