Chapter 17 *Spin the Bottle 2&2*

20 0 0
                                    

Madilim na nung lumabas ako. Nakita ko na sila dun nakaupo at naka pabilog, may latag na parang sheet tapos may mga torch sa paligid, may mga Cocktails and foods din. "Ano pa inaantay mo? Ay sino pa inaantay mo jan." sigaw ni Pom sabay tawa. Nakita ko na naman ang mga tingin nila Rhoanne at Mariella para bang anytime na lumapit ako sa kanila kakagatin nila ako. Sabagay sabi nga nila pag kinagat ka kagatin mo din. Nangingiti-ngiti na ko ng bigla akong nagulat kay Emz na nasa likod ko lang, kaya naitulak ko sya. Humagalpak sya ng tawa sa harap ko, "Lately nagiging magugulatin ka, sabi ng lola ko pag daw magugulatin ang tao may sikreto." Pambwiset pa nya.

"Ahehe, tawa-tawa kapa kutusan kita jan e," sabi ko habang yamot na yamot ang itsura. Bigla naman nya akong inakbayan at sinabing "Wag ka ngang Sumimangot jan, lalo akong naiinlove e," "Ano?" painosente kong sagot. Actually i heard that clearly and i'm sure tama ako ng rinig, hindi na nya inulet yung sinabi nya tapos bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ko papunta sa kanilang lahat. "Oh dito kana sa gitna nila Jhaypee at Sas." sabi ni Pom,

**************************

"Game na! Siguro naman alam niyo na yung rules ng game na to? At hindi ko na kelangan mag Discuss ng Instructions? Since nalaro na natin to minsan? Sabi ni Pom"

"Oo na! Ke Bugal mu! Start na, spin mo na!" sabi naman ni Jeff.

At inispin na nga ni Pom yung bottle. At sa first move kay Jeff tumapat yung bottle, Consequence ang pinili nya at ang parusa ay (Tumapak sa baga ng Torch! Joke) ang parusa ay Ikikiss nya si Vin sa lips within 10 seconds. Since game lang yun hindi na sila umangal pa. "NO KJ'S ALLOWED" sabi ni Pom. Habang magkalapat yung mga lips nila kami naman nag bibilang.

Next na nag spin e' si Jeff and kay Mariella tumapat, True ang pinili nya, "Do you still love Sas?" tanong ni Jeff. Matagal bago sya sumagot. "Ya! Hindi Nawala at ni hindi nagbago!" sagot nya. Lahat kami hindi nakapag salita sa narinig namin. Bigla naman siniko ni Pom si Jeff. Tumingin ako kay Emz tinignan ko kung ano yung reaksyon nya, pero parang deadma lang.

Dinedma nalang namin yun kaya nag move na kami sa sunod na magiispin ng bottle si Vhin. nung nagstop yung bottle. Tumapat yun kay Emz, Consequence ang pinili nya, at ang parusa ibo-bottoms up nya yung 3 bottles of vodka, nagawa naman nya. Nag spin na si Jhaypee since sya na ang next kung hindi ka nga naman minamalas, sakin yun tumapat. "Kayo na ba ni Sas? Mahal mo ba sya?" direct niyang taong with eye to eye contact. "No, And i don't know!" Simpleng sagot ko. ako na yung next spinner at tumapat kay Sas. (Oh my God! Bakit sa kaniya pa?) sabi ko sa sarili ko. (Sige Assuming na kung Assuming! Garapalan na to!) "Do you like me? NO Do you Love me?" rekta at prangka kong tanong. Hindi sya sumagot at tinitigan lang ako sa mga mata ko.

Now Playing -----> Your Song

Artist : Parokya Ni Edgar

********************************

Mga tol, may Spin The Bottles 3&3 pa po yan :) Sorry slow updates busy sa school ee' nawa po ay mag Enjoy Kayo Sa SSFOG :) pa-vote and pa-Fan na din po. Thanks! God Bless Us :) -imANDREADIZON-

Six Strings for One GuitarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon