~Over Take~
"CARE to explain?" ito agad ang bungad sakin ni Amber ng makaupo sya sa tapat ko, tinaasan ko ito ng kilay na napansin naman agad nya kaya inirapan ako nito. Ayaw talaga patalo.
She's Amber Coriedo, a fashion model, anak mayaman at tagapagmana ng negosyo. Anak ng isang maimpluwensyang tao sa bansa. Pero marunong makisama at makibagay. Laman din lagi sya ng mga charity sa bansa, dahil dun sya mahilig maging ang kanyang pamilya. Ang tumulong sa nangangailangan, pero ayaw nila ako pautangin. Sa aming tatlo sya ang mahilig mag aya at mangulit. We've met her parents one time at napaka secretive nila pagdating sa personal nilang buhay. But nevertheless they're kind. Pero suplada ang anak.
Dito kami sa bahay ni Trisha nagkita-kita para isang sasakyan nalang daw ang dadalhin sa pag-alis namin. Kung saan man kami papunta ay hindi ko alam. Iniwan ko muna ang trabaho ko kay Doc Liam tutal ay gusto naman daw nya bumawi sa ginawa nya nakaraan. Hindi naman gaanong malayo itong lugar namin pero pakiramdam ko ay napagod ako sa mailking byahe.
"huwag mo na nga pilitin yan. Asa ka naman na sasagutin ka nyan" komento naman ni Trisha na kagagaling lang sa kusina na may dalang Tray ng pagkain. Bumuntong hininga naman si Amber at tinitigan ako "wag na kasi matanong, at saka hindi ba't sinabi ko na ang rason bago pa ako umalis?" pagkaklaro ko pa sa kanya.
Simula ng makapag desisyon ako na mag volunteer sa malayo ay sinabi ko na sa kanila ang rason ko. At yun ay gusto ko lumayo sa bahay at kailangan kong panindigan iyon para sa lahat. Maging ang eksaktong lugar kung san ako pupunta ay hindi ko sinabi sa kanila maging sa pamilya ko.
"Anong oras tayo aalis?" tanong ko kay Trisha, "may kakausapin lang ako then we're off to go." She said smiley while typing on her phone that later on ring. Sumenyas naman ito sa amin at pumunta sa garden. Naiwan naman kaming dalawa ni Amber dito sa sala na kumakain. Sumandal muna ako at ipinikit ang mata para sana umidlip dahil mukhang sumakit ang aking ulo sa byahe kanina kahit naman isang oras lang ang byahe. Marahil siguro sa hindi na ako sanay sa pagbyahe. Mas masaya padin talaga ang long rides kesa sa commute. But what can I say, mas masarap ang matulog.
"gusto mo uminom ng gamot?" umiling lang ako sa tanong ni Amber "gisingin niyo nalang ako." Sabi ko, kahit malabong makatulog ako. Pero nakatulog ako. Nagising nalang ako sa mahihinang tapik ni Trisha. "lets go? Sorry napatagal ung meeting ko." She said na ikinataka ko "how long?" tanong ko, she just shrugged "30 minutes. And nakatulog ka na. I guess okay ka na o masakit pa ang ulo mo?" she asked, umiling lang ako at tumayo na. "tara" I said.
---
"saan ba talaga tayo pupunta?" bored kong tanong kay Trisha na syang nagdrive. Kanina pa kami sa byahe pero hindi ko alam kung saan ba kami papunta tumingin nalang ulit ako dinadaanan namin.
Nakalabas na ata kami ng syudad teka, Narra? hindi ko alam na matagal na palang lumilipad ang isip ko para hindi manlang mapansin na papauntang south pala kami. Ibinalik ko ang aking paningin kay Trisha "ano naman gagawin natin sa Narra?" ngumiti lang ito at hindi nag-abalang sagutin ako. "punta tayong Yamang Bukid" Amber said instead kaya naman tumaas ang kanan kong kilay at tinignan sya sa rear mirror "seriously? May Yamang Bukid din naman sa Puerto mas malapit pa." totoo iyon, unang nagkaroon sa Puerto ng Yamang Bukid Bago pa nag lagay din sa Narra. Di hamak na mas malapit iyon sa amin kumpara sa byahe na mahigit isang oras.
"syempre pupunta din tayo sa Yamang Dagat. Besides gusto mo mag long rides tayo diba? so.." si Trisha naman ang sumagot. Oo nga at gusto ko ng long rides pero... "motor ang tinutukoy ko" "na wala ka non" pambabara sa akin ni Amber. Alam ko. "ano kukunin mo sa inyo yung baby mo para mag long rides tayo?" hamon pa sa akin nito. Sumandal nalang ulit ako at itinuloy ang pag tanaw sa mga dinadaanan namin. Haay! hindi ko alam kung magsisisi ba ako na hindi ko dinala ang baby ko nung naglayas ako, pero pwede ko naman ipahatid di ba? isip ko pa.
BINABASA MO ANG
Mask of Reality
RandomMichaela "Mica" Fontello who chose to work as a volunteer doctor in San Rafael, a small city in the province of Milagros kung saan matatagpuan ang mga Gonzaga isa sa mga influential na tao hindi lang sa buong Probinsya ng Milagros maging sa Buong Ba...