Tamad kong kinakain ang tocino at kaning nakahain sa hapag. Paminsan minsan rin akong lumilingon sa paligid--- umaasang makikita ko siya.
Andito kasi kami sa school niya dahil dito gaganapin yung stage play na papanoorin namin.
Naubos ko na ang pagkain ko at nagpahinga sa saglit. Kaliwa, kanan, sa harap, at sa likod-- kahit saan, tumitingin ako.
Naconfirm ko na nung piyesta na wala na akong feelings. Pero... bakit hinahanap ko pa rin siya?
Muntik na akong mapaismid nang makita ko siyang naglalakad sa labas. Andito kasi kami sa canteen at kita ang mga taong dumadaan dahil bukas ang mga bintana.
"Shems." Napamura ako at nataranta. Kulay pa lang ng balat, at tangkad, alam kong siya na 'yon.
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at sumagi ang ideya ng pagsunod sa kanya. I'm crazy like hell right now, because of him.
I shouldn't be feeling this but.. I still felt it. May bumibilis-- sa bandang kaliwa. Sa dibdib ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Yung bilis na nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya noon. Yung lakas ng dagundong ng puso ko tuwing nadadaanan ko siya. Yung pamilyar na slow motion at pagblur ng mga tao sa paligid ko kapag malapit siya. Mararamdaman din ba niya 'yon kung makita niya ako ngayon?
Bakit? Bakit ako nagkakaganito?
Hinintay ko siyang mawala sa paningin ko at ibinaling ang tingin ko sa mga kaklase kong nagtataka sa kinikilos ko. "Anyare?" Hindi na ako nakasagot dahil sa pagkataranta, pagkagulat, pagkatuwa, at kaba kaya yun kaklase kong si John ang sumagot. "Si Red." Naintindihan naman ng kaklase ko yun at binalik ang tingin sa akin.
Uminom ako ng Coke na binili ko at habang iniinom ko yung coke ay pakiramdam ko mabibitawan ko 'to. Nanginginig kasi ako.
Why does he make me nervous always?
Patuloy lang ang pagmumura ko. Sapo sapo ko rin ang noo ko dahil hindi pa rin makapaniwalang makikita ko siya dito. Sinasadya ba 'to o nagkataon lang? I can't think straight!
Nagulat ako sa kaklase ko nang may sinabi siya tungkol kay Red. "Uy! Si Red. Pabalik siya sa pinanggalingan niya kanina." Automatiko naman akong napalingon at nataranta. Susundan ko ba siya o hindi?
Bago ko pa masagot ang tanong ko sa sarili ko ay kusa nang nagkabuhay ang mga paa ko at nagmadaling pumunta patungo sa bungad ng canteen. Inaya ko pa ang kaibigan ko pero nang mabatid ko na malapit nang makapunta sa bungad ng canteen si Red ay iniwan ko na yung kaibigan ko. Sorry friend, this is urgent. According to my instincts, sakto lang kapag lalabas ako at dadaan siya, magkakasalubong kami.
Jusko, nakakabanas. Tinatraydor na naman ako ng puso ko.
Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Bakit nga ba ako tumatakbo palabas ng canteen? Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling makita ko siya. Ngingitian ko ba? Iisnabin? Tititigan? O kakawayan? Hindi ko alam! Bahala na lang yung utak ko mamaya.
Pero pano kung hindi niya ako maalala at parang shunga akong ngumiti sa kanya? Arrgh! This is freaking me out.
Ilang segundo pa bago kami magkasalubong, luminga linga muna ako. Kunwari, hindi ko sinasadyang lumabas.
Nang napatingin na ako sa gawi niya ay nagtama ang mga mata namin. Shems. Hindi ko alam ang gagawin ko. Buti na lang at nauna siyang kumaway kaya napakaway na rin ako.
"Hello po." Buti at nakisama ang boses ko kahit may nakabara sa lalamunan kong hindi maintindihan. "Hello rin." Balik niyang pagsabi sa akin. Tumuloy siya sa paglalakad samantalang ako ay nanatili lang sa kinatatayuan ko. Hindi pa rin ako maka get over. Ito ang pangalawang pagkakataon na makausap ko siya. Yung una, ay nung elementary pa kami. At ngayon, nasa high school na ako nasa college na siya.
So... yun na yun?
Mananatili ba ako at magkukunwaring may hinahanap o aalis na, gayong ang pakay ko lang ay makita siya.
Akma na akong babalik sa canteen para balikan ang mga kaklase ko pero nilingon niya ako at nilapitan. Ilang inches lang ang layo ng mukha namin, shems, first time. Siya ang lumapit.
"Ano palang ginagawa niyo dito?" Jeez. Ang ginusto ko lang ay makita siya, pero thank you Lord! Kinausap niya ako!
I cleared my throat and answered him. "Aah.. my play po kasi kaming papanoorin dun." Sabay turo sa Covered Court.
Napatango naman siya at hindi mawari ang susunod na sasabihin kaya napa- "Aaaah" na lang siya. Pagkatapos nun, ay dumiretso na siya sa paglalakad pero tumigil saglit at tumingin sa may bungad. Napagpasyahan ko namang umalis sa pwesto ko at bumalik sa canteen. Pabalik na ako sa loob ng canteen nang nakita ko siyang papalapit sana sa gawi ko. Napatingin ako saglit pero umiwas rin ng tingin at tumungo sa loob.
Sheez. I can't get over.
Five months na mula nung maconfirm ko na wala na akong feelings, pero hindi ako ininform ni Kupido na pwede palang bumalik lahat ng nararamdaman ko sa loob ng ilang minuto.
Kasi bumalik lahat. At hinigutan pa yung nararamdaman ko dati.
BINABASA MO ANG
Red
Non-FictionMimi waited for four years, only to find out a scene that she never expected. #Wattys2015