Tan's POV
Di nga ako nagkamali dahil kanibukasan ng umaga ay dumadangungdong ang bulungan ng mga studyante sa campus.
"My God, the wait is finally over!!!"
"Sa wakas!!!"
"I've been waiting for months"
"Oh My God!!!"
"I can't I just can't!!!"
Ibat-ibang mga sinasabi Ng karamihan ng makarating ako sa campus, mas umingay pa ng ang marating ko naman ay ang aming classroom.
"Mas umingay ang buong campus" bungad na aniya ni Arthur ng maupo ako sa tabi niya.
"Pansin ko nga" malumanay at maikling sabi ko sakanya.
Napansin ko naman si Kyle at Kayline na may hawak ang mga phone nila na mukang may pinanonood. Nang masilip ko yon ay nakita ko ang video na sumasayaw si Cleo at Aeris.
"I'm really hooked" mukang wala sa sariling sabi ni Kyle.
"Same Kyle same!!!" Mukang excited na excited na aniya ni Kayline na pinipigilang tumili to namang si Arthur parang tangang naka tingin kay Kayline na may ngiti pa.
"Ano bang meron?" Tanong ko sa mga kaibigan ko pano ba naman pati tong si Arthur nakatingin narin sa phone niya na pinapanood din ang pinapanood ng mga Tao sa paligid ko.
"Huh? Di mo alam?" Gulat na tanong sakin no Kyle na ngayon ay sakin na nakatingin na may 'are you dumb?' look.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sarkastiko kong aniya na ibinalik ang 'are you dumb look' sakanya. "HAHAHAHAHAHA" palahaw na tawa ni Arthur na tinuturo pa si Kyle na inambahan naman siya ng suntok at humarap sakit sabay bulong pa sakin ng salitang 'rude'
"I mean, alam ko naman yung about kay Cleo. Pero bakit parang sobrang hype niyo naman?" May pagtataka sa boses kong tanong.
"Hindi ba nasama sa search mo Yung about sa hiatus ni Cleo at Aeris sa ibang career nila?" Tanong naman ni Kayline na ngayon ay nasaakin na rin ang tingin.
"Not that I know of..." Malumanay na sabi ko habang nagiisip rin kung meron ba akong nakaligtaan.
"Nag hiatus kasi sila Aeris at Cleo sa dancing, singing and modelling career. Mas nagfocus sila sa kani-kanilang business" pagpapaliwanag ni Kayline na ang buong attention ay nasaakin na ganon rin ang dalawa pa naming kaibigan.
"Hmm..." Ingit ko na sinesenyasan pa siyang magpatuloy sa pagsasalita. "Kaya ngayon maraming excited, babalik na siya sa pagkanta" aniya nito na mukang kinikilig.
"By the way, pansin ko more on ang kanta niya ay puro cover. At hindi niya composed" aniya ko na nirerecall pa ang mga video na napanood ko nitong mga nakaraan.
"Mas kilala don si Cleo, di siya mostly nagsusulat ng kanta once palang ata or twice palang siyang nag release ng written song niya" Sabi naman ni Kyle.
"Oo, at ang alam ko yung ibang composed song niya binibigay niya kay Aeris. At yung iba kapag may gustong makipag Collab" sabi naman ni Arthur na may pa hand gestures pa.
Lumipas ang ilan pang mga minuto na binubuo ng bulungan ng mga students about nga sa pinost ni Aeris, at nandon narin ang mga pagpapaliwanag ng tatlo kong mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
My Unforgettable Love
RomanceMay biglang papasok na isang babae sa tahimik at simpleng buhay ni Tristan. Ang malaking katanungan,ano kayang papel o magiging papel nito sa buhay ni Tristan. buuin niya Kaya ang buhay nito o baka naman Siya ang mangugulo at mambubulabog sa payapan...