Kabanata 2

2 0 0
                                    

Heto nanaman ang usual days. Pasok sa school uwi pasok uwi.
Kakasawa pero kailangang pagtiyagaan kase last year naman na namin to eh. Walang thrill dyusko. Walang paevent ang principal nyo ngayon besh.

"Nakita mo ba si Francine?" hanap hanap sakin ni Miguelito.

Isa pa to. Hanapan bako ng nawawalang jowa? Dyusko naman ah! Kadenahan nyo mga jowa nyo baka mawala hanap kayo ng hanap nakuha na pala ng iba!
boOoOOom! Di ka tatawa? Hamapasin kita. Nabaliw na amputek.

"Baka nagpapalibre nanaman sa kaklase natin. Alam mo naman yung jowa mo bastat sa ngalan ng panglilibre walang inuurungan."

Amboring! Sobra! Madam Prinsipal! Bekenemen! Magpasayaw kanaman diyan oh. Total byernes nadin naman bukas.

"Ms. Traquenia. Asan ang iba mong classmates?"
Aba aba . Maam naman pati ikaw makikisali? So mukha na ba talaga akong lost and found ngayon? Ganon? Pagnawawala kailangan sakin talaga itatanong? Dyuskong buhay ito! Kayamot!

"Ah eh. Nagbebreak pa yata Maam"

Tumango naman siya. After of 102030405060708090 minutes chos lang after 5 minutes nagring na yung bell ibig sabihin ay tapos na ang break. Nagsipasukan na yung mga nawawala kong kaklase.
At muling nagbabalik ang aking minamahal na si Mrs. Velasco.

"Good afternoon Stemians! I have a goodnews for all of you. Tommorow is?.."

Nakuha pa talaga magtanong. Wala bang kalendaryo sainyo Maam?

Malamang Byernes buka ayaw mo ba sa tagalog? Sa english *capslock* F R I D A Y !

'friday'
'byernes'
'friyey'

" Yes tommorow is friday and nagbaba ang principal office na magkakaroon ng acquiantance party bukas ng gabi."

Sigawan ang maririnig mo sa buong klase.

Yown kuha mo Maam! Yon lang naman hinihintay namin eh. Hehe effective naman paghiling ko sa shooting star haha.

"But wait wait! You need to cooperate with us. We need to earn funds. Kailangan natin yun for our future events and it will be discussed tommorow morning. Please be cooperative or else there will be no party. Thats all. Goodafternoon again." At nakasmile siyang lumabas ng room.

Sa wakas naman. Maiibsan na tong kaboringan sa buhay ko.

Heto nanaman ako ngayon sa canteen kasama itong puro palibre kong kaibigan. Oo. Si Francine.

"So ano na tayo ngayon? Pano yung susuotin natin?"
excited siya bes.

"Di pa naman sure kung matutuloy ba yung party bukas." pagsagot sakanya ni Migs habang nakatingin parin sa cellphone nya. Adik sa ML.

Ayan ano ka HAHA excited na excited magparty kala mo naman may isasayaw eh laging sila lang naman ni Migs ang magkapartner.

Nagbusangot nanaman ang bruhita. Gusto  lang naman magshopping eh. Halos mapuno nya na yung ķwarto nya ng mga pinagbibibili niya di naman niya nasusuot lahat. Gustong gusto magwaldas eh.  Mayaman si Papa Hostes si Mama chour narinig ko lang yan somewhere hihi.

"Ember!" sabay kapit sa braso ko. Dzuh childish*role eyes*.

"Shopping tayo." abay may pakurap kurap pang nalalaman ang bruha.

"Ayoko. "

"Ih! Shopping na tayo, para naman to sa party bukas ng gabi eh. Para magmukha ka na ding tao." aba gusto ata nito ng mag-asawang sapak eh. Mukha bakong animal? bwesit.

After the HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon