Chapter15: The truth

197 18 9
                                    

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero sinugod ko yung carlo at sinapak. hindi niya alam na parating ako kaya siguro natumba sya. Nagulat naman yugn dalawa niyang kasama kaya medyo kinabahan ako. Tatlo sa isa.. hindi dahil sa hindi ko sila kaya kundi dahil ang dami nila pag nagkataong naguidance ako. Dehado to. First day pa naman. Utak nga naman chuck, oo.

Carlo: Gago ka ba? Bakit ka nananapak!??

pagkatayong pagkatayo nung carlo, umupo naman sa bench yung dalawa niyang kasama at yung iba namang mga lalaki, nagkumpulan na para umusyoso.

-Ikaw yung gagong boyfriend ni cassie?

Napatingin yung carlo sa dalawang kasama niya. yung isa ngingiti ngiti na parang tuwang tuwa sa nangyayari samantalang yung isa, nakapangalumbaba lang na para bang inip na inip.

Carlo: Boyfriend ako ni cassie? =)))))))))))  Weh? Sino nagsabi?

Parang tuwang tuwa pa sya sa sinabi ko. Pinaglololoko yata ko nito eh. Muka ba kong nagjoke?

-Tangina, may gana ka pang ngumiti?

Nakangiti pa rin sya nun habang hawak hawak yung labi niya.

carlo: Dude first day, sigurado ka bang gusto mo ng gulo?

-Wag mo kong madude dude..

Carlo: ano bang pakielam mo kay cassie ha?

Lalong nag iinit ulo ko nang dahil sa lalaking to eh. hindi ba nya alam na si cassie ang pinag uusapan dito? Mahalaga si cassie sakin kaya malamang, may pakielam ako..

Carlo: Ano? isa ka sa manliligaw?

Lumapit sakin si carlo at umakbay.

Carlo: Wag na brad, di ka papatusin nun.. Baliw sakin eh. kaso nga lang, the feeling's not mutual.. Kasi ako ba...

hindi ko na naman napigilan yung sarili ko kaya sinapak ko sya. Lahat yata ng lakas ko nilabas ko na sa sapak na yun dahil promise.. nabadtrip ako.

Carlo: POTA!!! ano ba talagang problema mo??

Tumayo agad si carlo at pinunasan yung dugo niyang nagkaron ng cut. hindi pa rin sya lumalapit sakin para lumaban..

-Eh gago ka pala eh, bakit ganyan ka kay cassie?!

Carlo: Ano ka ba nya ha?!

Ang aga aga... pota.

-Ako lang naman ang fiance niya.

Biglang nawala yung gusot sa muka ni carlo.. hindi na maipinta yung muka niya pero bumalik rin agad yung kunot niya at mukang nagalit sya. Wala pasabi pero bigla bigla niya na kong sinapak.. and to cut it short again, nagsapakan na kami..

(Nina's pov)

hindi ako pinansin ni chuck at pagkalabas na pagkalabas niya pa ng kotse. iniwan niya ko. Para tuloy akong nawala sa mood. May black eye sya.. Ang sama sama kong tao. Nakakainis. Naglalakad ako sa hallway nang may marinig akong sumigaw.. si cassie.

-Besssssssssssssssssssie!!!!!!!!!!!!!!! ^______________________^

Ang lakas lakas ng sigaw niya kaya napatingin na samin halos lahat ng tao dito. Medyo nawala naman na ko sa mood dahil nag sink in na sakin lahat. Fourth year na kami.. this is it. Our last year. our senior year. Matatapos na ang 12 years na pagpapakabait sa school.

To have and to Hold.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon