CHAPTER 50

80.3K 1K 127
                                    

Graduation

“Ma’am gising na po kayo”

“Hmmmm”

“Pinapagising na po kayo ng daddy niyo”

“5 minutes”

“Sige po ma’am”

Gumulong gulong muna ako sa kama bago ko minulat yung mata ko. Tumitig muna ako sa ceiling tapos tumayo na. Naligo ako at nag-ayos na, naglagay din ako ng light make-up para kahit papaano eh presentable di ba? After kong mag-ayos at isuot ang toga ko eh bumaba na ako at sinalubong si daddy.

“Hi Dad! Goodmorning”

“Oh, You’re so beautiful my Princess”

“I know right!” Tapos kinindatan ko si Daddy.

“If I know there’s someone behind your smile. When will I meet him?”

“Soon daddy, Soon” I gave him a reassuring smile.

Kumain kami ng sabay wala na kasi si mommy lumipad na daw kahapon pa sa Japan. Sayang wala siya sa isa sa pinakaimportanteng  araw ng buhay ko. *sigh.Pero okay na din kung hindi makaka-attend si mommy kasi mahihirapan ako mag explain kung bakit kasama ko ang mommy ni MM. Hindi pa ako handa. Kumain nalang kami ni Daddy tapos dumerecho na kami sa school. Magkasabay lang kaming dumating nila Aya.

“Oh hi Manuel where’s Shiela?”

“She’s in Japan, how are you?”

“I’m Okay oh better rather”

“Dad. I’ll just take a look at my friends ha. Excuse me tita”

“Sure Zelle, by the way you’re beautiful” I smiled at her. Parang 2nd mommy ko na din siya. Alam niyo na hindi kami mapaghiwalay ni Aya kaya ganun. Hinanap ko si Aya at magkasama na pala sila ni Kim.

“Hi girls!” bati ko.

“Zelle!”

“Zelly!”

“Gagraduate na tayo!!” pag che-cheer up ni Kim.

“Hoy! Walang iyakan mamaya ah! Uupakan ko kayo!”----aya

“Baka nga ikaw mauna eh Hahahahahahaha!”----ako

Habang nagtatawanan kami eh may biglang sumulpot na di ko inaakala.

“H-hi” bati niya na parang nahihiya.

“Oh bakit cherry? Manggugulo ka nanaman?” Si Kim nakataas agad yung kilay.

“No no no. I just wanna say sorry for all the things I’ve done. The troubles I’ve caused you. I am really really sorry. I don’t have any reason to say but I  know that was all my fault.” Humarap siya sa akin. “Thank you Zelly kasi natauhan ako dahil sayo to be specific sa sampal mo. I mean thank you at ginising mo ako. I hope we can be all friends” Inabot niya ang kamay niya for shake hands. Nagkatinginan kaming tatlo at ngumiti.

“GROUP HUG!” We said in chorus. Niyakap namin si Cherry.  Woah. Ang sarap sa feeling. After naming magyakapan eh tinawag na yung students para sa misa. Habang nagmimisa eh hinahanap ko si Xander pero hindi ko Makita. Siguro busy yun at baka may inaasikaso lang. After ng misa eh nagsimula na yung program. Nagsimula kami sa prayer tapos pambansang awit.

Nagspeech na rin yung principal namin at welcome address. Marami pang teacher at guest na nag speech. At finally nakita ko na din si Xander.  Nagsimula na naming kantahin yung graduation song. Well ako inaamin ko naluluha na ako. Yung iba nga grabe na yung iyak. After ng graduation song, speech ulit tapos recieving of diploma na. Then the ceremony went on.

SECRET HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon