AN: Again, expect grammatical errors, I'm still learning po. Typos and confused scene ahead, bare with me po. Thank you
Prologue
'Good'
Sinalubong ako ng pilyong tingin ni Calderon "Captain, asa opisina mo si Lieutenant Gomez daw. May dalang bulaklak! May asawa ka na pala Captain, di kami inform" Nakangising pamungad nito sa akin nang makalabas ako sa opisina ni Chief. Tinignan ko sya bago tinanguan
"Tsk. Hindi ko sya asawa. Sige na, ituloy mo na yang ginagawa mo."
Sumaludo sya "Yes, ma'am!" Sagot nito
Tumuloy naman ako at pumasok sa opisina na ino-okyupa ko. Naabutan ko don si Marcus na nakaupo sa upuan sa harap ng mesa ko at humihigop ng tsaa habang tinitignan ang picture frame na naglalaman ng litrato ko nang makapag tapos ako ng kolehiyo kasama ang nakakatanda kong kapatid at ang bunso pati na rin 'sya'. Katabi noon ng litrato ng isang batang babae at isang batang lalaki.
"May maipaglilingkod ba ako sayo?" Tanong ko sa kanya at umupo sa swivel chair ko. Tinukod ko ang dalawa kong siko sa lamesa at pinagsiklop ang mga kamay, pinatong ko sa mga ito ang baba ko at saka sya tinignan at tinaasan ng kilay.
"Hindi mo pa pala tinatapon to?" Tanong nya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa litrato na hawak na nya ngayon.
"Yan lang ang nadala kong litrato kasama si Kuya Heil at Jeili nang makatapos ako, naiwan sa mansion yung iba." Sumandal ako sa swivel chair ko at tinignan sya habang nakataas ang kilay sa kanya "at di porket anjan 'sya' eh, itatapon ko na"
"Ani wae--?" pagko korean nya, pero pinutol ko iyon
"Mag tagalog ka, asa pilipinas tayo" nginiwian nya lang ako
"Babes, anim na taon na yun, di mo pa rin kayang umuwi don? Di mo ba namimiss yung kwarto mo don?" Sinamaan ko naman sya ng tingin "doon ba nagkaroon ng milagro?" Pilyo na sabi nya, hindi ko naman sya sinagot "Tapon mo na yan at ako ang kukuha ng mga naiwan mong litrato sa mansion. Kung wala kang balak ipaalam sa kanya, dapat alisin mo na sya sa buhay mo"
"Ayoko. Final. End of conversation" pinal ko sabi at inabot ang cellphone at wallet kong asa lamesa.
"Aish." Angil nya at inabot ang bulaklak na nakapatong sa upuan sa harap nya at inabot sa akin "oh!"
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko habang tinitignan ang bulaklak na inabot nya.
"Kainin mo. Isigang mo tas pangalin mo" pilosopo nyang sabi
"Ginagago mo ba ko?" Sinamaan ko sya ng tingin, tumayo na ko at naglakad na papunta sa pintuan sumunod naman sya
"Joke lang! Galit agad. Pang good luck lang."
"Para saan?" Tanong ko ulit sa kanya habang nila-lock ang opisina ko
"Wala." Nang aasar nya akong nginisihan, may tinatago tong mokong na to "San ka? Wala kang duty?"
"Nag pasa ako ng leave kay chief, tutal it's been six months na ng huli akong nagpass ng leave. Ikaw bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya nang lumapit sa amin si James na nakakunot ang noo habang nakatingin sa bulaklak na hawak ko.
"May lakad ka, Captain?" Tanong nito at masama ang tingin kay Marcus.
"Yes, Captain Morigan. Nasabi na ba ni chief na ikaw muna ang papalit sa akin? May dadating daw na papalit sa pwesto mo"
"Yes, kasasabi nya lang kanina sa office." He said, malamig parang yelo, nakatingin sa bulaklak na hawak ko
"I see. Sige mauna na kami" lumabas na kami ng prisinto, habang lumalabas kami ay bumulong sya sa akin.
"Sama ng tingin, baka mamaya humandusay na lang ako dito" tumawa pa sya at inakbayan ako "simula lang umuwi at nag stay ako dito four years ago andami ko nang natanggap na masamang tingin sa mga admirers mo, tsk, ang dami ko ng hater. Haters gonna hate and I'll play along with them. iba talaga pag gwapo" pag yayabang nya.
"Mag tigil ka. Anong ginagawa mo dito?" Pinatunog ko ang kotse ko.
"Mag babalita," reporter na pala sya ngayon akala ko pulis. "Uuwi na daw sa susunod na buwan si Kuya Heil. Umuwi ka daw sa mansion sama mo yung dalawa, may pa welcome party na hinanda si Tita. Bawal daw hindi pumunta! Pag di ka daw pumunta wag mo na syang tatawaging Mama."
"Para namang matitiis nya ko. Bakit hindi na lang nila, itinext sa akin."
"Sabi ko, ako na mag sasabi sayo." Binuksan nya ang pintuan ng front seat at sumakay doon "sama ko sayo. Wala naman akong duty, di ko dala yung sasakyan ko nakisakay ako sa patrol kanina."
Umikot ako papunta sa driver seat at pinaandar na iyon.
"San ka?" Tanong nya
"Super Market" sagot ko
"Asan yung dalawa?" Tanong ulit nya, ang chismoso nito
"Akila Farrah, kalaro sila Jin at Ram"
Nang makarating kami sa parking lot ay pumasok na kami sa loob at dumeretso sa grocery.
"Ano ba lakad mo?" Tanong ni Marcus sa akin habang kumukuha ng mga junk food "at naisipan mong mag grocery naka uniform ka pa?"
"Nag aya sila Jenny mag Outing. Para naman sya hindi naka uniform"
"Sinamahan lang naman kita"
"Psh" singhal ko sa kanya. Nauna naman syang pumunta sa candy section at sumunod ako.
"Isasama mo yung dalawa?" Tanong nya habang nangunguha ng isang pack ng dynamite na kulay blue.
"Oo, hindi naman mag papaiwan ang dalawang yun"
Umalis sya para manguha ng bagong pushcart dahil puno na ang pushcart na dala ko.
Naghanap ako ng gummy bears pero asa mataas na istante iyon. Inabot ko iyon pero hindi kaya ng height ko kahit na may takong ang sapatos na suot ko ay hindi pa rin iyon sapat. Sino ba naman kasing tangang maglalagay niyon doon, nang may isang kamay ang umabot noon mula sa likod ko. Kinuha ko iyon ng ilahad nya sa akin.
"Salamat--" nabitin ang sasabihin ko ng pagharap ko at makita kung sino iyon.
"Ezekiro" gulat na banggit ko sa pangalan nya
"Geil" gulat man ay may nakikita akong amusement sa mga mata nya.
"Babe--!" si Marcus iyon, natigilan din sya marahil nakita nya kung sino ang asa harap ko.
"M-marcus" tawag ko sa kanya ng may nanginginig at kinakabahang boses. Hindi maalis ang tingin sa lalaki na asa harapan ko
Napatingin si Kiro kay Marcus at ibinalik ulit sa akin ang tingin nya. Nawala ang galak sa mga mata nya napalitan iyon ng lamig at blangkong emosyon.
"Good to see you again, Geil. Long time no see. Kamusta?" He said without humor, emotion and I feel like he's not really greatful seeing me again after so many years.
There's a reason why you have to meet a person you don't want to cross paths again. And I can't wait to know what's that reason is.
________________________________________________________________________________________
EXELLEEE | X.L.
A/N:I published this story in wattpad year two thousand and twenty, twentieth day of month of december and stop. I stop writing this when I missplace my phone where all the chapter I wrote is in there. I published disclaimer, prologue and chapter one in wattpad and unpublished it. I continued working on this when a boredom strike me because of quarantine year 2021, May 25.
YOU ARE READING
On the way to your HEART
Romance"It hurts seeing the man you love happy with someone, but what can I do he's not mine anymore. All I can do is pretend that I'm not hurting but deep inside it's killing me. I'm the great pretender you will ever know" Every word we say, can make some...