Chapter 1
Carl's POV
*kring kring*
Nagising ako bigla ng marinig kong tumunog yung cellphone ko.
Sarap ibato sa bintana sarap sarap ng tulog ko eh.
Sinagot ko yung tawag pero hindi ko tinignan kung sino tumatawag basta sinagot ko na lang
"Hello?!" Sigaw ko sa cellphone ko pero wala namang sumasagot
"Papatayin ko na tong tawag na to kung hindi ka magsasalita!" Sigaw ko
I eend call ko na sana ng bigla siyang nagsalita
"Paghandaan mo na ang plano Carl. Ikaw ang inaatasan ngayong taon na magdala ng tao para ialay"
Nagulat ako sino ba tong lalake na to at kung ano ano ang sinasabi
"Ha?"
"Maghanda ka na. Paalam"
Magsasalita pa sana ako ng bigla akong binabaan.
Bastos yun ah! Makatulog na nga lang ulet
Habang nakahiga ako sa kama hindi ako makatulog dahil sa sinabi sakin nung tumawag sakin.
Parang totoo. Pero hindi bale kailangan ko na ayusin gamit ko dahil may pasok na kami bukas sa school.
Habang inaayos ko gamit ko may naalala ako nakapagpakilala na ba ako? Sorry kung nakalimutan ko badtrip kasi yung tumawag sakin.
Im Carl Ramos, 19 years old. Pogi , mayaman , mabait , matangkad , matakaw at matalino. Sabi nila nasa akin na daw ang lahat pero ngumingiti na lang ako at nagthathank you sa kanila. Hindi naman sa nagyayabang totoo naman lahat ng mga papuri nila at ang pinakanagustuhan nila sakin ay hindi daw ako chikboy pero mali yung sinasabi nilang nasakin na ang lahat dahil wala namang perpektong tao diba?
*beep* *beep*
Habang inaayos ko gamit ko biglang tumunog yung cellphone ko, may nagtext
From: Dad
"Goodmorning son! Goodluck bukas sa school mo. May sasabihin kami sayo kapag nakauwi na kami diyan ng mommy mo"
Habang binabasa ko yung text ni dad. Gustong gusto ko nang malaman yung sasabihin nila. Kaya tinawagan ko si dad
"Hello"
"Goodmorning dad" bati ko bilang pagrespeto
"Bakit ka napatawag anak?"
"Dad ano po ba yung sasabihin niyo sakin? Sobrang gusto ko na malaman"
"Tsaka na anak pag nakauwi na kami dahil hindi ka magiging masaya" nagiba ang tono ng boses ni dad
"Bakit dad? Sobrang nakakalungkot ba nun at kailangan harapan niyo pa pong sabihin sakin?"
"Oo anak sobrang lungkot at hindi mo magugustuhan ang sasabihin namin"
"Sige dad antayin ko na lang kayo umuwi sana hindi masamang balita yan kahit sinasabi mong malulungkot ako kapag sinabi niyo" Malungkot na sabi ko
"Bye son" sabay end call ng tawag
Ano kaya yung mga sinasabi nila? Kanina yung tumawag sakin may sasabihin din maghanda na daw sa plano tapos si dad may sasabihin na hindi ko daw ikakatuwa
Kainis puro nakakainis yung mga naririnig ko. Umagang umaga badtrip ako
Sa sobrang pagiisip ko 10:30 na pala kanina 7:30 ako nagising
Maka alis na nga lang muna tapos ko na rin naman na ayusin yung mga gamit ko kaya pupunta na lang muna ako sa isang lugar na tahimik
Kinuha ko yung tuwalya at kumuha na ng damit ko
Pagkatapos ko maligo dumiretso agad ako sa kusina at kumuha nang tinapay tapos pinalamanan ng nutella
Lumabas ako ng bahay nang may marinig akong mga babae. Hindi naman sa tsismoso ako pero pinakinggan ko
"Uy alam mo ba na si Carl Ramos ang inatasan ng magdala ng tao sa lugar natin para i alay" sabi nung isang babae
Nagtaka ako bakit ako nasama sa usapan nila? Kanina pa yang alay alay na yan. Pigilan niyo ako baka ilibing ko sila ng buhay.
Bakit? Gulong gulo na ako. Bakit ako trip nilang pagtripan. Yan din yung sinabi sa akin nung tumawag sakin kanina niloloko ba nila ako? Sarap manapak ngayon. Pinakinggan ko pa baka may malaman ako kung bakit sinasabi nila yang mga yan.
"Kanino mo yan nalaman?" Tanong nung isa
"Narinig ko lang kasi naguusap sila Chelly at Carlo" sabi nung isa
Chelly at Carlo? Teka mga kapatid ko yan ah. May alam ang mga kapatid ko sa mga pinagsasabi ng mga to?
"At alam mo hindi pa niya alam na isa siyang demonyo. Pero sasabihin din sa kanya sa kabilugan ng buwan dahil magiging demonyo na siya. 19 na kaya siya!" Dagdag ulet nung babae
Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanila
Bakit sinasabi nila na demonyo ako? Masama ba ugali ko?
"Uhmm excuse me bakit ako nasali sa usapan niyo?"
Halatang nagulat sila
"Pasensya na po Carl" paumanhin nilang dalawa
"Sagutin niyo na lang ang tanong ko"
"Uhmmm e.. Ano p-po ka-k-kasi uhmmm" sabi nung babae at hindi niya masabi. Bakit?
"Bakit? Sagutin niyo ako! Demonyo?! Ako?! Masama ba ugali ko?! Tapos ano yung sinasabi niyo na ako ang inatasan na mag dala ng tao sa lugar niyo? Ano ba pinagsasabi ninyo?! Sagutin niyo ko?!" Pasigaw ko na tanong at dire diretso ako sa pagsasalita
"Hindi po namin pwedeng sabihin dahil wala kaming karapatan. Mga magulang niyo lang ang makakasagot ng mga tanong niyo. Paalam" at umalis na sila
Hay ano ba namang araw na ito? Pare parehas nilang pinaguusapan ako.
Ano ba kasi ang totoo?
"Toto bang demonyo ako??"
--
Dahil naka 200 reads na agad nag UD na agad ako kaso nakakalungkot wala man lang nag vote sana dito meron
Any comments? Wew
Kinakabahan nako sa magiging comments niyo. Sana maganda haha! Pero hindi ko sure kung mag cocomment kayo pero sana magcomment kayo at mag vote. Gusto ko kasing malaman kung maganda at yun lang magpapasaya sakin.
So vote and comment. Salamat
BINABASA MO ANG
Lugar ng mga Demonyo [ On Hold ]
Mystery / ThrillerIsa siyang demonyo na nagmahal ng isang magandang dilag na nag ngangalang Samantha Thanks sa cover: @KookieBits (A/N: This is not a horror story)