Tristan's POV.
"Oh, kala ko ba kanina papunta ka na dito? Ba't nauna pa kami sayo?" Pabungad na tanong ng kaibigan kong si Arthur nang makarating ako sa classroom nang 7:05 am.
"Psh, medyo na-distract lang sa daan. Ikaw nga tong maaga palang duma-damoves na" pangaasar ko namang sabi sakanya na nagpa mula ng pisngi ni Kayline at nag paiwas ng tingin ni Arthur na sinabayan nang paghawak sa batok.
Hahahaha, matagal-tagal narin kasing ganyan yung dalawa. Parang sila pero hindi talaga, kumbaga they act and talk like couples do but they really aren't one of them. O Kaya para mas madali, sila Yung dalawang taong WALANG LABEL
"Hahaha, wag mo na asarin bal, pagusapan nalang natin kung ano yung naka-distract sayo" sabi naman ni Kyle na may nangaasar pang ngiti.
"Hmm, meron kasing batang muntik ng masagasaan" sabi ko na nagpa seryoso sa kanilang tatlo.
"Huh?! Ehh ano nangyare?!" Medyo malakas na tanong ni Arthur.
"Lumabas yung mayari nung kotse, tapos tinulungan yung batang makatayo tapos ginamot pa yung maliit na gasgas nung bata" sabi ko na napangiti pa sa ginawa nung babae kanina.
I don't believe in 'love at first sight',so di ko sasabihing nagkagusto o nagka crush na ako sakanya. Maybe I'm just mesmerized by her small but sincere smile, and the way the sun hit her white-ish skin so perfectly. It's like a beautiful scenery, that you must take a picture and treasure.
"Ohh anong nangyare sayo Tan? Bakit nakangiti ka pa, muntik nang masagasaan yung bata ah?" Halatang nagtatakang tanong ni Kayline.
"Di naman sa gusto ko yung nangyare. I'm not that bad of a person " sabi ko na medyo naka nguso pa.
"Eh bakit nga may pangiti-ngiti ka pa?" Tanong uli nito na mas nagpaisip sakin.
Bakit nga ba? Eh madalas naman ako makakita ng maganda pero simpleng ngiti ng mga tao. Pati mga magagandang scenery nakita ko narin sunrise, sunset, raining,volcano's crater, summit and many more. Pero nakakalimutan ko naman agad sila maalala ko nalang kung makikita ko ulit sila sa camera ko or cellphone pwera nalang Kung sobrang memorable talaga yung oras o araw na yon
"Hey Tan! You're spacing out, ano ba talaga nangyare?" Halatang nagaalala ng tanong ni Kyle. "Hoy par! Baka naman ikaw ang nasagasaan ah, Baka kaluluwa Ka nalang" singet naman ni Arthur na mukang tangang parang kinikilabutan
Tignan mo tong siraulong to,batukan ko Kaya to. Totoo sigurong nakaka baliw pag nainlove Ka noh?
"Ewan ko sayo Arthur, Wag mo akong kausapin. Kokotongan kita eh" naiinis na Sabi ko kay Arthur na nag peace sign naman. "Basta basta,yung babae---" magpapaliwanag na sana ako pero biglang mas lumapit si Kyle sakin.
"Nako ka talaga, Kyle. Basta babae paguusapan nakukuha ang lahat ng atensyon mo eh noh? Buti pa ako loyal kay Kayline, diba Kay?" Sabi naman ni Arthur na may nagmamalaking ngiti at kumindat pa kay Kayline.
"Tumahimik ka nga Art!" Nahihiyang pabulong ni Kayline pagkatapos hampasin si Arthur sa braso.
"Tss loyal nga, di naman sila" mangasar naman na bulong ni Kyle.
"Hoy narinig ko yon ahh!!!" Naiinis na sabi ni Arthur na hinambahan pa si Kyle na suntok.
"That's really the goal! Totoo naman kasi, label muna bago date!!! Ang lakas nang loob nyong magdate at gawin akong third wheel, di naman kayo?!" Mas pangaasar pa ni Kyle na ngayon ay naka ismid na
BINABASA MO ANG
My Unforgettable Love
RomanceMay biglang papasok na isang babae sa tahimik at simpleng buhay ni Tristan. Ang malaking katanungan,ano kayang papel o magiging papel nito sa buhay ni Tristan. buuin niya Kaya ang buhay nito o baka naman Siya ang mangugulo at mambubulabog sa payapan...