Chapter 12 : Fragile's Heart

19 7 16
                                    

Shangxin's  Pov~

Inuwi na ako nila mama sa bahay.
Sa oras na naimulat ko ang mata ko ng araw na 'yun.  Wala akong ibang maramdaman kundi poot at galit.  Poot dahil sa nga memoryang nasaksihan ko at galit sa taong nasaloob ng memoryang iyon.

“Shangxin!”  sigaw ng isang lalaki. Inaalala ko kung sino siya.  Palagay ko ay nakita ko na at kilala ko siya. Hinalughog ko lahat ng ala-ala ko sa isip ko ngunit wala talaga akong maalala tungkol sa lalaking ito.

Napansin siguro nito ate ang pakakunot ng noo ko kaya siniko niya ang lalaki.

“Esmael,  maybe hindi ka niya naaalala kaya huwag mo nang kulitin.” saway ni Ate sa lalaking kararating  lang. Umakbay naman ito kay ate habang malapad ang ngiti. Nandidiri ako sa titigan nilang dalawa. Para silang—basta hindi kl maipaliwanag.

Ilang araw ba akong tulog at hindi ko alam na may nubyo na ito?’

“Boyfriend  mo?  Bakit hindi ko alam? Ilang araw ba akong tulog at hindi ko alam na nagkanubyo ka na?” nayayamot kong sabi kay ate na ikinatulala lang niya.

“Let me correct  you Shangxin. Hindi araw, kundi buwan kang nakahilata sa higaan mo.  Daig mo pa si Sleeping beauty kung makatulog sa hospital.” sabi niya sa 'kin.Hinampas naman siya ni ate at pinandilatan ng mata.

“Buwan?  Ganun ako katagal natulog? Sana ay ginising mo ako ate. Paniguradong hindi ako papayag na mapunta ka sa isang abnormal— ” pinasadahan ko ito nang tingin bago nagsimulang  magsalita.  “may shariring sa utak at hindi normal na nilalang.”

Humalakhak naman si Ate sa sinabi ko.  Nakasimangot  na tumitig sa 'kin ang lalaki pero inirapan ko lang siya.

“Grabe ka naman makalait,  kung tutuusin  ako pa ang lugi rito! Nakawan ba naman ako ng halik ng ate mo!” napalingon ako at hindi makapaniwalang  nilingon si Ate Graciana.

“Manahimik ka Esmael! Kung anu-anong pinagsasabi  nito.” depensa ni Ate. Inasar lang siya ng lalaki at hinapit ang bewang  nito. Napangiwi na lang ako at parang maduduwal sa lagkit nang tinginan nila.

“Please find some room. Nakakadiri kayo!” pinilit siyang tinulak ni ate pero pinagduldulan lang niya ang katawan niya.

Sa hindi malamang dahilan ay komportable ako kay Esmael. Mukhang mabait naman ito at magkasundo sila ni Ate. I'm happy for them.

“Pupunta raw sila Jordan dito mamaya. Mag iinuman!”

“Liquor  banned  bro.  Baka mahuli tayo sampung libo lang naman ang multa.” sabat ni Rafael na nakakarating lang.  May suot pa itong hard hat sa ulo.

“Huwag kang mag-alala pre. Ako ang magbabayad ng pyansa mo!” ani nito at humalakhak pa. Napaka-abno naman ng napiling mahalin ni Ate Gracia! Pero teka?  Bakit parang close rin sila ni Rafael.

“Kilala mo 'tong ligaw na aso na nubyo ni ate?” sabi ko at nagpalipat-lipat nang tingin kay Rafa at Esmael.  Baka magkasundo sila kasi magkahawig ang name nito. Rafael at Esmael. Medyo magkahawig rin sila.

“Shangxin, ilang buwan ka nga kasing tulog kaya outdated  ka wag mo nang piliting makarelate masasaktan ka lang.” sabat niya na ikinatahimik ko. Parang may bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

“Shangxin? Ayos ka lang?” nag-alalang sabi ni Ate. Tumango lang ako at nagpaalam na-aakyat. Hindi ko gusto ang biglang pagsama nh pakiramdam ko. Nang makapasok ako sa kwarto ay napapikit ako.

Nakita ko ang sarili ko na duguan. Nakasalpak sa sahig habang nakayuko. Nakaputi akong damit na may bahid ng sarili kong dugo.  Napailing ako at muling iminulat ang mata.  Baka sa kanonood ko 'to ng drama.

Taboo Night's ( Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon