Chapter I: Wrong Call

3.7K 19 13
                                    


Maraming dumadating sa buhay ng isang tao... 'yung iba nagtatagal at ang iba nama'y dumaraan lang.

Simula pa noong una, alam ko na kung ano 'yung pinasok ko. Akala ko hindi na ako masasaktan pa sa pagdating ng mga sandaling ito dahil alam ko namang dito rin hahantong ang lahat. Dahil hindi naman s'ya seryoso sa'kin, at sa kahit kanino pa man.

Sino nga ba naman ako, 'di ba? Isang simpleng babae na matalino nga, hindi naman kagandahan, hindi sikat, at hindi maipagmamalaki. In short, hindi pang-display. Bakit ba kasi ganyan 'yung mga lalaki? Humahanap ng makakarelasyon para may maipagyabang sa barkada, para lang masabi na hindi nababakante at maraming naghahabol.

Akala ko talaga dati matalino ako. Halos lahat ng teachers ko'y iyon ang sinasabi sa'kin, pati mga classmates at mga kamag-anak ko humahanga sa katalinuhan ko... pero ngayon napatunayan ko na ang talino ay hindi lang nasusukat sa paaralan. Hindi nababase sa exam, sa recitation, sa pagsosolve ng Math problems o kahit ano pa mang akademikong usapin.

Dahil kung talagang matalino ako, dapat no'ng simula pa lang hindi na ako pumayag. Kasi sa simula pa lang, alam ko na naman na hindi niya ako mamahalin. Na hindi niya kayang magseryoso sa kahit sinong babae.

Oo! Ako si Mariel Ignacio, ang inaakala ng lahat na matalino ay nagpakatanga sa isang casanova na si Karl Justine Arellano.

Sabi nila ang mga matatalino, bobo sa pag-ibig. Sana nga naging bobo na lang ako, baka sakaling naging matalino pa 'ko sa pag-ibig. Edi sana, alam ko kung saan ako dapat lumugar. Sana hindi ko na nararamdaman 'tong sakit na hindi ko maipaliwanag...

"Good evening ma!" Pagbati ko kay Mama pagpasok ko ng bahay at agad na nagmano sa kaniya. Kauuwi ko lang galing sa school.

Nginitian lang ako ni mama at sinabing kumain na ako at muli nang ibinaling ang kaniyang paningin sa TV.

"Babala po sa mga gumagamit ng kanilang mga cellphone. May kadarating lamang na balita na nagsasabing nagkaroon umano ng aberya sa system ng signal kaya makararanas po tayo ng pagkagulo o pagka-rumble nito na maaaring magdulot malaking pagbabago. Maipapayo ng mga telecommunication companies sa bansa na huwag na lamang po muna tayong gumamit ng ating cellphone hanggang bukas upang hindi na maranasan pa ng nasabing aberya."

Rinig na rinig ko 'yung sinasabi sa balitang pinapanood ni Mama hanggang sa pag-akyat ko. Hindi ko na lang pinansin pa ito at dumiretso na sa kwarto ko, ano ba naman kasing pakialam ko do'n.

Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang bultong mga pictures ni Karl na nakadikit sa dingding ng kwarto ko.

Ibinato ko ang bag ko sa kama ko at agad na tumakbo papunta sa sandamakmak na mga larawan. Pinagtatanggal ko ito isa-isa hanggang maubos ang lahat ng natitirang lakas ko. Napaupo ako sa sahig habang humihingal at natawa na lang ako sa sarili ko kasi pagod na pagod na ako, pero hindi manlang umabot sa kalahati ang natanggal ko sa sobrang dami nito.

Napaupo ako sa sahig habang tumatawa na may kasabay na pagtulo ng mga luha. "Ilang taon din akong nagpakatanga sa'yo!" Sigaw ko habang dinuduro ang napakaraming mga larawan.

High school pa lang ako, crush na crush ko na si Karl. Ay hindi! Patay na patay pala ako sa kaniya. Kaya siguro noong dumating 'yung araw na nanligaw s'ya sa'kin, tinanggap ko kaagad. Ni hindi manlang ako nagdalawang-isip bago umoo sa kaniya.

"Isa ka nga talagang tunay na tanga Mariel! Ay hindi! Kulang pa'yon, isa kang tunay na bobong tanga," tila nababaliw nang sermon ko sa sarili ko. "Can't you just accept the fact na jinowa ka lang niya, kasi running for summa cum laude ka. Na maipagmamalaki niya sa mga katropa niya na nakaloko siya ng matalino! Hahaha."

"Pero ginawa ko naman ang lahat ah? Nag-effort ako, ipinaramdam ko sa kaniya na mahal na mahal ko s'ya. Muntik ko na ngang isuko pati ang pagkababae ko e, para lang mapasaya s'ya! Kasi mahal ko eh! Makita ko lang 'yang pesteng ngiti niya, sasaya na din ako."

Call Ended Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon