Chapter 9

243 12 12
                                    


Michelle's PoV

"Hindi ko alam na kasama siya," mahina niyang dipensa.

"Ano man lang 'yung mag-text ka sa akin nung dumating ka at nakita mo siya...love kasama ko si Reina...love nandito si Reina," I stated.

Hinawakan niya ang dulo ng kaniyang ilong at pumukit nang mariin. Dinilaan ang kaniyang pangibabang labi at tinignan muli ako. "Can we not talk about this here? Love naririnig nila Lia," he frustratedly muttered.

I looked at my friends, they're not looking but I knew that they were hearing our conversation. Naglakad ako palabas ng courtyard habang si Dean ay nakasunod.

"What now?" I asked.

"I swear, I didn't know," he claimed.

"Oo nga Dean, hindi mo nga alam. But is it hard for you to message me? Malaki bang kabawasan sa oras mo na mag-text na kasama mo 'yung ex mo?" I raged.

"Hindi naman sa ganoon!" He answered.

"Then bakit hindi mo ginawa?" Tanong ko, halos hindi na marinig ang boses ko dahil sa malakas na musika.

"Can we let this pass? Please?" Aniya, he looked at me with his eyes that are now pleading.

Umirap ako at malalim na huminga, "ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na siya, nandito kana...nandito na ako."

Tinalikuran ko siya at tuloy-tuloy na pumasok muli sa courtyard. I was expecting for a sorry pero wala. One sorry is enough for me to stop nagging him. Of course I was offended. I am his girlfriend and now his fiancée and knowing that he's with his insecure ex makes me feel disrespected. That woman messaged me that he wants him back. What am I supposed to feel? Am I supposed to be happy? Dapat ba nag-ce-celebrate akong magkasama sila? Messaging me and informing me that he's with that girl is a sign of respect. Ayaw ko nalang palakihin ang away dahil alam kong na-s-stress na siya sa lawschool at ayaw ko na ring dagdagan ang bagahe sa dibdib niya. Kinain ko nalang ang pride ko. I chose to be quiet and let this fucking thing pass.

"Ano 'yon? Bakit ang bilis mag-usap?" Salubong ni Ophelia.

"Hayaan mo na," tanging sagot ko.

"Hay nako bakla, 'pag 'yan talagang babaeng 'yan lumandi...nako kakalbuhin ko 'yan! Sama mo na si Dean!" Banta ni Delilah.

"Hayaan niyo na, uwi nalang tayo. Sumasakit bangs ko rito," mungkahi ko.

Sinang-ayunan naman nila ang sinabi ko gayundin sila Heather. Pinuntahan ko muna si Dean para magpaalam na uuwi na. Hindi ko na tinanong kung anong oras siya uuwi dahil gustong-gusto ko nang umalis sa lugar na iyon. Lalo na't nakakainis ang tingin ng Reina'ng 'yun. Tama lang na Reina ang pangalan niya...Reina ng inggit.

Sabay-sabay kaming anim na umuwi but of course in different cars. Sinunod ko rin ang sinabi ni papa na kay Ophelia muna ako matulog since gabi na rin naman at pagod na ang katawan ko. Pagod na rin ako sa pag-iisip, gusto ko nalang na matulog. Nasa katabing building lang ang condo ni Delilah kaya naman sa kaniya na ako manghihiram ng damit para bukas. I hand washed my underwear before sleeping para naman may magamit ako.

Sa sumunod na araw ay nakatanggap ako ng text mula kay Dean with the same statement like yesterday. Pinaglagpas nalang namin at hindi nalang pinalaki.

Then another weekend came. Jolene invited us sa penthouse nila sa pagmamay-aring hotel ng asawa. The penthouse was incredibly huge. Moderno ang desenyo ng bahay, halos puti lang ang makikita...puti ang pintura mula kisame hanggang pader, habang puting tiles ang sahig. It also has a massive window with the overwhelming view of Manila Bay and city lights. Habang ang mga kasangkapan sa bahay tulad ng mga upuan ay naglalaro lamang sa kulay-kape at abong kulay. May iilang wood-tones din na makikita sa bawa't parte ng bahay.

The Monster Inside HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon