Title: Hey, Mr. Everett
Author: thegrayfort
Genre: General FictionMga nakangiting estudyante at pati ang iba ko pang kapwa guro ang nakakasalubong ko habang papunta ako sa huling klase ko ngayong araw.
"Good afternoon po Sir," sabay sabay na bati ng mga lower year na naka tambay lang sa tapat ng classroom nila ang nadaanan ko.
"Good afternoon."
"Wow Sir Zabarte, para ba iyan sa girlfriend mo?" tanong ng nakasalubong kong kapwa ko rin teacher na kelan lang lumipat dito sa school sa bugkos ng bulaklak na hawak ko.
Napatingin naman ako sa nasa kamay at tumigil sa pag lalakad para makipag-usap sandali.
"Opo Ma'am, actually para po sa asawa ko."
"Ay naku! Sa asawa mo pala!" napatawa naman ito sa pag kakamali niya. "Aba'y napaka swerte naman ng babaeng iyan. Last subject mo na siguro ngayon ano?"
"Opo, kaya dala ko na po ito, para po aalis na agad ako. Gusto ko po bisitahin ang mag ina ko," nakangiti kong sabi.
Ngumiti rin siya sakin pabalik. "O, siya sige at mauuna na ako naku! Baka nangkakagulo na ang mga batang hawak ko dahil wala pa ako roon. Sige!" paalam niya.
Nag patuloy na rin ako sa pag lalakad. Medyo malayo pa ako sa room ng mga grade 11 na pupuntahan ko ay naririnig ko na ang mga ingay nila. Napailing na lang ako.
Nakita ko ang isa sa mga estudyante ko na nasa tapat ng pinto at nandoon naka pwesto ang upuan niya.
"Hoy! Umayos na kayo, nandito na si Sir!" mabilis niyang ibinalik ang bangko sa dating ayos at nang makapasok na ako mismo sa loob ay naabutan kong nag kakagulo silang lahat.
Kanya kanyang ayos at balik sa dati ng mga upuan, may mga lumilipat at pumunta kung saan talaga sila nakapwesto at meron ding namumulot ng mga binilog na papel na nag kalat ngayon sa sahig.
Dumiretso na ako sa mesa sa gitna ay saka doon inilapag ang dalawang librong dala, ang bag at laptop, pati na rin ang bulaklak na hawak.
"Good afternoon Sir!" sabay sabay na bati nilang lahat sakin nang makabalik at nasa ayos na sila.
Inilibot ko ang tingin sa buong silid-aralan. May mangilan-ngilan paring kalat ang nasa sahig.
"Good afternoon, iyong mga kalat na natira," turo ko sa mga papel. "Pulutin niyo na muna, mag linis muna kayo," nag tulong tulong naman silang nag pulot at may ibang mga babae naman ang nanguha ng walis tambo. "Maglinis kayong mabuti dahil maaga ko kayong idi-dismissed ngayon."
Matapos kong i-announce iyon ay mahihinang sigawan ang kumawala sa mga bibig nila. Pumwesto naman ako ng tayo sa gilid at pinanood sila sa ginagawa.