3. Tour

268 24 23
                                    

Chapter 3

Habang naglalakad kami sa hallway pinagtitinginan kami.

"Hey girls, look"

"Oh-my"

"Ang gwapo talaga niya!"

"Sino yung kasama niya?"

"New transferee?"

"Malamang pero bakit kasama niya si Carl?"

"Parang close sila agad ano?"

"Tss."

"Ano ba kayo! As if naman na magkakagusto si Carl diyan"

"Oo nga"

Gustong gusto kong sitahin silang lahat.

Lalapit na ako sa kanila ng hinawakan ako ni Samantha

"Carl" Mahinang sinabi niya sa akin na ako lang ang makakarinig

"Ano yun?" Tanong ko at nilapit ko yung tenga ko sa kanya hanggang leeg lang ko lang kasi siya

"Hayaan mo na sila. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako malandi" bulong niya sa akin

"Sige tara na. Saan mo ba gusto mo pumunta?"

"Kahit saan. Ililibot mo ako diba" Ngumiti siya sa akin kaya napangiti rin ako at natawa

Napakaganda niya talaga hay! Sarap pisilin ng mga pisngi niya

"My gawd!"

"Kakainggit naman yang babae na yan"

"Biro mo napatawa niya agad si Carl ng ganun lang"

"Leche"

"Aagawin ko sa kanya si Carl"

"Yeah me too"

Chismisan nanaman ng mga babae sa hallway

Napangiti si Samantha parang bang may ibig sabihin yung ngiti niya

"Yan nga pala yung garden. Madalas, maraming tumatambay diyan. Malamig kasi tsaka maraming puno. Hindi madumi diyan kaya pwede kang humiga sa grass"

"Cool" yun lang ang nasabi niya ng nakangiti

Parang gusto kong tumigil yung oras at titigan na lang siya

"Oh ito. Gym. Alam mo naman siguro kung ano ang gym diba?" Pang aasar ko

Napailing na lang siya sa pangaasar ko

"Ito. Itong hallway na ito. Puro lab ang nandito. Mostly, mga college students gumagamit. Andiyan ang chemistry lab, physics lab, computer lab, pati HRM laboratory kapag nagluluto sila"

"Hmmm"

Natawa na lang ako sa sagot niya.

Pano, ang haba ng sinabi ko tapos ganun lang kaikli ang sinagot niya

Lakad... Lakad...

"Library yan, diyan kami nag babasketball" biro ko

"Haha! Tatawa na ba ako?" Asar niya

"Hehe. Ang tahimik mo kasi"

"May iniisip lang"

"Tumigil na kaya tayo?" Mahinang sabi ko kahit ayaw ko pero para kasing may problema siya

"Wag! Oh ano naman yan?"

Tinignan ko naman yung tinuro niya

"Gym hahahhaha!" Pero alam ko naman talaga tinuturo niya gusto ko lang siyang asarin

"Ahhh ganun" Sabay pingot sa tenga ko

"Oy tama na!!" Angal ko

Tapos tumigil na siya

"Ano nga kasi yan" sabi niya sabay hampas sa braso ko. Kacute niya talaga lalo na kapag naaasar ^_^

"Sa loob niyan, may olympic-sized pool. Magagamit natin yan ngayon taon. Swimming kasi satin"

"Ahhhh! Buti dito meron sa school ko dati wala. Excited nako"

"Excited na rin akong makita kang nakaswimsuit" Sabay ngiti yung ngiting maloko hahahha! Alam ko namang sexy siya

"Nako yang ngiti mo nakakaloko ah! Kala ko pa naman iba ka sa mga lalake. Ikaw yung hindi mambabastos ng babae" Sabay talikod sakin

"Oyy wag ganyan. Bakit? Nahihiya ka ba? Siguro puro fats makikita ko" Pang aasar ko

"Hindi ah!"

"Yun naman pala eh!"

"Oh tara na lumayas dito" Dagdag ko sabay hatak sa kanya palabas

Dami kasing lumabas na mga lalakeng naka pangswimming. Ano pinagmamalaki nila? Eh mas gwapo at macho pako sa mga yan

Parang nasense nila tong si Samantha kaya ilalayo ko siya. Gusto ko sakin lang siya. I know hindi kami pero hindi ko hahayaang maagaw siya ng iba.

"Samantha yan pala yung faculty. Sa gilid yung office ng mga deans tapos guidance then president's room"

"Dami mong alam ah. Matagal na na dito?"

"Yup! Since grade 1 pako. Hindi naman kami ganun kayaman pero business man kasi si dad kaya naka ahon naman kami sa kahirapan. May dalawang kapatid ako sila Audrey at Alex. Nag aaral rin silang dalawa dito."

"Ahhhh kaya naman pala. Buti ka pa may kapatid. Ako wala"

"Okay lang yan. Andito naman ako e, pwede mo naman akong gawin kuya kuyahan"

"Talaga?" Sabay ngiti ng napakalaki

"Oo naman" Nakangiti kong sinabi

Lakad.. Lakad...

Dal dal , dal dal, kuwento kuwento ng makarating kami sa canteen

"And my most precious CAFETERIA!! Gusto ko dito kasi laging mabango! Malamig at lahat ng tao makikita mo. Sobrang laki nga lang kasi ito lang canteen ng buong school, pre school, elementary, highschool or college student ka man"

"Ang daming tao" Sabi niya

"Malapit na kasi maglunch. Nagpaalam lang ako kay ma'am kanina para itour ka at pumayag naman"

"Ahhh tara pasok na tayo kuya Carl" Huh kuya Carl?

"Matanda na ba ako masyado para tawaging mo akong kuya? Hahaha!"

"Hindi naman diba sabi mo pwede kita gawing kuya kuyahan" Oo nga pala

"Sige baby Samantha"

"Yuck!!"

"Arte mo. Hahahha! Tara na nga"

Pumila na kami agad habang maikli pa yung pila

Nang nasa counter na kami

"Ate dalawang spaghetti po, dalawang iced tea at isang slice ng cake"

Kinuha ni Samantha ang kaniyang wallet kaya nagsalita ako

"My treat"

"Wag na kuya Carl nakakahiya"

"Okay lang baby Samantha hanap ka na lang ng upuan natin"

Umalis siya at humanap ng upuan at ako naman ay kinuha na yung tray at hinanap siya

---

Diyan na muna :)

Vote and comment guys :)

Salamat

-dave

Lugar ng mga Demonyo [ On Hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon