PRINCESS ZELLE'S POV
"Hay... wala na naman sila" bulong ko. Kasi naman ako nanaman mag-isa sa kwarto namin. Nag practice nanaman sila. =__________= bumangon na ako tapos naligo at nag-ayos.
Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad nanaman.
Pangatlong araw na namin dito at ngayon hindi ko pa din nakakalimutan yung sinabi sa akin ni Xander nung unang araw namin dito. Ilap nga kami ngayon sa isa't isa eh dahil na rin siguro nabigla din siya sa sinabi niya.
Nandito nanaman ako sa dulo ng beach kung saan ko unang nakita si Kuya Harvey.
And to my surprise nakita ko nanaman siya!
Ang gwapo talaga!! naka fitted sando lang siya tapos board shorts perfect! Kaso ang tanda na niya para sa akin eh! Sayang!
May kasama din siyang babae maganda yung girl at sexy bagay sila infairness. Siya kaya yung sinasabi ni Kuya Harvey? Masaya naman sila ah? Nagtatawanan pa nga eh pero bakit yung mata niya nung gabing nagkita kami eh ganun parin?
Hay ang gulo!
Tumingin naman ako sa ibang direction baka kasi makita niya akong nakatingin sa kanya nakakahiya yun.
"Hey Zelle!"
"Ay tipaklong!"
"Hahhahahahaha what?! hahaha tipaklong?! Ang gwapo ko naman para sa tipaklong lang"
"Oo nga naman" bulong ko.
"What?"
"Ah hehehe wala"
"Kamusta na kayo ng Boyfriend mo? Sorry ah nag-away pa kayo"
Sino bang tinutukoy niya si Xander? BOYFRIEND?!!
"Huh?! nako di ko boyfriend yun! sa kasungitan nun imposible!"
"Uyyy, hoping ka no? Hahahahaha ang cute mo! Sana cute little sister na lang kita"
ay nako kahit sister pwede na basta araw araw kitang makita ang gwapo eh!
"Kuya yung kasama mo kanina siya ba yung tinutukoy mo?"
"Yun?" tapos tinuro niya yung girl na ngayon ay nakikipagusap sa ibang lalaki at nakikipag harutan =_______= playgirl naman nun kung siya yun kasi hindi siya worth it sa tears ni kuya Harvey eh.
Tumango naman ako.
"Hahahaha Hell no! why?"
"Eh kasi yung mata mo nung gabing magkita tayo ganun pa rin pag kasama mo siya kahit you're smiling"
BINABASA MO ANG
SECRET HEIRESS
Ficção AdolescenteSi Zelle ay isang anak mayaman, hiredera. Ano kayang mangyayari sa kanya kung papasukin siya sa public school? Kaya niya kaya ang magpanggap na mahirap?