Chapter19: Heartbeat

82 3 1
                                    

(MEDYO SABAW PERO KAILANGAN. HIHIHIHI. MAGIGING ACTIVE NA TALAGA KO, PROMISE. PAKIBASA MGA FRE! LAB LAB. HART HART <3 <3 )

Nina's Pov

Sobrang sarap lang ng tulog ko. Ang init sa pakiramdam. Ang sarap kasing yakapin ni chuck. Ang bango bango niya. Ang sarap sarap sa pakiramdamng amoy niya. Ang sarap niyang amoyin. Ah basta, gustong gusto ko yung feeling yakap niya at yung amoy niya.

Napatitig na lang ako sa kanya. Ang gwapo gwapo niya. Ang kinis ng mukha. Ang ganda ng lips niya. PArang angsarap halikan. Ugh. Ano ba yan nina?! Ang aga aga, namamanyak ka? Di ko alam kung bakit pero tinitigan ko lang sya. Pinagmasdan ko yung bawat parte ng mukha niya. Matangos yung ilong, maputi, ang hahaba pa ng pilik mata niya. Ang gwapo.

Di ko alam kung bakit pero bigla ko na lang narinig yung tibok ng puso ko.

*dugdug dugdug*

Di ko alam kung bakit lagi na lang nagiging abnormal yung tibok ng puso ko pagdating sa kanya. May nararamdaman na ba ko sa kanya? Hindi kaya gusto ko na sya? Ehhh. Hindi. Hindi pwede. Napailing na lang ako sa sarili ko. Ano ba naman tong naiisip ko? Imposible naman di ba? TAnging yung yakap niya lang yung gusto ko. Yung pagyakap niya sakin tulad ng ganito. Yung yakap niya na nagbibigay sakin ng pakiramdam na para bang protektado ako. Gustong gusto ko yung...

O_____________O!!!!!!!!

KAYAKAP KO SI CHUCK BUONG MAGDAMAG!?????

Bigla na lang akong napatili!!! Oh my God! Napabalikwas si Chuck at nahulog sa kama samantalang ako, buong puso kong itinaas yung kumot hanggang leeg ko tapos tiningnan ko yung kalagayan ko. Ito naman yung suot ko kagabi di ba? Wala namang nagbago di ba? Omg.

-Asan? Alin? Bakit?

-UMIRAL NA NAMAN YANG KAMANYAKAN MO!!! ANO BANG GINAWA MO SAKIN!?

-Ano bang pinagsasasabi mo dyan!?

Dahan dahan yung pagsasalita niya tapos kinukusot kusot pa niya yung mata niya. Ang cute nya pala pag bagong gisi.... Eeeeh. Focus nina.Minanyak ka kaya galit ka okay?

-WAG KANG MAGPATAY MALISYA DITO!!! CHUCK NAMAN EH!! ANONG GINAWA MO SAKIN!?

Umupo sya sa kama tapos tinitigan niya ko.

-Nag brown out kagabi. You slept on the living room. Nung nagkakuryente, inakyat kita sa kwarto mo. MAlakas pa rin yung ulan so maingay. Natakot ka sa kulog, you knocked on my door tapos tumabi ka sakin matulog. Tulog lang. Walang iba. Okay na?

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya pero hindi ko na nagawang kumontra pa.

-Tulog lang ha.

-Oo nga.

-Promise?

-Oo nga babe. Okay na?

Tumango ako. Aakma na sana ko ng pagbangon nang bigla syang humiga sa tabi ko. Hinila niya yung kamay ko tapos niyakap niya ko.

-Te..teka chuck.

-Matutulog pa tayo.

-Teka. Ano ba? Wag mo kong yakapin!

Di ko alam kung anong mararamdaman ko sa pagkakayakap sakin ni chuck ngayon. Hati kasi eh. May isang part sakin na naiilang sa ginagawa niya. Babae ako no, tapos sya lalaki. Hindi tama yung ganito lalo na sa part ni Jerome. PEro may part rin ako na natutuwa.Part na nagsasabing sana yakapin na lang niya ko.

To have and to Hold.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon