Chapter One (1): Introduction

9 1 0
                                    

Cameras' lights flashing continuously in front, sweet music playing in the background, splendid and different sizes, pastel and vibrant colors of beautiful and real flowers decorated in each and every nook of the venue, fairy lights with a tinge of gold and light hue that shines, twinkling, and  lights up the whole venue radiating an elegant and magical ambience. Who would have thought that one day, I will be able to witness, or experience rather, this wonderful and unforgettable event of my life.

***

My name is Andromeda Victoria Aguirre, a girl from a province called Pampanga, a law student but soon to be a former one and an aspiring Flight Attendant.

"Ano 'to? Nagbibiro ka ba?" tanong ni Toni on the letter she snatched from me when I was handing it to the secretary.

Toni composed herself and smiled at the Secretary. "Sorry, Sir. Hiramin ko lang saglit 'tong babaeng 'to." Then she pulled me out of the office by grabbing my elbow and entered into one vacant classroom.

"Please explain yourself."

Kinuha ko 'yung papel na nalukot na sa pagkakahawak ni Toni and tried to straighten it.

"Mag Lo-LOA lang muna ako for this term." sabi ko rito.

"Why?"

"'Tol, dean ka?" biro ko rito.

"Bestfriend mo ako. Dapat ako unang makaalam kesa sa Dean natin. Bakit hindi ko 'to alam? Alam ba ni Alona 'to?" Sunod sunod na tanong neto.

"No. Balak ko sana kayo i-surprise... so, Surprise!" maligaya kong sabi sa kaniya. "Hehe" Napababa ko ang kamay ko ng makita kong hindi ito natuwa sa aking sinabi at napakamot sa ulo.

I held her hand and swayed it from left to right para mabawasan ang inis niya sa akin.

"Sorry na. I can't seem to focus on my studies while applying sa mga open day for flight attendants. You, of all people, ang may alam kung gaano ko kagusto maging flight attendant. Baka sa kaka-apply ko, I might fail my subjects." pag eexplain ko rito.

Ever since I graduated from college, I immediately continued my studies sa isang law school sa Pampanga kasama si Toni. And while studying then, naga-apply rin ako kapag may open day or job fair for Flight Attendant positions. Everytime I do that, its either, naga-absent ako or papasok sa class ng walang binasang ni isang cases. Patatagan na lang ng loob at palakasan na lang ng dasal na sana hindi ako matawag sa araw na 'yon.  And there are times na hindi ako nakakadalo sa mga job fair kase mas kailangan kong pumasok.

"But you've been doing great so far while going from places to places to apply. Why stop now?"

"Why not stop now muna? Hihintayin ko ba bumagsak muna ako bago ako huminto? I don't want that to happen. Besides, if hindi talaga para sa akin ang pagiging Flight Attendant, I can still come back here and continue my studies. Tapos, bibigay mo sa akin lahat ng notes mo and kodigo mo!"

She sighed heavily as if she's been thinking of my decision thoroughly and then looked at me in the eye. I felt a little bit guilty considering na mas lalo siyang mahihirapan kapag wala na ako sa tabi niya everyday, not because may ambag ako sa kaniya sa pag-aaral - grabe hindi po ako matalino - but she's been going through something lately and she needs companion, someone who can cheer her up. But, I know deep down, na hindi pa rin niya maiwasang hindi malungkot even when she's with me or with someone.

"Fine. Fine. Ano pa bang magagawa ko? I wish you goodluck!"

***

Good luck? Goodluck my ass. I've been applying for that specific job for a year now but I've been getting rejected several times. Ano ba! Alam kong hindi ako maganda unlike sa dalawa kong kaibigan and hindi rin maputi katulad sa mga natatanggap na applicants, but I have a height! Hello! Who am I kidding. Hindi ka na nga maganda at maputi at makinis, Andi, nabubulol ka pa pag ikaw na yung nakasalang. Wala ka bang natutunan nung estudyante ka pa, ha? Nasaan confidence mo?

"Ms. Ocampo, Ms. Ramos, and Ms. Santos", congratulations. You've been shortlisted to proceed to the next step of this application. Those of you who have not been called, thank you for taking your time to apply and someone will escort you towards the exit door. You may re-apply again after 6 months. Thank you."

Ganiyan lagi ang scenarios tuwing naga-apply ako. Ni hindi man lang ako umaabot sa stage 2. Lagi na lang akong sablay sa screening process.

"Girl, 'wag kang magalaw! Magalaw na nga ang sasakyan, gagalaw ka pa. May ililikot ka pa ba ha, ineng? Kapag itong eyeliner dumampi sa cheeks mo, ikaw bahalang mag-tanggal 'non." bulalas ni Alona habang linalagyan niya ng eyeliner yung eyelids.

Alas-singko ng hapon ang cut off para sa open day ng isang kilalang airlines at mag a-alasingko na at hindi pa rin kami nakakarating sa venue.

"Bumpy ang daan, 'wag ako ang sisihin mo." pagdepensa ko sa sarili ko.

"Sino ba naman kase ang baliw na naisip na hindi na tutuloy sa Manila dahil hindi naman daw siya natatanggap, 'yan tuloy nag mukmok na lang sa kwarto ng kalahating araw! Gigil ako sa'yo 'tol." sabi nito sabay diin ng brush sa cheeks ko habang linalagyan ako ng blush on.

Dahil sa ilang rejections na ang natanggap ko, ilang pera na ang nailabas at oras na naaksaya para sa mga open day na 'to, minsan talaga hindi mo maiwasang hindi mawalan ng pag-asa. Oo, alam mo sa sarili mo na ayos lang na hindi ka mapili ulit kase meron pa namang next time, pero sa araw na 'to, it's as if I don't want to face rejection.

Pero dahil biglaan akong tinawagan ng dalawang babaeng ito at kinamusta, syempre nalaman nila na wala akong balak lumwuwas papuntang Manila. At dahil parehong walang trabaho at klase 'yung dalawa, pinuntahan nila ako sa bahay at pinilit magbihis. Sila pa nagpaalam sa parents ko na dadalhin nila ako sa fair na 'yon at sila rin ang nag aayos sa akin. Si Alona ang nagma-makeup at si Toni naman ang naga-ayos ng buhok ko.

Kung itong dalawang ito ay sawi sa pag-ibig, ako naman sawi sa pagiging Flight Attendant. Ang sakit mabroken-heart. Mah heart. </3

"Kapag talaga na-reject pa ako for the nth time, ayoko na! Itutuloy ko na lang 'yung paga-aral ko. Atleast nandyan si Toni para bigyan ako ng notes and reviewers niya. Diba, Toni?"

Both Toni and Alona grunted when I turned to face Toni at sabay sabing,

"Tingin ka sa harapan! Hirap ayusin ng makapal mong buhok." - Toni

"Anak ng-- ikaw na maglagay ng lipstick mo." sabi naman ni Alona at ibinigay sa akin 'yung lipstick at salamin.

Kinuha ko iyon at tinapat ang salamin sa mukha ko para ilagay na ang salamin ng napahinto ako sa aking itsura. Ilang segundo ako napatitig sa mukha ko, hindi dahil gumanda ako, pero dahil nagpapasalamat ako sa suportang nakukuha ko sa aking mga kaibigan.

"Okay ka lang ba? Napahinto ka bigla." Toni asked laced with a tone of concern.

"Hmm." I nodded dahil hindi ko kayang magsalita.

"Sus. Bilib ka na sa make-up skills ko no?" Inirapan ko na lang ito ng pabiro pero napangiti rin ng kiniliti ako ni Alona.

Nalaman na lang namin na nandito na kami ng huminto na ang sasakyan. 8 minutes na lang, alasingko na. Nagmamadali akong kunin ang bag ko upang makalabas na ng sasakyan.

"Go go go! Kaya mo 'yan! Don't get nervous! Chin up, butt out! Pag hindi ka pagpapalain, isasali talaga kita sa beauty contest." ani ni Alona.

"You can do it, Andi. We'll wait for you here. Update us all the time and good luck!"

Goodluck. 'Yan rin ang huling kataga ni Toni sa akin bago ko ibinigay ang letter for Leave of Absence ko sa Secretary at ito rin ang huling kataga nito sa akin bago ako pumasok sa venue para ilista ang aking pangalan.

I am Andromeda Victoria Aguirre and this is my story.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tres Marias Series #1: Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon