C.1

33 4 17
                                    

Chapter 1

"Love conquers all."

Binasa ko ang huling linya ng synopsis ng hawak kong librong nakaagaw ng pansin ko rito sa bookstore. Well, nakikita ko rin kasi 'to kung saan saan, lalo na sa twitter kaya heto't tinitignan ko kung ano nga ba ang kakaiba rito. Anila'y napaka-ideal daw kasi ng magkasintahang bida at halos hilingin nilang mag-katawang tao ang mga ito, lalo na yung lalaki, sa sobrang perpekto raw ng love story. Tungkol kasi ito sa magkasintahang handang gawin lahat para maging totoo sila, magkatuluyan. Ngunit ayon sa nabasa ko sa synopsis ay may susubok sa pagmamahal ng dalawang ito ngunit mananatili silang matatag kahit unti-unti na silang nauubos kakalaban para sa pag-ibig nila. At sa bandang huli, napakawalan man nila ang isa't isa at ilang taon ang nakalipas, they still found their way to each other. And that's it. The end. The perfect love story... well at least not for me.

I don't believe in perfect love stories. I don't even think it's a thing, though. I do believe in true love, yes. But in perfect and ideal relationships? No.

Lahat ng pagmamahal para sa'kin ay imperpekto. Hindi ako bitter dahil sa wala pa akong nagiging boyfriend when in fact, I had boyfriends. But I'm not a flirt. I don't jump from one guy to another. It's chaotic and out of my principles. But I just wanted to explore, that's all. At masasabi kong halos makuha ko na ang pasikot sikot ng mga relasyon dahil sa mga karanasan ko sa mga ito.

Being too ideal when entering a relationship is just so wrong. Too many expectations. Too many comparisons. Having high hopes and standards for the relationship to work the way we plan it to be. And in the end, we end up getting disappointed for not being able to reach those standards we set from the very beginning. I know 'cause I experienced it myself. First-hand. Sa past relationships ko and... well, sa nangyari sa parents ko.

And I must say, since then, I lost my faith in love. Big time.

"Hemera!"

Napatalon ako at napabalik sa realidad nang may biglang pumitik sa harap ko mismo. Nang nilingon ko kung sino ay nakita ko si Keaton na nakataas ang kilay, nakahalukipkip at nakasandal sa shelf ng mga libro. Kung maka-tingin ang isang ito'y parang weirdong-weirdo sa'kin, ah.

Agad ko siyang pinagtaasan rin ng kilay.

"Ano't kulang ka nanaman sa pansin, Ton-ton?" At mas tinaasan pa ang pagkakataas ng mataas ko ng kilay dahil alam kong sobra sobra ang pagkamuhi niya sa palayaw niyang 'yan noong mga bata pa kami. Aniya'y tunog pangalan daw ng mga batang supot at tska ang bantot daw, eh, nababagay naman sa mabantot niya ring pag-uugali.

"Ahh, talaga ba, 'Babycakes'? Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka diyan sa librong 'yan! Kung tao nga lang 'yan baka napagkamalan na kitang nagdedaydream diyan!" Pinaningkitan niya ako ng mga mata sabay ngiwi. Pinaka-diinan pa talaga niya ang palayaw kong kagagawan ng ka-MU kong kasulatan noong grade 5 ako kaya agad ko siyang pinaghahampas sa braso nitong librong kanina ko pa pala hawak hawak.

Najejejehan na talaga ako sa 'babycakes'! Pinang-asar na sa'kin ng mokong mula nung ikwento ni Mama 'yong nabasa niya mula sa lumang diary ko. Masisisi ba naman nila 'ko, eh, bata pa kaya ako nun! Agad din naman siyang umilag at umiwas iwas habang tumatawa. Siraulo talaga!

Hinampas ko pa ng isa hanggang sa napatalon ako dahil may naninita ngunit mukhang nahihiyang boses ang biglang umalingawngaw sa likuran ko.

"Ma'am, best-selling book po namin 'yan kaya wag niyo po sana ipanghampas lang. Hindi po pwede iyon dito. Unless kunin niyo po. At tska... Kawawa naman po si Sir. Mukhang nasasaktan na po siya, eh." Galing sa naninitang boses ay biglang naging pabebe at mayumi ang sales lady'ng ito sa harap ko.

Beneath A Thousand StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon