So yun na nga balik tayo sa kwento. after kung lumayas sa pinasukan ko sa Makati ay nagkaroon ako nang magandang trabaho sa Paranaque as Doorman. dahil doon ay nakatulong na rin ako sa gastusin sa province kasi may nag aaral pa kaming tatlong kapatid sa high school at ang mga pamangkin naming ay umaasa rin sa bahay. at dahil din sa maganda ang pasahod saakin ay naka bili ako nang phone Cherry mobile J7 hindi ka gandahan at may kalakihan pero matibay at original. actually 2 years na siya saakin ngayon since nang mabili ko and wala siyang basag sa screen gasgas lang sa likod pero sulit naman siya dahil madami akong nagagawa madaming apps akong nailalagay dahil 16 ram ang internal storage niya. medyo pumuti na rin ako at may laman laman na ang bulsa.
then one time umuwi ako nang laguna nabalitaan ko na doon nap ala nakatira ulit ang homophobic kong kuya na silahis. mag aalas jes na nang gabi ako nakarating sa laguna dahil medyo traffic. pag baba ko sa bus ay nag lakad ako papunta sa terminal nang tricycle papunta sa bahay nang kuya Mike ko. habang naglalakad ako ay sa hindi inaasahan ay nakasabay ko siya, kakarating niya lang daw galing sa bago niyang pinapasokang trabaho sa store. napansin ko na para siyang pagod at lupaypay yun pala isa siyang dizer nang bigas sa grocery store. naisip ko lang na di kung hindi siya nag inarte sa pagiging messenger eh di sana siya mag bubuhat nang mabigat palagi pa siyang naka aircon. tapos yun nga sabay kaming sumakay nang tricycle tapos nag sabi siya na buti na lang daw at nakasabay niya ako dahil wala siyang pamasahe. sabay naisip ko "What? ang akala ko pa naman ako ang makakapalibre ako pa pala ang mang lilibre eh shing..." pag dating naming sa bahay ay nandoon na rin pala ang isa ko pang kapatid na babae na itago na lang natin sa pangalang ate Celly. ang ate ko na adk naman sa mga Korean drama malapit na siya mag 40 pero Kdrama adik parin. eh ako naman ay BL series and movies kinaaadikan ko since 2014 until now.
sa tuwing nakikita ako ni Kuya homophob na nanonood ay parati niya akong pinupuna. keshu ano raw ang mga pinanonood ko, mga lalaki sa lalaki daw, kilig na kilig daw ako. na para bang diring diri siya. tapos inaasar na niya ako. tapos yun nakikisali na lang din sila Ate Celly at Kuya Mike. pero ayos lang naman doon sa dalawa hindi kagaya doon sa isa. one time nga may ipinalabas sa TV na yung lalake ay nag panggap na babae para mag matyad sa kalaban ay nagkagusto sakanya ang alalay nang hari. sa tuming oras na nang drama na yun ay tinatawag ako ni Kuya Mike dahil palabras na daw ang gusto ko. tapos bigla na lang magsasalita yung isa na yun daw ang mga gusto ko kasi yung lalaki nagkagusto sa lalaki tapos panay pa daw ang harutan nung dalawang lalaki. tapos tatawa na parang nang iinsulto.
and then ito pa. every time na may tatawag saaking lalaki sinasabi niya Jowa ko daw... hindi ba dpweding kaibigan lang, katrabaho, o di kaya Fb friend lang, tumawag lang Jowa agad. eh pag siya nga may katawagan hindi naming pinakikialaman. pero pina lampas ko lang ang mga yun. hanggang sa nagkaroon na nga nitong pesting pandemic. nakulong kami lahat sa bahay nang magkakasama, maghapon magdamag kaming nakikitakita. and that time ay kaka resign niya lang pala sa trabaho. kung hindi ba naman sira. then wala nap ala siyang phone kasi ibininta niya kaya keypad na lang ginagamit niya kung kaya naman wala na siyang ginagamit sap ag online.
one time hiniram niya ang phone ko dahil may checheck lang daw siya nang mail niya dahil nag apply siya. ako naman itong mapag bigay kaya pinahiram ko. pero guest what, hindi na niya binitawan ang phone ko. hiniram niya nang umaga lumipas ang maghapon kung hindi pa na lowbat hindi niya pa ibabalik. ako nalang ang nahiya kumuha kaya pinabayaan mo nalang, but on the next day hiniram niya ulit and ganun parin but that time may power bank na siya kaya na extend pa ang kanyang saya. on the next day hiniram niya ulit and that time hindi lang power bank ang ginamit niya kundi ginamit niya na rin itong naka charge ang saya diba. pero nung wala akong phone hirap akong makahiram nang phone nila dahil baka daw ma sira ko. ang bubo ko naman kung ganoon. pero okay lang yun. ang hindi ko na natiis ay nag pag open ko nang gallery ko ay tumambad saakin ang picture nang sure ako na burat niya dahil short niya ang suot. so anong gusto niyang palabasin? na magugustuhan ko ang burat niya ganun. asa siya. dahhh! then may time pa na ginagamit niya na lang ang walang paalam ang phone ko kasi walang password kaya after nang makita ko ang picture nay un, hindi ko na lang sinabi sa kanya denelete ko na lang at nilagyan ko nang password. after noon siguro naka malisya siya kaya hindi na niya hinihiram.
after a week tinawagan siya nag inapplyan niya ang problema ay wala siyang pang pa medical. nag text siya kay Father kasi siguro nahiya magsabi saamin. pero tinawagan naman ako ni Father at sinabing pahiramin ko muna daw. buti na lang at kakakuha lang namin noon nang ayuda galing sa sss so binigyan ko siya nang 1000, sabi niya palitan niya nalang daw pag nakabawi na siya. pero mag iisang taon na siya sa trabaho but until now wala siyang naibibigay saakin.
then, nang magkatrabaho siya ako naman ang wala dahil nga hindi ako maka alis nang bahay dahil walang kasama si kuya Mike. parang pinalalabas niya na wala akong kwenta, may time pa na sinabihan niya ako na kung gusto maramin paraan. hindi niya ba naiintindihan na hindi nga pweding iwan si Kuya Mike shungers lang diba. tapos mag mula noon ay parati na niya akong inaasar. pati na rin ang mga pinanood ko. maging ang sinusuot ko. one time nakita niya akong nakasuot ng Rainbow shirt, pinuna niya na madami daw nag susuot nang ganoon. sabi ko syempre LGBT shirt yun. tapos sinabi niya na "ah kaya pala" tapos tumatawa na siya. tapos sabi pa niya na "so pag naka suot pala niyan alam na" na may halong pangungutya. tapos nakita niya lang na hinawi ko ang buhok ko sasabihin niya "wow haba nang hair" na may pang aasar, yun bang feeling nakakabastos pakinggan. hindi ko lang siya mapagsabihan dahil matanda siya saakin. pero subrang namumuro na siya.
after a month madami nang ipinalalabas sa pilipinas na mga BL at ibinabalita pa ito sa TV. pinuna niya na naman ito dahil bakit daw pinapalabas pa nila yun eh parang Indie na din daw yun. tapos criniticize niya pa yung actor kasi hindi daw ito nahihiya kasi daw ganoon talaga sila at yun din ang gusto nila dahil bakla daw talaga ang mga ito. sa totoo lang hindi ko malaman kung anong isip meron siya. hindi ko rin naman kasi siya kinikibo dahil ang taas nang pride niya. yung feeling na mag mumukha kang malaking tanga once na makipag usap ka sakanya dahil hindi ka naman pakikinggan dahil gusto niya siya palagi ang tama at tatawanan ka lang niya pag nakipag kontrahan ka pa sakanya.
but oneday I found out na sa Next chapter malalaman ang secrety niya kaya abangan...
itutuloy...