Tangina.
mag-isa nanaman ako.
papasok sa school mag-isa, sasaya sandali kasama mga kaibigan, uuwing mag-isa.
Napatingala na lamang ako habang naglalakad. Walang ibang tao, madilim, tahimik, purong kapayapaan lang ang nararamdaman ko kapag dumadaan ako dito sa kalsadang to. Sarap mag muni-muni.
'Ang ganda ng buwan.' nakatitig lamang ako habang naglalakad, Wala namang ibang tao para mag akalain na nababaliw ako 'e.
Sa totoo lang, tuwing nakatitig ako sa buwan wala akong ibang naaalala kundi sya.
si Nica.
2nd anniversarry nga pala namin bukas, ang bilis ng taon di ko namalayan. Parang kahapon lang noong sinagot nya ko pero dalawang taon na agad kami bukas.
Mukang mahaba na yung 2 years, pero hindi nya alam I've been loving her longer than she knows. We're best friends back then, I'm already inlove with her pero sobrang torpe ko pa. I bet she still doesn't know it hanggang ngayon.
"Ang ganda ng buwan, 'di ba?" mahinang bigkas ng bibig ko at maliit na ngiti ang umusbong sa mga labi ko.
Tuwing magkasama kami dati, lagi kong sinasabi yang mga salita na yan, umaasa na maintindihan nya yung gusto ko sabihin. Sana naiintindihan nya.
pero mukang hindi.
Pero hayaan na natin, importante naging kami. long story di pwedeng pang one shot kaya i-skip nalang natin magagalit si direct.
Tuwing naglalakad ako dito ng ganitong oras, sa totoo lang nakakauwi ako sa bahay ng hindi ko namamalayan. I can't stop myself on imagining and making scenarios sa utak ko habang nakatitig sa buwan. Ewan, pero para sakin ayun yung escape ko sa lungkot. Imbis na malungkot kasi mag-isa ako, mag iimagine nalang ako ng masayang bagay.
May plano nga pala kami bukas ni Nica para sa anniv namin, night picnic date sa rooftop ng condo nya. stargazing, tapos....
tapos....
Pumintig ng malakas ang pulso ko
Napakahawak ako sa bulsa ko at mga ilang segundo pa ay nakahinga na ko ng maluwag.
Shit, buti nandito pa.
Itinapat ko sa buwan yung singsing na bigay sakin ng mama ko bago sya mamatay. Ibigay ko daw to sa babaeng papakasalan ko kapag nag propose ako.
Saktong sakto yung pagkabilog ng buwan sa butas ng singsing, iniimagine kong daliri iyon ni Nica, paano nga ba? paano kaya ko magpo propose kung sakali?
Habang nakatitig kami sa langit na puno ng mga bituin, habang tanging liwanag lamang ng buwan ng sumisinag sa amin. Gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko na sya makasama hindi lang sa pagtanda pero hanggang sa huling hininga.
paano kaya?
sisimulan ko ba sa pangalan nya?
"Nica, simula noong unang nakita kita alam ko na agad na ikaw yung buwan ko. You light up my world on my darkest hours, Ikaw yung buwan na ayoko nang mawala kahit umaraw pa."
itinapat ko ang singsing sa daliri nya katulad ng kung paano ko to itinapat sa linawag ng buwan.
"Nica, alam ko na yung buwan, kapag umaga nasa langit parin pero hindi lang nakikita." Hinawakan ko yung kamay nya at nakikita kong hinahawakan ko yung buwan.
"Nica, wala na kong ibang gusto kundi makasama yung buwan ko kahit hindi gabi, kaya't hayaan mo akong gawin 'to."
Lumuhod ako, sa harapan ng aking buwan, habang hawak-hawak ang singsing.
"Pwede bang makasama na kita habang buhay?"
Sa sandaling pumikit ako ay alam ko na agad ang sagot nya.
Wala na akong ibang naaninag kundi ang liwanag na papalapit sa akin at tunog ng mabilis na sasakyan.
Happy 2nd Anniversary Nica, makakapag celebrate na rin ako ng kasama ka. Sa kabilang buhay.