Chapter 14

426 13 0
                                    

Meghan's POV.

Another days has passed. Nandito kami ngayon ni Bea sa loob ng kuwarto niya, nakahiga sa kama niya habang magkayakap. Tahimik lang kami at ninanamnam ang presensya ng isa't-isa nang may bigla akong maalala.

"Bobs," pagbasag ko sa katahimikan.

"Hmm?"

"No'ng 18th birthday ko hindi kayo nagkaabutan ni Natasha 'no?"

"Ayy oo nga 'no. Hindi ko rin siya naitanong sa'yo no'n. Nakapunta siya?"

"Hmm. Pinagpaalam ko siya pero almost 1 hour lang dahil 'yon ang sabi ng step-mom niya,"

"Kahit birthday lang ng bestfriend ng step-daughter niya gano'n pa rin siya kahigpit?"

"May...work kasi si Natasha kinabukasan no'n, alam mo naman na masyadong worried ang Tita niya tungkol sa trabaho ni Tasha."

"At sa trabaho talaga worried, ah? Hindi mismo kay Natasha," natatawang wika niya.

"Ano pa nga bang aasahan mo ro'n? Tinulak niya nga sa ganoong trabaho yung bestfriend ko,"

"Sayang, nagkakilala na sana kami no'n."

"Gusto mo punta tayo mamaya sa bar? Ipapakilala na kita, at saka...kukumustahin ko na ulit siya,"

"Doon mo talaga ako ipapakilala sa kaniya?"

"Hmm. Doon lang ang chance na makausap siya ng matagal,"

"Oh...sige, ikaw ang bahala. Handa ka na ba? Kasi ako handa na, ikaw na lang ang iniisip ko."

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "I'll convince myself, so... I'll try,"

"If you say so. Nandito lang naman ako." nginitian ko na lang siya bilang tugon.

Kinagabihan ay nagpasya kami ni Bea na pumunta sa Bar na pinagtra-trabahuhan ni Natasha. Pinahiram ulit kami ni Tita Junie ng kotse niya at kasama rin namin ang driver niya. Ako lang muna ang papasok sa loob ng Bar since hindi pa nakakapag-debut si Bea.

"You ready?" Tanong ni Bea. Nag-inhale at exhale muna ako bago tumango sa kaniya.

"Yes," I answered.

"Be careful," she kissed my forehead and I nodded. Bumaba na ko sa kotse at sumulyap muna ko sa kaniya bago tuluyang pumasok sa loob.

Bago ako bumaba ng kotse ay malakas na ang kabog ng dibdib ko at mas lumakas pa 'to nang tuluyan na kong makapasok sa loob. Magkahalong ingay ng tao sa loob at ingay ng music ang maririnig. May nagsasayaw sa harap at may mga lasing na sa iba't-ibang table.

Maingat naman akong naglakad papunta sa counter table para itanong kung nasaan si Natasha.

"Uhm. Good evening po, Kuya. Pwede po ba magtanong?" Bungad ko sa lalaking nasa counter table.

"Oo naman, ano 'yon?"

"Uhm...nandito po ba si Natasha ngayon?"

"Ahh. Oo, nagse-serve siya ngayon. Bakit?"

"Kaibigan niya po ako, pwede po bang pakisabi sa kaniya na pumunta sa table ko?"

"Oo naman. Sige,"

"Thank you po." Ngumiti na lang siya kaya naglakad na ko papunta sa pinakadulong table. Feeling ko kasi mas safe ang puwesto na 'to.

Habang naghihintay ay pinagmasdan ko lang ang kabuuan ng lugar. Maayos naman dito, pero karamihan sa mga tao ay mukhang hindi katiwa-tiwala. No offense 'cause that's just my perspective. Nakita ko rin ang ilang babaeng nagsasayaw sa di-kalakihang stage at laking pasasalamat ko dahil hindi sa ganiyang posisyon napunta si Natasha.

That One Night Mistake [Girls' Love Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon