Magkabilaang mga banda, nagsasayahang tao, nagsisihulog na mga banderitas, at pakalat kalat na tindahan sa may baratillo. Piyesta ngayon sa bayan namin at narito ako kasama ang aking mga kaibigan. Napag usapan naming gumala ngayon kasi maraming mga tinda. Pati pagkain, marami rin.
Napag usapan naming magkita kita sa 7/11 ng alas osto ng gabi. Nalate nga ako dahil hindi ko alam ang isusuot ko. Pero nakaraos din naman at dumating ako ng mga 8:15. Nag mag alas otso y media na ay napagdesisyunan na naming gumala.
Magkabilaang tunog mga banda ang umaalingawngaw sa aking pandinig, nagsasayahang taong malalapad ang ngiti, nagsisihulog na mga banderitas sa plaza, at pakalat kalat na tindahan sa may baratillo. Piyesta ngayon sa bayan namin at narito ako kasama ang aking mga kaibigan. Dumaan muna ako sa Poppero para bumili ng popcorn. Sayang na ang pinunta ko dito kung wala akong bibilhin diba?
Habang nakikipagsiksikan kami sa tao ay bigla akong tinanong ng isa sa mga kaibigan ko. "Gusto mong makita sina Cedric? Nakita ko sila sa Infinitea kanina eh." Ani Ice. Sina Cedric ay mga kaibigan ko noong elementarya. Bihira na rin kaming magkita dahil sa abala kami sa pag aaral sa hayskul. Tinawag ko rin si John. Kaklase ko mula elementarya hanggang ngayon. "Gusto mo sumama?" Tumango naman siya at sumunod. Nagpaalam kami sa mga kaibigan namin at sinabi nilang magaantay sila sa plaza.
Pumunta kami sa may Infinitea pero bigo kami dahil wala na sila dun. "Wrong timing ata tayo Mi. Umalis na siguro sila." Aniya Ice. Medyo nanghinayang ako. Gusto ko kasi silang makasama kahit saglit lang. You know, reminiscing our memories. "Balik na lang tayo sa plaza." Sabi ko sa kanila kaya tumungo kami sa plaza.
Masikip ang daan papuntang plaza. Pano ba kasi, binakuran yung mga ilaw ng railings. Nang nakita naming bukas ang isa sa mga railings ay pumasok kami ng mabilisan, baka mahuli kami rito eh. Tuloy tuloy lang kami sa pagtakbo hanggang makarating kami sa tapat ng Gazebo. "Asan na sila?" Tanong ni John. "Ice, tawagan mo nga." Dali dali namang sinunod ni Ice ang utos ko. Naghintay kami hanggang matapos na niya ang tawag. "Nasa may Infinitea daw sila." Napakibit balikat na lang ako at sinabing "Psh. Tara na. Balik na tayo dun."
Nasa kalagitnaan kami ng karagatan ng mga taong nagsisialunan. Halo halong amoy rin ang naaamoy ko pero tiniis ko na lang. Meron pa ngang kumalabit sa akin at nakipagkilala pero hinayaan ko na lang. Sa gitna ng ingay ng nga banda at mga taong nagsisiyahan, naagaw mo ang atensyon ko.
You got that James Dean daydream look in your eyes
Slicked back white t shirt.Suot mo pa rin yung usual get up mo. White ring shirt, pants at cap. Yung kutis mong kasing puti ng nyebe, mga kilay mong makapal, at bilugin mong mga mata. Natigil ako sa pag check sayo nang nakita ko kung sino ang katapat mo. Isang babae. Rebonded ang buhok, petite pero maganda. Alam mo kung ano ang mas nagpabilis sa tibok ng puso ko? Yung kamay niyong magkahawak.
You've been up and about with some other girl
Nawala ata ako sa sarili ko kaya nahulog ko yung popcorn na hawak ko. Nagreklamo tuloy yung mga tao kaya binilisan ko na lang pumunta ng Infinitea hangga't maaari. Nang makarating sa Infinitea ay kinuwento ko kaagad ang nangyari nung nasa plaza kami sa bestfriend ko, si Charm.
Hindi ako mapakali sa paglalakad tuwing naaalala ko iyon. I felt betrayed. Four years yun Red. Four years. Binalewala ko lahat ng manliligaw ko kasi umaasa ako na ibabalik mo yung nararamdaman ko sayo. Pero ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong may mali ako. Umasa kasi ako kahit alam kong mahirap na mangyari yung gusto kong mangyari. Pero dapat sinabi mo na lang sakin na may nagugustuhan ka ng iba kesa naman andito ako na parang hangin na 'nakareserve' kapag wala ka nang mahanap na iba. You could've just broke my heart instantly than break it slowly. Sinabi mo na lang sanang wala na akong pag asa para maka move on na ako sayo. Pero anong ginawa mo? You just ignored me. Feeling senpai ka rin no? But there is something na gumugulo din sa isip ko. Tears didn't fell. Ibig sabihin ba nito wala ka nag epekto sa akin dahil nasanay na ako, or wala ka ng epekto sa akin dahil wala na akong nararamdaman sayo? Wala akong pakialam.
Tinext ko na yung lola ko para magpasundo na. Nawalan na ako ng ganang gumala. Habang naglalakad kami, nakita ulit kita pero iba na naman yung kasama mo. Dalawang babae pa. Pero inisip ko na baka pinsan mo lang sila.
What about stalking him?
Hinila ko agad si Charm at nagpaalam kami sa mga kaibigan namin. "Charm! Ayun siya oh." Sinuportahan na ako ng bestfriend ko kaya sinundan namin siya. Halong kaba ang nararamdaman ko. Tuloy tuloy lang ang pakikipagsiksikan namin, masunod ka lang, pero nang nasa may intersection na kami, natauhan ako. This is not me. "Charm, tama na. Umuwi na tayo." Napansin naman niya ang reaksyon ko kaya umiba na kami ng daan. Tumingn muli ako sayo at saktong tumingin ka rin sa direksyob ko. Nagtama ang nga mata natin at ngumiti ako. Hindi yung ngiti kong malapad. Ngiting malungkot. Hindi ka tumugon sa ngiti ko kaya ako na ang tumalikod.
I guess this is it. Ikaw na mismo ang nagpakita na wala na talagang pag asa. Yun lang naman ang hinihintay ko eh. Yung matauhan ako. Yung masaktan ako.
BINABASA MO ANG
Red
Non-FictionMimi waited for four years, only to find out a scene that she never expected. #Wattys2015