Chapter 12

463 16 0
                                    

Meghan's POV.

Months has passed. Successful naming natapos ang Grade 11, ngayon ay enrollment na ng Grade 12. Mag-iiba na rin ang mga kaklase namin, hindi ko alam kung saan nila ibabase pero sana mas better na ang mga magiging kaklase ko.

"Bea!" I waved at her, lunch time na kasi. Nauna ako rito sa may cafeteria dahil malapit dito ang building namin. My birthday is near, at gusto ko ay simple lang naman ang handaan. Ayoko ng bongga dahil ayokong mapagod nang sobra.

Nilapitan ako ni Bea habang nakangiti at nakatitig din ako sa kaniya habang nakasilay din ang ngiti sa mga labi. "Hi, Bobs!" Bungad niya.

"Hi," balik na bati ko. Naglahad siya ng kamay at malugod ko 'yong kinuha.

"Let's go?" Tanong niya at tumango ako bilang tugon habang hindi nawawala ang mga ngiti sa labi ko. Naglakad na kami papunta sa loob ng cafeteria at nagsimula nang kumuha ng pagkain.

"Kumusta mga classmate mo? Sila pa rin ba?" Panimula niya sa usapan. Masaya naman akong umiling bilang tugon.

"I'm glad na hindi na sila. Pero, mami-miss ko 'yong kaunting chikahan ko sa ibang medyo close ko. 'Yong classmates ko ngayon, feel ko makakasundo ko naman silang lahat," I answered.

"Ooh! Good for you!"

"E ikaw? Kumusta classmates mo? Sila pa rin ba?"

"Unlike you, half lang ng classmates ko ang napalitan. Pero mukhang mga okay naman sila, and I hope magtutulungan kami hanggang sa dulo. At sana wala ring toxic sa'min HAHAHA!"

I chuckled.

"Sana sa'min din walang toxic HAHAHA! Cross fingers,"

"Talaga ka," bahagya na lang akong natawa bago sinimulan ang pagkain.

I think, our life would be peaceful lalo na't graduated na rito sila Nikolaj. Wala nang manggugulo sa'min dahil baka sa malayo na rin sila nag-aral. And of course, that's a good news. We should be a good influence to our Junior. Hindi man bilang Student Council Officer, kundi kahit bilang isang normal na Senior High Student.

Another weeks has passed. Nag-usap na kami ni Mom about sa preparation for my 18th birthday. May party pa rin pero hindi ganoon ka-enggrande. Gusto ko simple lang pero masaya lalo na't makakasama ko ang mga mahahalaga sa buhay ko.

Since kasya naman ang visitors dito sa bahay namin, dito na lang namin naisipang maghanda ng celebration. Then, gumawa rin kami ng schedule for visitors. May invitation din para naman may pagbabasehan sila ng oras sa pagpunta.

1:00 P.M-5:00 P.M
RELATIVES AND FAMILY
5:00 P.M-9:00 P.M
FRIENDS AND OTHER VISITORS

Ang theme ng party ko ay Champagne and Silver. Wala, nagandahan lang ako sa kanila pareho, so I suggested it to my Mom and she liked it, too! Ang elegant daw kasi ng kulay. Kaya ang isusuot kong dress ay dalawa rin, 1 PM to 5 PM is Champagne color. Then magpapalit ako ng Silver color kapag Friends and other visitors na ang schedule, ganoon din sa isusuot kong heels.

Pero hindi magbabago ang make-up ko at ayos ng buhok, hassle kasi 'yon para sa'kin. Bahala na ang make up artist na kukuhanin ni Mommy para pagsamahin ang dalawang kulay sa eyeshadow ko. Hindi naman siguro 'yon impossible sa skilled na make up artist, at may tiwala rin ako sa kukuhanin ni Mommy.

After naming ipagawa ang invitations at pang-souvenir para sa visitors ay pumunta naman kami sa cake shop para magpagawa ng elegant cake. Bumili rin kami ng pang-design at pang-decorate for my party. Then, next naman naming pinuntahan ay ang isang restaurant. Kilala raw kasi ni Mommy ang Chef na may-ari no'n at iyon ang kakausapin niya para mag-cater sa food na ihahanda.

That One Night Mistake [Girls' Love Series #5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon