Chapter 1

1 0 0
                                    


Gusto kong magwala dahil anong petsa na pero hindi parin ako nakakarating sa trabaho ko, paniguradong sermon na naman ang aabutin ko. Bakit ba kasi uso ang traffic dito sa maynila? Sa probinsya namin hindi uso ang traffic dahil kokonti lang ang merong sasakyan.

"Pakiabot po" tipid kong sabi at iginawad ang bayad ko. Inabot ng isang lalaki ang bayad ko ngunit kasabay nito ang paghaplos niya sa aking kamay kaya kaagad ko naman itong binawi. Nakaramdam ako ng kilabot dahil sa paraan ng paghaplos niya.

Nakita ko ang pag ngisi niya, kitang kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. Halatang gumagamit ng bawal na gamot. Kaya iniwas ko nalang ang aking paningin sa kaniya.

"Hoy gaga ka! Kanina kapa inaantay ni Sir." Salubong sa akin ni josh. "Lumalabas na ang usok sa ilong kaya humanda ka tapos bilin niya tumungo ka raw ng opisina pagkadating mo" dagdag nito kaya tumango tango nalang ako habang nagmamadaling naglalakad.

Sumakay ako ng elevator dahil nasa 26th floor ang opisina niya samantalang kami naman ay nasa 10th floor lang. Sa halos 5 buwan ko na pagta trabaho dito ay hindi ko inasahan na magiging malapit ako kay Sir Zach. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakikitungo niya sa akin gayong pare pareho lang naman kaming empleyado ng iba kong kasama.Maraming nagsasabi na type raw ako ni Sir kaya ganon pero sa tingin ko naman ay isang kaibigan lang ang turin niya sa akin.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa opisina niya. Dahan dahan kong isinara ang pinto. Sa aking pagharap ay nakita ko ang ang kanyang likod dahil nakaharap siya sa glass wall tila may pinagmamasadan.

"You are late." madiing sabi niya at pumihit paharap.

Kalmado lang ang aking ekspresyon habang nakikipag sukatan siya sa akin ng tingin. Salubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa'kin.

"Traffic" tipid kong sabi habang nilalabanan ang kanyang mga tingin. Bumuntong hininga siya at umiwas ng tingin kalaunan.

Talo

Napangiti ako sa loob-looban ko.

"Bakit mo ako pinatawag?" tanong ko habang nakatayo parin. Wala naman siyang sinasabi na maupo ako kaya nakatayo parin ako.

"Sit" utos niya at ibinalik ang tingin sa akin.

Naupo ako katulad ng utos niya

"I have something to tell you" nakangisi niyang sabi kaya kumunot ang noo ko at bahagyang tumaas ang kilay kaya mas lalo siyang napangiti "And of course at the same time proposal" dagdag niya.

"Ano 'yon?" tanong ko

"Be my girlfriend.." sagot niya kaya napaawang ang aking labi ngunit kaagad korin itong isinara.

"In an exchange of?" diretso kong tanong dahilan para mapa halakhak siya. Sa halos limang buwan namin na magkasama at magkaibigan ay may mga nalaman siya tungkol sa akin at ganon narin naman ako sa kanya, kaya patas lang kami. Alam na alam kona ang takbo ng utak niya.

"Money. 50,000 per week" litanya niya.

"Deal." pagpayag ko

Pinalaki ako ng aking mama sa mabuting paraan pero nangangailangan talaga ako ngayon ng pera dahil gusto ko si mama na mapatayuan ng kanyang sariling tindahan para hindi na siya umuupa sa palengke.

"Ang bilis mo naman palang kausap, here's the contract. Just sign it." nakangisi niyang sabi at inusog ang papel sa akin.

"Hanggang kailan magtatagal ang pagpapanggap natin?" tanong ko habang ang aking mga mata ay nakatuon sa kontrata.

"Until my parents go back to the states" napaangat ako ng tingin at pinagmasdan siya. "My parents want me to marry the daughter of their friends. Ayoko pang matali, I'm still young and hot." paliwanag niya kaya bahagya akong napatawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loathing rainy days Where stories live. Discover now