XI

887 5 1
                                    

AN:
Bear with errors, have a great day ahead!

&

Please do search about what omegaverse is... to avoid confusion or you can check the comment right here. I'll leave a link.

OMEGAVERSE

Ang tahimik namin sa classroom ngayon kahit wala ang teacher. Ano ba naman 'to ang boring. Wala ba pwedeng gawin dito? Kahit makausap man lang, ganito na ata ako ka desperadong mawala ang pagkabugot.

"Hailey" napatingin ako sa taong tumawag sa'kin, si Sandra. Isa sa mga malalapit kong kaibigan dito sa eskwelahan at isang Beta.

Prenteng naka-upo lang siya sa tabi ko at tinatapik ang daliri niya sa upuan nang magkasunod kaya nakakagawa ito ng ritimo.

"Oh, Bakit?" tanong ko sakanya bago ulit tumingin sa pisara sabay patong ng siko sa armchair bago nilagay ang baba ko sa palad.

"Bored ka diba?" Tanong niya, sasagot na sana ako pero naunahan na niya.

"Shhh" pagpapatahimik niya sa'kin kasabay nang paglapat ng hintuturo niya sa kanyang labi at nagpatuloy "Oo, alam ko". Nakita ko ang pag angat gilid labi niya nang nahuli niya akong nakatitig sa hugis puso niyang labi. Napaiwas ako ng tingin.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita, ang daldal naman.

"At wala naman ang teacher, tara sa cafeteria" hindi pa nga ako nakasagot ay agad na siyang tumayo at walang hiyang hinablot ang kamay ko at kinaladlad.

"Uy u-uy, ano ba Sandra! dahan-dahan naman" ang lakas niya humataka ah, ginawa akong machine na pwede lang basta-bastang hatakin. Padabog kong kinuha ang kamay ko sa hawak niya. Napahinto siya at sumimangot na tumingin sa'kin.

"Arte mo naman" pabiro niyang saad at napalitan ang simangot niya ng ngisi. Napahinto na rin ako dahil sa inakto niya, tinignan ko siya ng maigi. Lakas niya magbiro sa'kin ah porket matalik ko siyang kaibigan. Mula sa kinaroroonan niya ay humakbang ito palapit sa'kin habang nakataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.

"Calm down Alpha" bulong niya no'ng nakalapit na siya sabay patong ng kamay niya sa leeg ko, magkasing tangkad lang kami kaya walang problema. Hindi ko nalang siya pinatulan para makatungtong na kami sa cafeteria. Mula sa kamay niyang nasa leeg ko ay gumapang ito pababa sa dibdib ko nang marahan at ramdam ko na ang hininga niya sa tenga ko. Akala ko ba pupunta kami sa cafeteria?

"Tangina naman Sandra oh, nasa hallway tayo"  lumayo siya kunti sa'kin at binalik ang kamay niya sa dati nitong puwesto pero malapit parin ang bibig niya sa tenga ko.

"Okay, I'll behave na nga" bigkas niya bago tumayo ng tuwid at hinalikan ang bandang gilid ng ulo ko.

Siya na ang pumunta sa counter ng cafeteria habang ako ang naghanap ng puwesto, alam na rin naman ni Sandra kung ano ang gusto ko. Sa gilid na naka glass wall ako umupo at kitang-kita mula rito ang school ground.

Iilan lang nasa school ground, ang iba ay nasa bleachers na nasa gilid lang nito. Maaliwalas ang panahon at umaga pa naman kaya hindi mainit, dahilan na rin para merong magtambay.

Gusto ko nalang umuwi sa bahay para matulog, boring dito kahit present ang mukha ni Sandra.

"What's with the long face?" rinig kong saad ng kaibigan ko sabay patong ng tray sa mesa bago umupo.

Daring: Red Room Collection (Lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon