Mr. Donut

1.4K 48 10
                                    

Sabi ng Nanay ko nung bata pa ako. 

Hindi lahat ng pinapangarap natin ang syang mangyayari. Minsan kung kelang di mo pa inaasahan yun at yun ang mangyayari. Lahat daw ay nakatadhana na. Kahit anong iwas ang gawin mo, in the end wala kang magagawa. Kahit pa panay kamalasan ang mangyari sayo, wag kang mag-alala kasi may mangyayari at mangyayari ring maganda. Parang yung kasabihan na, “ Everyday may not be good, but in the end there’s something good to be happen.”

 

Nung una hindi ako naniniwala sa kasabihang yan. Bakit? Eh kasabihan lang naman diba?  Kung baga, usap-usap lang na pinagpasa-pasahan ng kung kani-kaninong dila.

Not until that day happened.

Gusto nyo ba malaman? Pwes eto na nga ikwekwento ko na! Wag kayong atat no!

TWO MONTHS AGO…

 

 

“ Marie naman! Hindi nga pwede. Kapag naman pwede sinasama kita diba? Pero wag ngayon. Tyaka may date kami ni Phil eh! Tabi ka muna dun dali.” sermon ng Ate ko sa akin.

“ Dali na Ate, promise I’ll behave (“-/\-). Hindi ko kayo guguluhin ni Kuya Phil. Gusto ko lang talaga makapasok sa loob nun! Please Ate?” with matching may super duper pacutie eyes pa. Para na akong tanga dito kakasunod sa kanya. Punta sa sala, sa kwarto, sa kusina.

Gustong-gusto ko kasing makapasok sa  loob ng Campus nila eh. I’m a Third year Higschool na, kaya kailangan ko naring magdecide kung saan ako papasok na school para sa College days ko. Natatandaan ko kasi yung sinabi sakin ni Papa, na kapag daw fourth year highschool na ako hindi ko na maasikaso ang pamimili ng school, mas madami raw akong kailangan gawin kesa doon. Kaya hanggat mas maaga tumingin-tingin na raw ako. Kaya eto ako, parang shungang susunod-sunod kay Ate Max.

“ Ate Max ako na dyan” agaw ko ng tasa sa kamay nya.

“ Kahit ipagtimpla mo pa ako ng pamatay mong kape, hindi parin kita isasama.” Nakairap nyang sabi. Grrr! Itong bruha talaga na ito, sya na nga pagtitimpla ayaw pa, kung di ko lang to labs eh! Pero gusto ko talaga huhu :(

“ Wag ka nga magmangot dyan, masyadong bagay sayo. Nyeyeye!” sige inisin mo lang ako,

“ Ate naman eh, sama na kasi ako.” Maktol ko ulit sa kanya.

“ Sige na nga, pero sa isang kondisyon.” Biglang sumaya yung mood ko ng sabihin nya yoon. Tyaka ako tumingin sa kanya habang patango tango na nakakontodo smile pa! *^__^*

“ Ikaw magpapaligo kay Kimpot” pagkarinig na pagkarinig ko noon agad akong tumango,

“ Sabi mo yan ha!” tapos kinuha na ni Ate yung tinimpla kong kape. At bumalik na sa sala habang tumatawa ng mahina.

Love Stories  .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon