It Must Have Been A Fairytale

19 4 2
                                    

I love coffee, but not today.

I can almost taste the bittersweet aroma of coffee in the air. Too bad that I'm feeling really sleepy, that even my favorite smell in the morning doesn't have any effect on me now. Gusto ko ng bumalik sa kama, magtalukbong ng kumot, at yakapin ang mga unan ko.

"Mag-almusal muna kayo. Tapos mamaya i-briefing namin kayo ng gagawin." Nakasimangot na sinundan ko ng tingin ang nagsalita. Ba't nga ba ako pumayag na dumalo sa morning show na 'to?

Naagaw ang atensyon ko ng dalawang crew na nag-umpisang mag-abot sa amin ng almusal. Oh, may free foods pala sila sa mga ganitong shows. Even so, my urge to go back to bed is stronger than the temptation from the food.

The moment a crew handed me a paper bag with a famous food chain logo, someone nudged my left arm.

"What the hell?" I hissed. Buti na lang at hindi ko pa inaabot 'yong paper cup na may lamang coffee. "Aaron!"

He sat beside me and grinned.

"Anong ginagawa mo rito? Aren't you part of the crew?"

"We still have a few minutes before we go on air." Nabaling ang tingin niya sa hawak ko. "Uy! Pahingi!"

Walang paalam na kinuha niya mula sa akin ang pagkaing galing sa production. "Hoy! Galing 'yan sa inyo. Can't you get it from backstage?"

"Mas masarap kasi kapag galing sa'yo 'yong food." Kinurot niya ang pisngi ko. Tinabig ko naman ang kamay niya. Kahit kailan talaga hilig niyang pagdiskitahan ang pisngi ko. "By the way, I have a surprise for you later."

Nagtatakang napatingin ako kay Aaron. "It's not my birthday, in case nakalimutan mo."

Ininom ko na lang 'yong binigay na kape kahit walang laman ang tiyan ko. Baka sakaling mabawasan ang antok na nararamdaman ko.

"Alam ko. But believe me, magugustuhan mo 'yong surprise ko ngayon. Baka nga bigla mo kong i-kiss kapag nalaman mo kung ano."

"Ew!" I gave him a disgusted look na tinawanan lang niya. "Kadiri ka, Aaron. Kahit siguro lasing na lasing ako 'di ko gagawin 'yon."

Sasagot pa sana siya sa'kin pero biglang may lumapit sa aming crew at sinabing pinapatawag siya ng direktor. Naturingang Camera Supervisor pero kung saan-saan nagpupunta.

"Okay, ladies and gentlemen. May I have your attention, please." Nabaling ang tingin ko sa crew na kanina'y nagbigay ng pagkain namin. "So bilang audience, isang bagay lang naman ang gagawin ninyo. Once umikot ang camera at matapatan kayo, magiliw lang kayong papalakpak.

Huh? Gumising ako ng maaga para maging isang tagapalakpak lang? Para tuloy ang sarap sakalin ni Aaron, pagkatapos niya akong kulit-kulitin.

Tatayo na sana ako para umalis nang biglang sumigaw ang director. "We'll be starting in five minutes!"

I groaned in frustration. Wala akong choice kundi umupo ulit. Titiisin ko na nga lang manood at pumalakpak.Lagot talaga sa akin mamaya 'yong Aaron na 'yon. Ugh! I'm really going to strangle that arse.

Nakasimangot na ibinaling ko ang tingin sa set para sa morning show. In fairness, the set is giving off a homey vibe. Minimal lang ang design. May isang puting sectional sofa sa gitna which can seat at least five people. May makeshift window rin na may kurtina sa likod nito. The autumn-colored throw pillows added color to the almost white set.

Napabuntong-hininga ako, at nangalumbaba. Parang ang sarap humiga d'on sa sofa.

Napukaw ang atensyon ko nang magsimulang magsalita ang host ng program. Saglit akong napangiti. I like Bianca Gonzales, and I'm happy na siya ang host ngayon. Ito na ba 'yong sorpresang sinasabi ni Aaron?

It Must Have Been A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon