Prologue

0 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na ulan. Bumangon ako at tumungo sa aking cabinet para maghanap ng susuotin. Napatingin ako sa bintana at bumuntong hininga habang tinitingnan ang rumaragasang pagbuhos ng ulan. Pilit na bumabalik ang mga masasakit na alala sa tuwing bumubuhos ang ulan.

Pilit kong iwinaksi ang ala-ala na pumapasok sa aking isipan. Kinalma ko ang aking sarili at pumasok na sa cr para maligo.

Napangiti ako paglabas ko mula sa banyo nang makita  kong tumila na ang ulan. Sa wakas hindi magiging masama ang araw ko. Pag umuulan kasi maghapon ay hindi ako nakakapag trabaho ng maayos sa kadahilanang sakit lang ang laman ng aking isip at puso.

Paglabas ko ng apartment ko ay sumalubong kaagad sa akin si aling Nilda. Tsk paniguradong maniningil na naman siya.

"Euna?! Ano? wala kana bang balak magbayad? magsabi kalang at hahanap na ako ng bagong titira diyan sa apartment mo!" saglit akong napapikit at ngumiti sa kaniya ng pilit.

Hindi pa kasi ako sumasahod dahil na delay. Laging delay, ang daming rason ng kompanya kasi ganto kasi ganon. Baka sa susunod na buwan hahanap nalang ako ng ibang pag ta trabahohan.

"Hoy!" Napaigtad ako dahil sa sigaw ni aling Nilda.

"Bukas nalang ho, delay po kasi sahod namin." seryusong wika ko. Tumaas ang kilay niya at umirap sa akin.

"S-siguradohin mo lang dahil baka bukas karin maghanap ng bago mong matitirahan." medyo nauutal na ani niya at nagmamadaling umalis.

Maraming nagsasabi na wirdo daw ako pero wala akong pakialam sa opinyon nila. Kesyo nakakatakot raw ang mga tingin ko. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil ang mga mata ko talaga ay kakaiba. Normal naman siya pero hindi ko alam kung bakit may iba talaga sa mga mata ko. Hindi korin alam kung saan ko ito namana. Hindi rin ki Mama dahil maamo ang kaniyang mga mata. Baka sa Papa ko? hindi ko rin alam kasi 'di ko siya kailanman nakilala. At wala akong balak na kilalanin pa siya.

"Euna are you going with us later?" Ang aking mga mata ay nakatuon lamang sa computer.

"May gagawin ako mamaya kayo nalang" sagot ko, kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag tango nalang ng aking ka trabaho. 3 buwan na 'ata ako sa kompanyang ito at siguro kabisado na nila ako.

Wala akong malapit na kaibigan dito para lang kaming magkakakilala. Nag ngingitian. Ganon lang. Mababait silang lahat at ramdam ko 'yon.

"Sabay kana sa amin mag lunch Euna?" napatingin ako kay Zyra. Ngumiti lang ako sa kaniya ng tipid.

"Sige pero mauna nalang kayo, susunod ako tatapusin ko lang 'to" ani ko at bahagyang sinulyapan ang ginagawa ko.

Ngumiti siya sa akin pabalik at tumango.

"Sige, mauuna na kami. Sunod kana lang bye!" paalam niya.

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa matapos ko ito. Nang makalabas ako ng building ay nadama ko ang pagtama ng sikat ng araw sa aking balat kaya saglit akong napapikit.

"Miss! What the fuck?!" Napaigtad ako dahil sa malakas na sigaw ng isang lalaki. Nagulat ako na nasa gitna na pala ako ng daan. At muntik na akong mabunggo. Napatingin ako sa lalaki. Muntik na akong mapanganga dahil sa taglay niyang ka gwapohan. Naka long sleeves siya na Gray at black na pants. "Are you okay?" natigil ako sa pagtitig sa kaniya. Iniwas ko saglit ang aking paningin at ibinalik rin kaagad at napadako sa kaniyang mukha. Ang kapal ng kaniyang kilay, Ang kinis ng mukha, ang labi na mamula mula at ang mga mata na..

Nagkasalubong ang aming tingin at ngumisi siya sa akin. Unang tingin ko palang sa kaniyang mga mata ay alam konang mapaglaro.

"Wanna come with me?" naka ngiti niyang alok habang ang mga mata ay nasa leeg ko na dumadaloy ang pawis.

Loathing rainy days Where stories live. Discover now