Honors
"Leah Hidalgo, with the highest honor" my ma'am spoke.
Recognition namin ngayon and I am the highest honor. Umakyat na ko sa stage para kuhain ang aking medalya. Tuwang tuwa si Mama habang sabay kami naglalakad papuntang stage. Si Mama ang nag sabit sakin ng medalya.
"Congratulations!" si ma'am
"Thank you po!" Naka ngiti kong sabi kay ma'am
Nagpatuloy pa ang program. Nang matapos na ay sinalubong kami ni papa sa labas para sabay sabay na umuwi.
Teacher si Mama, isa sya sa magagaling na teacher sa Elementarya. Si Papa naman ay isang businessman, meron kaming maliit na negosyo at iyon ang pinapatakbo ni papa.
"You did a great job, Leah" my mama said
"Thank you po, Ma" naka ngiti kong sabi sakanya sabay tingin kay papa na naka ngiti na sakin ngayon.
"Ang galing mo, anak. Akalain mo iyon? Nasa honors ka ulet at hindi lang honors kundi With Highest Honor! HA HA HA. You made papa proud" papuri sakin ni papa kaya sobra sobra ang ngiti ko.
"Don't be so happy, Leah" striktong puna sakin ni mama, kaya lumiit ang aking ngiti sa labi.
"Opo, Ma" naka yuko ko nang sagot sakanya
Strikto si mama lalo na sa pag-aaral ko. Gusto nya ay lagi ako ang nauuna sa klase, sa kahit anong bagay. Kaya naman tumatakbo lang ang oras ko sa eskwela, bahay, eskwela, bahay.
Pinapayagan naman ako minsan ni mama lumabas ng bahay, lalo na kapag kasama ko ang mga pinsan kong matatalino den. Sabi kasi ni mama dapat sakanila ako sumama para mas lalo maging matalino, kaya sakanila nga ako sumasama.
Bakasyon ngayon, nandito ako sa loob ng bahay, nagbabasa. Oo, nag babasa ako, sabi kasi ni mama dapat daw magbasa basa ako ngayong bakasyon para sa grade 10 hindi na ako masyadong mahirapan. Oo, grade 10 na ko next school year.
Kinakabahan nga ako e kasi sabi nung mga pinsan ko, mahirap daw. Kaya nagbasa basa na din ako. Kailangan ko kasi mag moving up na may highest honor.
Sunday ngayon, mag sisimba kaming pamilya. Ito lang kasi talaga yung araw na magkakasama kami. Dahil nga teacher si Mama, minsan nasa school sya, lalo pa ngayon na malapit nanaman mag pasukan. Si Papa naman ay ngayon lang din nabakante kasi walang pasok.
"Anak, malapit na ang pasukan, bumili tayo ng gamit mo mamaya sa mall pag tapos ng misa ha?" Si papa
"Sige po Pa, kailangan ko na din po pala ng bagong sketchbook kasi napuno na po iyong isa ko pang sketchbook e" bibo kong sabi kay papa
"Sige, anak bibilhin natin yang kailangan mo"
Hindi na kami nag-usap ni papa kasi magsisimula na ang misa. Habang nasa misa may nakita akong palaboy na bata kaya nilapitan ko ito.
"Bata, psst" tawag ko dito pero mahina lang kasi nga nasa simbahan kami. Nilingon ako nito at lumapit sya sakin.
"Ano po iyon ate?" Maliit na boses na sabi nito. Ang cute!
"Ito tinapay oh" abot ko dito ng tinapay. Nag dala kasi ako ng tinapay kasi diko naubos yung tinapay na kinakain namin kanina kaya naisipan ko nalang na dalhin. Pero buo pa iyon ha! Wala iyong kagat.
"Salamat po ate" sabi nito. Nginitian ko nalang sya at bumalik na sa pwesto namin kanina.
Mabilis natapos ang misa kaya tulad ng sabi ni papa, nag punta nga kami sa mall para mamili.
"Leah, isama mo ito dyaan. Basahin mo to para magkaroon ka na ng ideya tungkol sa El Filibusterismo" abot sakin ni mama ng isang makapal na libro na may litrato ni Jose Rizal.
Nung grade 9 kami, pinag-aralan din namin ang librong ginawa ni Rizal. Grabe sa plot twist wala ako naintindihan, joke.
"Sige po, Ma" at nilagay ko na ang libro sa cart namin.
Marami kami pinamili, bumili din kasi si mama ng gamit nya para sa trabaho nya, bumili din kami ng mga gamit pang linis. Mag bibrigada eskwela na nga pala, baka ilalagay iyon ni mama sa room nila. Namili din kami ng mga pagkain at bagong uniform at sapatos para sakin. May bag pa kasi ako sa bahay na hindi ko pa nagagamit kaya hindi na ko nagpabili pa.
Grabe, nakakapagod tong araw na to! Kakauwi lang namin, alas kwatro na ng hapon. Umakyat ako sa kwarto ko para umidlip na muna. Sinabi ko kay mama na gisingin nalang ako pag kakain na.
YOU ARE READING
Pahinga
ContoIt is about a girl who loves to study but everything has changed. She started to feel the pressure that her mother giving her.