Michelle's PoVWeekend passed like a lightning. I woke up early to bake some cookies for Dean. Today's his first day in law school and I was so excited about it more than him. I put the cookies on a container and put it inside a paper bag. Ipapadala ko lang sa kaniya ito since I have work din naman. He doesn't know what is it, I just texted him na may darating for him.
Nag-commute ako papuntang work since Dean's already preparing for his first class. I'm also thinking of getting a car para naman hindi hassle sa akin sa tuwing traffic. Hindi naman ako mahihirapan mag-ipon dahil bukod sa kinikita ko sa mga libro ko ay mataas ang pasahod ng Avanzado kumpara sa ibang mga kumpanya. Maybe I'll get one after my sixth pay.
Nakatakda ring dumating si Moira mamayang gabi kaya nagpaalam ako na mag-ha-half day ako. It's my papa's birthday and I'm sure this is the greatest gift na maibibigay ko sa kaniya. I talked with my mother last week regarding sa pag-uwi ni Moira and it was frustrating.
Ginugol ko ang weekend sa pagpuntang Cagayan Valley para lang kausapin siya. The good thing is sinamahan ako ni Dean, kaya naman hindi ako nahirapan sa pagbyahe.
We met in a café, hindi ko masikmurang makita ang hindi ko na malaman kung pang-ilang kinakasama na niya. I wasn't emotionally ready to be with the new guy. It was even hard for me to go here and see her again after so many years. Madalas akong inaaya ng mga kapatid niyang pumunta rito but I always reject them. Sabihin na nilang masama akong apo sa tuwing hindi ako pumupunta sa birthday ng lola ko, o kaya naman masamang anak dahil ayaw kong makita ang ina ko. I don't care. I wasn't ready and never will be ready. Ginagawa ko lang 'to para sa kapatid ko. I want her to live a blissful life. I know that she's hurt more than I am. Araw-araw niyang nakakasama at nakikita na may ibang kinakasama ang nanay niya at madalas ay papalit-palit pa. The pain that she felt whenever our mom would not go home. She experienced pain through those years na narito siya. And that's fucking enough.
"Hindi siya uuwi," aniya na para bang desididong-desidido na ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
"Hindi niyo ho p'wedeng pigilan ang gusto ni Moira," I just said.
"Ilang beses ko nang sinasabi sa'yo Michelle na hindi! Noon pa man hindi na ang sinasagot ko sa iyo. Kailan ka titigil?" She said, already gritting her teeth.
"Ilang beses rin ho ba dapat sabihin ni Moira'ng gusto niya nang umuwi?" Sagot ko sa kaniya, seryoso at walang emosyon.
"Walang bantay ang lola niyo," palusot niya.
"That's not her responsibility. Ikaw dapat dahil ikaw ho ang anak," sabi ko naman.
"Bakit ba pinipilit niyo? Puro kayo ang iniisip niyo! Puro papa niyo! Paano ako? Ha? Nanay niyo ako, Michelle. Hindi kung sino lang," aniya at pinunasan ang luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata.
Kahit ganoon ay hindi ako nagpatinag. "Paano ka? Hindi ba kayo naman ho ang gumawa niyan sa sarili niyo? Did you ever think about how damaged we were because of your crazy acts?" Bato ko sa kaniya, puno ng hinanakit na naipon sa pagdaan ng panahon.
"Hindi siya uuwi," matamnan niyang ani.
"Hindi na ho kayo ang magdedesisyon niyan. Malaki na si Moira," I responded.
"Michelle!" She yelled, hindi na nahiya sa mga tao sa paligid.
"Tama na, ma! Tama na..." halos pabulong nalamang ang boses ko, I was so close on crying. "Hindi ka pa ba napapagod? Hindi ka pa ba masaya? Masyado mong iniisip 'yung sarili mo e, nakalimutan mo nang isipin na may pakiramdam din 'yung mga anak mo. Hindi lang ikaw ang magulang. Hindi lang ikaw 'yung dapat isipin. Ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo hindi kami, kaya bakit kami 'yung nagdurusa? You did that to yourself so face the consequences."
BINABASA MO ANG
The Monster Inside Her
RomanceMichelle Celestine Zobellano is a bubbly and carefree author. Grew up in a broken family and became the breadwinner. She wants nothing but the best for the people around her and could sacrifice anything for the one she loves. She'll be in deep water...