PROLOGUE

6 0 0
                                    

" Ma, sige na naman oh. Isama niyo na ako. Please." kumbinsi ko kay mama para isama sa kanilang biyahe.

Kanina pa ako dito nakikiusap sa kanila na isama pero ayaw talaga nila. Dahil daw mahihirapan lang ako dun at malayo daw ang biyahe.

Paano ba kasi ako magiging hirap sa biyahe eh malaki na naman ako at isa pa, barko yun. Pangarap ko yun simula bata pa ako.

" Hay! " Isang malaking sambit ni papa.  " Kung pwede lang sana anak. " dugtong pa nito.

" May hindi ba ako alam pa, ma? "

Hindi sa wala akong tiwala sa kanila pero kasing may tinatago sila sa'kin. Di ko alam kung ano o kung praning lang talaga ako. Hay! Bakit ba kasi umalis si kuya eh. Di sana nakasama na ako ngayon.

" Anak, pasensya na talaga pero sa ngayon, dito ka muna. Alam kung gustong gusto mong sumama sa'min pero mas mapapalagay kami kung mananatili ka na lang dito. " sabi ni mama habang lumalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

" Sige, payag na ako. Basta pag umuwi kayo, dapat may dala kayong picture sa mga pinuntahan niyo. "

" Makakaasa ka anak. Babalik din kami at dadalhin ko dito ang pictures na gusto mo. Basta lagi mong tatandaan na Mahal na mahal ka namin ng papa mo. " may pagpapaalala nitong sabi.

Lumapit ako sa kanila sabay yakap. Mami miss ko sila pero naiintindihan ko kung sa ngayon ay hindi ako makakasama sa kanilang biyahe.

Habang paalis ang sasakyan nila ay Di ko maiwasang maiyak.

'Sana ay walang mangyaring masama sa kanila.'  bulong ko sarili habang paakyat pabalik sa kwarto ko.

Di ko alam na yun na pala ang kahuli hulihang pagkakataon na makikita at mayayakap ko silang buhay.

Trapped @18Where stories live. Discover now