Brigada Eskwela
"Leah, gising na...kakain na tayo" gising sakin ni mama
"Anong oras na po?" tanong ko dahil tanaw ko sa bintana na madilim na
"Alas otso na ng gabi, bumangon ka na dyan at kakain na tayo. Nasa baba na ang papa mo, ikaw nalang ang hinihintay"
"Sige po ma, sunod po ako" sabi ko sabay bangon sa kama. Pagkaalis ni mama sa kwarto ko, pumasok na ako sa cr para mag hilamos.
Maliligo nga ako ulit bago matulog. Ang lagkit ko na. Nag punas ako ng mukha at lumabas na. Sa hapagkainan nandon na si mama at papa. Nagsisimula na silang kumain kaya naupo na ako at kumuha ng kakainin ko. Konti lang ako kumain pero dahil siguro sa pagod ko kanina, ang dami kong nisandok ngayon.
"Kelan ka mag eenroll?" basag ni mama sa katahimikan, ang tahimik kasi namin kumain.
Nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko bago sinagot si mama.
"Hindi pa po Ma. Baka po next week, sasabay po ako kila ate Ysay kasi mag eenroll din po sila ng kaibigan nya para sa Senior high" sagot ko kay mama. Si ate Ysay ay isa sa mga pinsan ko. Matalino sya, isa sya sa may mataas na karangalan nung nag moving up ang batch nila.
"Mabuti" ayon lang ang sinagot ni mama. Sila na ang nag usap ni papa tungkol sa kung ano ano.
Kinabukasan maaga akong nagising. Nakita ko si mama at papa sa sala, nag aayos sila. Siguro ay papasok na si papa sa trabaho at si mama naman ay pupunta yata ng school dahil ngayon ang simula ng brihaga. Isang linggo yata ang paglilinis at pagpapaganda nila ng school at rooms.
"Oh? Gising ka na pala" kumain ka na at nagluto ako ng sinangag at hotdog dyaan, kumain ka at papasok na kami ng papa mo" si mama, lumingon naman sakin si papa.
"Sige po, ingat po kayo" sabay lapit at mano sa kanila.
"Sige sige, kumain ka na anak, ihahatid ko lang itong mama mo sa school at papasok na ko sa trabaho" ani papa. Tumango lang ako sakanila at binigyan ng isang ngiti.
Dumeretso ako sa kusina para kumain. Pagkatapos ko kumain, hinugasan ko na ang mga pingan at nag linis na rin ako ng bahay. Wala akong magawa kaya gawaing bahay nalang ang inatupag ko. Natapos ako ng pasadong alas onse kaya nag saing na ko. Ako lang naman ang kakain kaya isang gatang lang ang sinalang ko. Kumuha ako ng itlog sa ref, ito nalang ang iuulam ko dahil prito palang naman ang alam kong lutuin at mag saing.
Pagkatapos ko kumain, mga libro naman ang inatupag ko. Nag babasa ako ngayon ng tungkol sa biology at physics. Baka next week ko nalang basahin ang El Fili.
Natapos ko basahin ang isang libro ng biology book pero ang physics ay hindi pa, kaya baka bukas ko nalang ito basahin o mamayang gabi. Alas singko na kasi at baka pauwi na sila mama at papa, wala pa kaming sinaing. Nalibang ako masyado sa kababasa at hindi ko na namalayan ang oras.
Maya-maya lang dumating na nga sila mama, buti nalang luto na ang kanin. Halata ang pagod sa itsura ni mama, siguro ay sobrang dami ng kalat ngayon sa school. Si papa naman ay dumeretso sa kwarto nila para yata mag bihis.
Sa hapagkainin nag-uusap sila mama at papa tungkol sa mga ginawa nila sa buong araw. Naka ngiti ako habang pinapanood sila na magkwento tungkol sa araw nila. Ganto lagi sila, inaaupdate ang bawat isa. Akala mo'y mga teenager kung mag harutan sa harap ko.
"Sobrang nakakapagod mag linis ng school, pero ayos lang naman para din naman iyon sa mga estudyante upang ganahan sila mag-aral. Bukas naman ay ang silid aralan ko naman ang aking lilinisan. May mga estudyante din naman ang natulong samin." kwento ni mama na may ngiti sa labi. Halatang gusto nya ang ginagawa para sa mga estudyante nya.
Sabi ko noon, magiging katulad ako ni mama. Magiging isa akong mabuting guro sa hinaharap. Elementary pa lang ako gusto ko na maging teacher kaya nag-aaral talaga ako ng mabuti.
"Mama" tawag ko dito "Tutulong po ako saiyo bukas mag linis ng classroom, sa susunod na araw na lamang ako magbabasa tungkol sa physics" nakangiti kong sabi sakanya. Tumango naman si mama at sinabing mabuti iyon upang mas mapadali ang kanyang paglilinis.
Tulad nga ng napag-usapan namin ni mama, sumama ako sakanya kinabukasan. Maaga akong gumising upang makasama sakanya. Hinatid kami ni papa sa school. Dito ako nag-aral ng elementary, minsan nga'y naiisip ko na may galit sa batch namin itong school e, joke lang. Kasi naman nung kami pa ang nag-aaral dito ang panget pa, maayos naman, malinis pero hindi tulad ngayon na ang ganda ganda na talaga.
Dati walang bubong ang stage dito, pero ngayon ay nakabubong na. Kami noon ay pipila sa initan samantalang ngayon ay may bubong na ang mga pumipila dito. Noon ay walang covered court dito pero ngayon ay meron na. May mga benches na din dito. Talaga ngang maganda na ito kaysa noon.
Ngayon na lang ulet ako nakasama kay mama mag linis pag brigada eskwela. Nito kasing nag daang taon ay puro talagang pag-aaral ang inatupag ko.
Nag simula na kami ni mama mag linis nandoon din ang iba pang teacher na naglilinis din ng kanilang mga silid aralan.
YOU ARE READING
Pahinga
Short StoryIt is about a girl who loves to study but everything has changed. She started to feel the pressure that her mother giving her.