BAWAL MAHULOG

171 9 0
                                    

" Ma, Pa, pasok na po ako Babye po " sabi ko kay mama at papa sabay halik sa pisngi nila. After 15minutes andito na ako ngayon sa School nilakad ko lang siya kasi Walking distance lang naman sayang lang pamasahe kung mamamasahe pa ako, pandagdag load din yun
* Sa School *
Naglalakad na ako papunta sa room namin , ng bigla ko SIYANG makita. Sh*t maaga palang pero buong buo na agad ang araw ko. At ang mas nakapagpasaya pa sa akin ay ng kausapin niya ako

" hi " sabi sa'akin ni Nathan sabay kindat . shemayyy parang gusto ko ng himatayin dito sa sobrang kilig

Sino ba si Nathan ? Si Nathan Mendoza lang naman ang ultimate CRUSH KO at ako naman ang ULTIMATE STALKER NIYA. oo stalker niya ako simula nun pumasok ako sa school ma to na LOVE AT FIRST SIGHT AKO sakanya .. Bukod kasi sa mala anghel niyang mukha ,matalino rin siya hindi kami magkaklase kasi HRM student ako habang siya namn ay Accountancy

" ahhh ehhh ihhh " sabi ko ? hala anong sinabi ko? nakakahiya naman bakit ba kasi walang pigil tong bibig ko nautal pa tuloy ako sa harap ni baby Nathan kahiya ( ayy ang landi)

" oohhh uhhh " sagot naman ni Nathan sa' akin sabay tawa niya grabe nakakahiya talaga ako :3 lupa lamunin mo na ako please.. Ayy wag na pala magpapakasal pa kami ni baby Nathan ( ayy taglandi)

" ayy sorry Nathan , Hello pala ^___^" bati ko sa kanya sabay ngiti, feeling ko namumula na ang buong mukha ko kasi nahihiya ako sakanya

" hhhmmmm Janine pede bang favor? " aba any thing Nathan basta para sayo ( shet ang landi k na talaga kaazar )

" ano yun Nathan ? wag ka lang mangungutang huh? wala akong pera " pabiro ko namang sabi sakanya , bakit ganun 1st time pa lang namin mag usap pero feel ko kumportable na ako sakanya

" ahh ehh ihh kasi Janine--"
sabi niya na nauutal utal pa

" hayy naku Nathan wag ka ng mahiya sa akin , ginaya mo panung ahh ehh ihh ko , ano ba ung favor mo? " tuloy - tuloy kong sabi sa kanya buti nalang hindi na ako nauutal

" ahhhmmm kasi Janine ..... Can You Be My BESTFRIEND ?" nagulat naman ako sa sinabi niya , may parte sa puso ko na masaya kasi pag pumayag ako ibig sabihin bestfriend na kami at pag mag bestfriend na kami malagi na kaming magkasama, pero may parte rin sa puso ko na malungkot kasi natatakot akong malamalan na hanggang bestfriend lang pala turing niya sa akin. Kaya ano kayang gagawen ko? Oo ba ako .. Sige Oo na lang ako kasi kung hindi ang magiging sagot ko sakanya hindi ko rin malalaman kung hanggang saan ba talaga niya ako kaya mahalin. Pero wait parang ang OA ko na ehh ngayon lang naman kami nag usap nito ehh kung makapag salita naman ako kala mo malayo na ang napagsamahan namin.. hayyy sge janine awayin mo pati sarili mo

" kasi ang totoo Janine nag palit ako ng course hindi na ako Accountancy , HRM narin ako. At dahil sa palagay ko naman ay mabait ka pwede bang TAYO na lang ang magkasama palage ? kase ikaw lang din ang kilala ko sa HRM atsaka ikaw din yung pinakilala sa akin ng kaibigan ko na syota ng kaibigan mo yun nga mabait ka daw kaya pede ba BESTFRIEND na lang kita ?plith? " tuloy tuloy na sabi ni NATHAN sabay puppy eyes niya .Hindi ko akalain na may ganitong ugali pala si Nathan para siyang bata ang Cute niya , Kaya paano ko naman siya matatanggihan diba? tsaka feel ko may pag asa maging kami kasi nung sinabi niya na "PWEDE BANG TAYO NA LANG.... " dammit Nathan lalo akong nahuHULOG sayo

" sige na nga may magagawa pa ba ako? pasalamat ka cute ka " sabi ko naman sa kanya. Nagulat naman ako ng nag sign of the cross siya tapos tumingin sa langit sabay sabing
" Lord, thank you po kasi ginawa niyo akong Cute , ngayon po BESTFRIEND ko na si Janine , thank you po talaga AMEN " nag sign of the cross ulit siya tapos tumingin siya sa akin na may malapad na ngiti sabay sabing
" Ayan na nakapag Thank You na ako , tara na Bestfriend malelate na tayo " sabay hatak niya sa ' akin papuntang classroom namin , grabe hindi ko talaga maisip na may ganito siyang ugali, at dahil dun lalo akong naiinlove sa kanya.

Bawal Mahulog (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon