Chapter 1

3 0 0
                                    


When you love someone, you make mistake together. You take step backward together. You recover together. You fumble through the world together, because no matter how long you have been together, there are always going to be new things to learn
-Holly Riordan


CHAPTER 1

'Someday'

Nakaupo ako ngayon sa cubicle ko habang tinitignan ang report na ipapasa ko kay chief mamaya nang sumulpot sa harap ko ang ex kong kupal.

"Kailangan mo?" Tanong ko habang masama ang tingin sa kanya

"Pinapatawag ka ni chief. Psh, 'sugit' " pasiring naman nya akong tinignan bago umalis sa harap ko at umupo sa cubicle nya na katabi ko lang.

Kinuha ko ang report na ipapasa ko rito at nagtungo na sa opisina nito. Inirapan ko muna ang lalaking kupal na nahuli kong nakatingin sa akin bago umalis.

Pagpasok ko sa opisina ni chief ay naabutan ko syang may kausap sa telepono.

"Ididistino si Balthazar sa Muntinlupa" Pause "Oo, makaka asa ka" binaba nito ang telepono at bumaling sa akin. Sumaludo ako sa kanya at ganon din ang ginawa nya.

"Chief, ililipat si partner?" Inilapag ko sa mesa nya ang folder at umupo sa upuan doon. Kaya ba sya nag leave ngayon.?

"Yes, three weeks from now" umupo sya sa harap ko at kinuha ang folder na ipapasa ko.

"May balita na lumabas na si Wang sa lunga nya ang kailangan na lang ay i corner nyo sya at hulihin" sinabi nya yon habang binubuklat ang mga pahina ng folder na hawak.

"Chief, naka leave ngayon si Balthazar" naguguluhang sabi ko

"Don't worry, may in-assign na akong bagong partner mo" kinuha nya ang telepono at may tinawagan "SPO2 Merdel, paki tawag si Aguilar dito sa office ko. Salamat"

'Wait. What?! Isa lang ang kilala kong Aguilar dito!'

Binaba nya ang tawag at sabay kaming napatingin sa may pinto ng may kumatok doon.

"Come in." Sabi ni Chief. Bumukas iyon at iniluwa si Ezekiro. Peste! Bat sya pa?

Sumaludo ito kay chief at bumaling sa akin, tapos binalik ulit kay chief ang tingin.

"May problema ba chief?" Tanong nito

"I assigned you to be SPO3 Gomez's partner." Umupo si Chief sa upuan nya "Baltazar is assigned in muntinlupa headquarters, so basically Gomez doesn't have a partner now, so as you. I assigned you to be her partner untill i find a new partner for both of you." Mag sindi ito ng tabako at tinignan ang reaksyon ko

"Chief, bat sya?" Kunot noo kong tanong

"Nag away na naman kayo? No more complain." Tumingin naman sya kay Aguilar na walang imik at parang nagpipigil ng ngiti na nakatayo sa gilid ko. Inungusan ko lang sya at binalik ang tingin kay Chief.

"Kailan operasyon, chief?" Tanong ko

"Ang balita ko'y lumabas si Wang nitong umaga. Hindi ba't kasama nyo si Merdel at Aguilar sa kasong ito?"

"Yes, chief. Hindi pa nababanggit ni Merdel sa akin. Pati tong buang na to." Tinuro ko sya

"Sasabihin ko na sana sayo kaso sinusungitan mo ko" angal nya

"Don't bring your personal issue in work" maotoridad na sabi ni chief

"Sorry, chief" sabay naming sabi. Sabay kaming lumabas at nagplano na

"Asa underground sya ngayon, kailangan bantayan lahat ng entrance at exit. Merdel sa exit 2 kayo at Mendez sa exit 3 kayo. Kami ni Gomez sa exit 1. SPO2 Aguillon sa entrance 1 kayo at sa entance 2 naman kayo Soriano. Move! Move! Move! Move!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

On the way to your HEART Where stories live. Discover now