Behind His Tears

5.4K 96 25
                                    

"Kahit lalaki ka, hindi masamang umiyak."

 

Isang maikling kwento, tungkol sa lalaking hindi nabigyan ng pagkakataon na maitama ang lahat at malaman ang tunay nyang nararamdaman. Hindi sa lahat ng pagkakataon, masaya ang bawat ending ng isang love story, minsan dahil sa isang pagkakamali hindi na maiitama pa ang lahat.

  

                                            BEHIND HIS TEARS 

"Tss, ang kupad mo talaga, Mike" bulyaw ko sa sarili  saka dali-daling sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko na agad ito sa bilis ng makakaya ko.

Simula kaninang tumawag siya, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Buti nalang talaga kinausap niya na ako. Akala ko hindi na niya ako mapapatawad. Akala ko hindi na niya ako kakausapin. Akala ko habang buhay na niya akong lilimutin.

Tinawagan niya ako kanina at sinabing magkita raw kami mamayang gabi, sa dati naming tagpuan, dating oras. Seryoso ang tono niya sa phone. Siguro naman hindi siya makikipaghiwalay sa akin. Binigyan ko na rin naman siya ng oras para makapagisa. Ayos na siguro ang apat na araw para makapagisip-isip siya, na hindi ko naman talaga kagustuhuan ang nangyari sa party.

Wala naman kasi talaga akong planong lokohin siya, ni balakin ay hindi. Sadyang malandi lang talaga yung babae doon sa party ng kaibigan ko. Naaalala ko pa…

  

Kasalukuyag kumukuha ako ng maiinom noon sa Buffet Table ng biglang…

 

"Ouch!" sigaw ng isang babae sa may likuran ko. Kitang-kita ko siyang nakasalampak sa may pool side. Walang nakakapansin sa kanya dahil halos puro lasing na ang mga tao doon.

 

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan siyang tinulungang makatayo. Sa di inaasahang pagkakataon, sa isang madulas na tiles pa ako napaatras kaya muli kaming napasalampak sa sahig.

 

Nasa ibabaw ko siya habang nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko.

 

Malakas ang pagkakabagsak namin. Napakapit ako sa ulo dahil sa sobrang sakit. Ngunit sa di inaasahan nung pinilit kong makatayo, naglapat ang mga labi namin ng babaeng ngayon ay nakapatong sa akin. Mabilis kong inalis ang pagkakalapat ng labi ko sa kanya. Ngunit huli na ang lahat, pagtingin ko sa kanang bahagi ko..

 

" Blaire" bulalas ko

 

Nakita ko siya. Nakahawak ang mga kamay niya sa kanyang bibig, habang bahagyang tumutulo ang mga luha sa pisngi. Hanggang sa mabilis siyang umalis sa lugar na kinatatayuan niya. Hindi ko na siya nasundan pa dahil sa babaeng hanggang ngayon ay nakapatong sa akin.

Sa unang pagkakataon nauna akong dumating sa tagpuan naming. Syempre ako ang may kasalanan, kailangan kong magpakitang gilas. ‘Di ko kayang mawala siya sa’kin. Mahal na mahal ko siya. Maya maya pa, nahagip na ng pangingin ko ang babaeng mahal ko.

Love Stories  .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon