VI. Our forever. ∞

502 17 21
                                    

Dali-daling dinala si Dan sa emergency room. Iyak ng iyak si na Tita Lyn at Tito Dexter samantalang nakaupo lang ako sa isang sulok. Nilapitan ako ni Mama.

"Anak.. Ok lang kung iiiyak mo yan." mahinang sabi ni mama habang hinihimas ang likod ko. Pinipilit kong hindi tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Di ako kailangan umiyak mama. Alam kong ok lang si Dan. Gigising sya dun ng parang wala lang nangyari." matigas na sabi ko. Di ako gumagalaw. Di ako tumitingin kay mama. Di ako umiiyak. Pinapaniwala ko ang sarili ko na ayos lang ang lahat.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor. Lumapit kaming lahat sa kanya at pinakinggan ang sasabihin nya.

"The patient is experiencing a severe heart failure. I have to be frank... 50:50 ang pasyente. No assurance if he'll wake up again." sabi ng doctor.

"Pero doc.. wala na pong sakit sa puso si Dan. Naoperahan na sya dati, nagka heart-donor na sya dati pa." sabi ni Tita Lyn habang hawak-hawak ni Tito Dexter.

"Bumalik ang heart disease ng pasyente 1 year ago. He went here to have his heart check last year at yun ang naging findings. Ibig sabihin ba hindi nya yun sinabi sa inyo?" sabi ng doctor. Natahimik kaming lahat sa narinig namin.

"Hindi nya sinabi sa min..." nanginginig na sabi ni Tito Dexter dahil sa pagpipigil ng iyak.

"I'm sorry to hear that Mr. Ventura. But Dan's condition is very critical. Gagawin namin ang lahat." sabi ng doctor sabay tapik sa balikat ni Tito Dexter at saka umalis. Unti-unting napaupo sa sahig si Tita Lyn at umiyak ng umiyak. Niyayakap sya ni Tito Dexter. Samantalang tinatapik ni Papa ang likod ni Tito Dexter. Nilapitan ako ni mama at niyakap.

"Hindi totoo yun. Hindi totoo lahat ng sinabi nya. Walang sakit si dan. Bata pa kami nung magkaheart transplant sya. Kaya hindi pwedeng may sakit ulit sya." walang emosyon kong sabi. Nakatingin lang ako sa kawalan.

"Ana, anak.." naiiyak na sabi ni mama habang nakayakap pa din sa akin. Nagsimulang pumatak ang luha ko.

"Tinaboy ko sya ng mga panahon ng nalaman nya yun mama! Ang sama sama ko.. Bakit!!! Bakit to nangyayare!! Sabihin nyo sa kin... bakit?!" sigaw ko. Di ko napigilan ang sarili kong umiyak. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at naghalungkat ng pinagpupunit ang magazine na nakalagay sa lamesa. Nanginginig kong tinupi-tupi ang mga papel at gumawa ng origami heart.

Pumasok si Mama sa kwarto ko at tumabi sa kin.

"Ana, tigilan mo na yan. Hindi makakabuti sa'yo ang ginagawa mo. Anak.. Sa ngayon wala tayong magagawa kundi magdasal para kay Dan. Naniniwala kong gagaling sya at malulungkot sya kung mangyayare sayong masama." sabi ni mama. Di ko sya pinapansin. Dere-derecho lang ako sa paggawa ng origami heart. Dere-derecho din ang pagpatak ng luha ko.

Limited Forever ∞ | FIN w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon