Toxic

12 0 1
                                    

I've trying to hold on in a relationship that I know for sure won't work out.

I'm so sick of holding on to something that doesn't even care about me. Isn't exhausting?

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba lahat ng hirap at pasakit na dinaranas ko sa kanya. Sa bawat sugat at pasa na tinamo ko sa kanya ay tinitiis ko.

Bawat pagtama ng kanyang kamao sa balat ko, iniisip ko na mahal niya ako. Dahil 'yon ang kaniyang ipinangako....na mamahalin niya ako ng buong puso.

"Lily! Anong nangyari sa iyo, jusko po!" Salubong ni Manang Nena sa akin. I shouldn't be home right now but I have no other choice. Kapag nag-stay ako sa condo namin ni Jerome, hindi lang ito ang pasang matatamo ko.

Kita ang pag-aalala sa mata ni manang. "Sina Mommy at Daddy po?" magalang kong tanong. "Nasa Canada sila ngayon dahil sa biglaang meeting. Diyos kong mahabagin ija, anong nangyari sa iyo? Sino ang gumawa niyan sayo?"

Tiningnang maigi ni manang ang bawat pasang nagkalat sa aking balat. Hindi lang sa isang parte ng aking katawan kundi sa aking buong katawan.

"Nakainom po kasi si Jerome. Magpapalipas lang po sana ako ng gabi at tutuloy na rin po sana ako bukas. Marami pa po kasing pending na paperworks sa company..." ....I lied.

Jerome never get drunk. He has a high tolerance when it comes to liquors. Kaya ako nagkaganito ay dahil sa nalaman ko. He's been cheating on me for a while now. I tried to confront him and this is what I get.

He doesn't want to let go of me. Why? Simply because of my family's wealth. Both of our families had an agreement to collaborate with their business. It's just a small business where my parents invested with a large amount of money just because I say so.

I am inlove with Jerome. He's inlove with me too, before.
"Nako, ija, ipagpaliban mo muna ang pagtatrabaho at hindi kakayanin ng katawan mo!" Agad na kinuha ni manang ang aming medicine box at agad na dinaluhan ang aking mga sugat. "Isang linggo pa bago umuwi ang mga magulang mo..." alam na agad ni manang na kaya agad ako aalis ay dahil baka malaman nila mom and dad ang lagay ko. "...sa mga araw na iyon ay pumarito ka muna." Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango. Si Manang Nena ay kasambahay na namin mula pa noong ipanganak ako hanggang ngayong 25 taong gulang na ako. Siya ang nakalaro, kakwentuhan at iniyakan ko ng mga panahong walang ang magulang ko sa tabi ko upang gabayan ako. I owe a lot to Manang Nena.

"Anak, hindi lang ito ang unang beses na umuwi ka ng ganito ang itsura mo. Kailan mo ba balak hiwalayan ang kasintahan mo? Hindi pa naman huli ang lahat. Hindi naman kayo kasal."

"Pagiisipan ko po.."sabay bigay ng pilit na ngiti.

***

Agad na akong nahiga sa aking higaan ng walang pangamba. Sa nakalipas na buwan ay ngayon na lang ulit akong nahiga ng payapa at walang takot na may kamaong tatama sa akin upang gisingin o patulugin ako sa sahig. A tear escape in my right eye. Tear of sadness.

I remember the days where everything are still going well. I met Jerome Constantino way back in 3rd year college. He is a smart and diligent student. Everyone were mesmerize by his intelligence. Nasa Business Management building siya while I am in Accountancy.

I actually did the first move. My bestfriend, David, tried to stop me but I still did what I want. I sent Jerome tons of letters, chocolates and even arrange a place to date him. At sobra sobra ang naging saya ako nang mag-respond siya sa lahat ng 'yon. He is my first crush so I gave everything I can. Except sa virginity, of course.

Hindi naman nagtagal ay naging official ang relationship namin. And to my surprise, he is the one who asked me to be officially his girlfriend.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now