CHAPTER 7- Call

131 7 0
                                    

YOLLY'S POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang yakap si mom. She's crying so loud and as I too. Hindi kami mapalagay sa kalagayan niya.

Mom and I are waiting for the emergency's door to open and then after an hours, bumukas iyong pinto. Iniluwa doon ang doctor. He took of his face mask and then he faced us. Magkahawak ang kamay namin ni mom. Parehong nanginginig. Takot na takot kami.

As the doctor took of his facemask, we saw his emotion. Umiling siya kaya napalakas ang hagulhol namin ni mom. Umiling-iling pa kami habang nakatingin kay doc. "No! Sabihin niyong buhay siya! Palaban ang anak ko! Palaban siya!"

The doctor shook his head. "I'm sorry, we're very sorry for..."

"No! No! She's alive! Kambal ko! Buhay siya!" I couldn't help but to shout at him. It was being disrespectful and I know that but I can't help it. Buhay ng kapatid ko ang pinag-usapan dito.

"Buhay ang anak ko! Buhay siya!" Sigaw rin ni mom habang umiiyak.

"We're very sorry. We did our best, our very best to save her... Pero siya ang sumuko."

"No! No!"

"Her heart became weak and as her body too. We fought for her but her heart can't, her body can't. It's sad to say na ganoon talaga iyong may sakit sa puso, na nakaramdam ng ganoon. Gusto rin namin siyang tulungan at ipaglaban dahil iyon ang duty namin eh. But we failed to." Nagyuko siya. "We're very sorry for your lost, Mrs. Castro and Ms. Yolly. Condolences."

"Doc. Pwede ba namin siyang makita?" Kahit pakiramdam ko nawawalan ako nang hangin ay pinilit kong magsalita.

Tumango si doc. At iminuwestra ang pinto ng emergency room. Nakahawak si mom sa akin na parang sa akin siya kumukuha ng lakas habang papasok kami.

Nang tumingin ako sa hospital bed ay gumuho ang mundo ko. Humagulhol ako ng iyak kasama si mom na sumisigaw ng 'anak! Gising!

Her body was covered with white blanket. Nanginginig ang kamay ko na inalis iyong blanket.

Nang makita ko ang mukha niyon ay nakumpirma kong siya si Eula, ang kambal ko. Ang putla-putla na niya at nang inilapit ko ang pisngi ko sa pagitan ng bibig at ilong niya ay doon lumakas ang iyak ko.

"Bakit?! Eula--- bakit?" Mahinang tanong ko. "Bakit ganoon? Huh? Iiwan mo talaga kami ni mom?! Sasama ka kay dad?!" Malakas na iyak namin ang namayani sa loob ng E.R. "Eula naman! Hindi pa kami ready ni mom! Bakit hindi ka lumaban! Naalala mo ba iyong sinabi mo sa akin noon?! Iyong promise natin sa isa't-isa... Na- na sabi mo na magsasama tayo habang-buhay, na sabi mo na kahit anong mangyari hindi tayo susuko sa isa't-isa, na walang sino man ang hahadlang sa ating pamilya. Na kung may darating na lalaki sa ating buhay, mamahalin natin sila. Iyong promise natin sa isa't-isa na bubuo tayo ng kani-kaniyang pamilya sa taong mahal natin..." Nakatingjn ako sa mukha niya, she looks in peace, wala na siyang malay at masakit iyon. "E-Eula! Mahal ka namin ni mom! Mahal na mahal ka namin...balik ka nalang, please, please, please. Bumalik ka nalang, sasama ka pa sa amin ni mom, mahal mo iyong Jordan diba? Mahal mo kami ni mom diba?" Lumuhod ako sa gilid kong saan siya nakahiga.

"Anak, tama na... Wala na si Eula..." Humagulhol na sabi ni mom mula sa likuran ko, hinahaplos niya ang likuran ko. Umiling ako. Hindi ko tanggap! Buhay pa siya! "Yolly, please!" Pilit akong pinapatayo ni mom. "Yolly naman! Wala na si Eula, wala na ang kambal mo, tumayo ka riyan at ayusin mo ang sarili mo. Dahil ayaw ni Eula na umiiyak tayo, dahil gusto niyang lagi tayong nakangiti. Please, tumayo ka riyan."

Napakagat ako sa labi ko at saka tumayo. Tinignan ko muna ang mukha ni mom na pula ang ilong at ilalim ng mga mata niya. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit at ganoon rin ang ginawa niya sa akin.

 Last Photograph (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon