Kung nanaisin mong mapalapit sa Pond na siyang daan sa mga alaala ng kaligayahan, kalungkotan at delubyo. Magsisimulang maghahari ang takot sa sanlibutan. Ang delubyo ang siyang makalalamang.
Ngunit kasabay ng delubyo. Masaksihan ng nangungulilang puso ang huling tibok ng pag-asam, ang pangako ng nakaraan, at ang tadhanang lumisan ay magbabalik kasabay ng mga alaala. Dahil sa tinalikurang babala na binalewala.
Takot man o kaligayan ng nagmamay-ari ng huling tibok ay siyang mananaig sa pond."Nasabi ko na sa'yo noon kung ano ang ibig sabihin ng pangalan ko, hindi ba?” tanong niyang sinisigurado ang nalalaman, nang hindi ako magsalita at nag-isip lamang ay mahigpit niya akong agad na niyakap.
“Huwag mong sabihing kinalimutan mo na?” pagpapatuloy pa niya na mababakas ang pagtatampo sa tono ng pananalita.
Ngumisi na lamang ako nang maalala ang ibig niyang sabihin. Nang sandaling tinarayan ko siya at tinanong kung sino ba siya ay ito ang mga salitang sinabi niya,
“Never-ending...” Nasabi niya nang hindi makatingin sa akin, namumula pa ang mala-nwebe niyang leeg at tainga. “Like the term suggest, my name's like a never ending, a line of beyond measured.”
"Ah, noong unang pagtagpo natin ay nasabi mo. Naalala ko nga e, para ka ngang tanga," sabi ko. Natawa pa nang nalukot lamang ang noo niya. Inakala niya talaga na nakalimutan ko? Napatikhim ako, “I mean, ba't ko makakalimutan ang mga salitang nanggagaling sa'yo?” Nag-init na lang bigla ang pisngi ko nang tiningnan niya ako nang may gulat sa mga mata, nanlalaki ang mga 'yon na parang hindi inaasahan ang naririnig mula sa akin.
“Ibig mong sabibin...” Napalunok pa siya, “Hindi mo nalilimutan ang saad ko nang unang pagtatagpo ng landas nating dalawa!”
Tiningnan ko siya nang may pinipigilang ngiti sa labi. “Ano ba sa tingin mo?” Ngunit kumuwala ang mga matamis na ngiti sa mga labi niya. Wala akong nagawa kundi ang matulala at ang pinipigilang ngiti ay nakita.
Namalayan ko na lamang ang paggalaw ng aming sinasakyan, muntik nang mawaglit sa isip ko ang aming kinaroroonan. Ang Pond na aming tagpuan!
Huli na upang mapansin, upang maabot ng mga kamay niya ang mga kamay kong lumalayo rito. Halos makulob ang sinasakyan naming bangka, huli kong napansin ang pagsuong niya sa Pond habang sinisigaw ang pangalan ko.
Habang papalalim ako nang papalalim.
Alam kong dapat ay may gagawin ako ngunit hindi maalis sa isip ko ang biglang nangyari. Pakiramdam ko ay napakalinaw ng panahon upang hambalusin ang bangka ng kung ano sa kailaliman. Gusto kong isigaw na huwag niya akong habulin pa, ngunit nang tuluyang lumubog sa katubigan ay halos hindi ko makayang matulala pa nang tuluyan. Walang hanggang...walang hanggan ang lalim ng Pond!
Ito ang unang pagkakataon na malubog ako sa Pond, na kung bakit pinangingilagan ay tuluyan ko nang naunawaan. At ang pakiramdam na kakaiba, na para bang may kung anong nilalang sa kailaliman ang nakatanaw at may kagagawan nang hindi inaasahan kong pagtampisaw ay nagpakilabot sa akin.
Nanindig ang balahibo ko sa katawan. Na kahit pailalim nang pailalim sa katubigan ay nagawa pang masaksihan ang mga napagtanto. Kay linaw ngunit hindi ko tanaw ang kailaliman. Ano nga ba ang mayroon sa Pond?
Bago ko pa matuklasan, nararamdaman ko ang mga yakap niya, ang mga yakap na napupuno ng pag-aalala. At bakit nga ba wala akong ginagawa? Bakit ko siya hinayaang sumuong na para bang hindi ako marunong lumangoy sa katubigan?
Nakatulala lamang, hindi maunawaan ang mga emosyong nararamdaman. Ang pag-aalala na maari ay mapahamak rin siya ay hindi man lang nanaig sa pakiramdam ko. Dahil natatakot ako, natatakot na hindi masilayan ang kailaliman kahit pa lumubog nang walang hanggan.
BINABASA MO ANG
The Lurking Unknown In The Pond
Paranormal"Wattys 2021 Winner in Paranormal Category" Ireald Mecelio was in a great depressing reality. After losing the only hope she had in life, confussion resurfaced at the pond. Her heart that filled despair, and her mind that clouded with anger, came up...