1 Family

71 2 1
                                    

.....Salamat sa pagbabasa !!! sana ipagpatuloy !!!

Tricia Mae at the side------->

****

Tricia's POV

"Jiro naman! bakit mo ba ginagawa to?? Diba sabi mo mahal mo ko?? D-diba sabi mo a-ako lang?"sabi nung babaeng paiyak na.

"Ano ba Jane! Hindi ka ba marunong umintindi?! Tapos na tayo!" yung lalaki.

"P-pero diba mahal m--"naputol yung sasabihin nung babae dahil sa lalake.

"Pwede ba! Nakipaglaro lang ako sayo! Kasalanan mo nang tanga ka! Tandaan mo to ha! Tapos na tayo! At pwede ba! wag mo kong tawaging Jiro! hindi tayo close!" OUCH. ako yung nasasaktan para sa babae.

"Ji--Aaron.. T-tama na.! alam ko--"tsk! pinutol na naman nung lalaking MAYABANG yung sasabihin nung babae.

"May girlfriend na ako!" yung lalaki.

"At s-sino *sniff*?" wala na.. umiiyak na si ate. Halos mapatalon ako nung bumaling yung tingin nung lalaki sakin. Malapit kasi ako sakanila. Habang kinakain yung precious 'ICE CREAM' ko with feelings. Balik tayo sakanila, nakatingin saking yung lalaki-- nang may halong, PANDIDIRI. Wow ha! siya pa may ganang mandiri hindi ko naman siya pinapatingin sakin.

Pero ang mas ikinagulat ko ang paglapit niya sakin. Tila ba nagslow-mo ang lahat ng unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin at ...... HINALIKAN niya ako. OH MY G. Nahulog ko naman yung ice cream na kinakain ko. Bigla niyang inalis ang labi niya sa labi ko at kumindat pa!. Nainis naman ako dahil may binulong siya.

"Sa susunod subukan mong magtoothbrush. Uso yun ngayon." Hindi pa ako nakakasagot sa kanya lumingon na siya sa babaeng kanina pa hindi makapagsalita.

"Siya. Siya ang girlfriend ko." Wait! sabihin niyo sakin panaginip lang to. GIRLFRIEND!? ako?!

Bigla nalang nag-walk out yung lalake at naiwan kami dito ni ate na tulala. Hindi pa ko nakakabawi sa mga nangyayari nang makatanggap ako ng isang MALUTONG na sampal.

"Malandi ka! Malandi!" paulit-ulit na sinabi sakin ni ateng CLOWN. oo tatawagin ko na siyang Clown dahil hindi lang siya ang may karaptang manglait, diba? Ang kapal kasi ng make-up niya! mukha na tuoy siyang clown! hahaha!

"At anong ngini-ngiti m-mo?!" nanggagalaiti niyang sabi sakin. Aba't! ang pangit niyang magalit! hahaha!. OUCH. dahil sa pagtawa ko nakatanggap nanaman ako ng isang MALUTONG na sampal Mula kay ateng CLOWN. At sa kabila naman! GRRR! ginagalit na ako ng babaeng to!

Sampal.

Sipa.

Suntok.

Upper Cut.

At BOOM! tumba na siya! Mwahaha!

Siyempre joke lang yun. Ano bang laban ko sakanya? Eh isang dakilang WEAK lang naman ako. Kaya mas pinili kong tumalikod at umalis nalang. Pero nagkamali ata ako nang galaw. Dahil hinila niya ang buhok at hinarap sakanya. At hindi ko maikaila na masakit talaga, malapit na akong maiyak dahil parang mabubunot na ang buhok ko.

"Malandi! Slut! Whore! Ang pangit-pangit mo naman! Di hamak na mas maganda ako sayo!" at kung ano-ano pang pinagsa-sabi niya sakin. Hindi ko na talaga mapigilang umiyak. Iyak lang ako ng iyak habang siya patuloy na nagsasabi ng masasamang salita sakin.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang dumating ang guard at pigilan kami--siya.

Hiniwalay siya sakin at nilayo. Ako naman naiwan lang na nakatanga dito. Ewan ko ba, bakit hindi ako marunong lumaban. Sadyang mabait ba ako o mahina lang talaga? ayoko na. Nabalik ako sa katinuan nang may bumangga sakin.

"Hey! Miss! umalis ka nga sa daanan!" sigaw sakin nung babae. Agad naman akong lumabas sa mall at dumiretsyo sa isang lugar na nagpapanatili sa aking masaya--at malungkot.

Nang makarating ako sa lugar na pupuntahn ko, hinanap ko agad sila. Lumapit agad ako sa kanlia at umupo. Hinaplos ko ang puntod nila at saka sunod-sunod na bumagsak ang luha ko na para bang nag-uunahan. Na-aalala ko na naman kung pano nawala sakin ang mga mahal ko sa buhay.

Pa-uwi ako ngayon sa bahay habang naglalakad ng masayang-masaya, mag-isa lang akong pumapasok dahil home-schooling si kuya sa kadahilanang mahina ang puso niya. Sabi kasi ni papa, pag-uwi ko kakin kami sa isang mamahaling restaurant dahil na-promote siya. May sasabihin rin ako dahil naka perfect ako sa exam.

Ngunit ng nasa harap na ako ng bahay namin, parang gusto kong maglakad pabalik sa school at paulit-ulit sabihin na hindi totoo ang nakikita ko ngayon. Nabitawan ko ang bag ko at nag-unahan na pababa ang mga luha ko. Ang daming taong nagtatakbuhan sa paligid ko pero ako isa lang ang nasa isip ko 'Ang puntahan ang pamilya ko'.

Agad akong pumasok sa bahay kahit pinigilan ako. Hindi ko alam kung pano ko sila nalagpasan pero hindi ko na pinansin yon dahil tuloy-tuloy ako sa pagpasok samin. Hindi ko ininda ang mainit na paligid na may apoy at tuloy-tuloy lang ako. Hanggang may bumagsak sakin at biglang nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako ng puro puti ang nakikita ko. 'Nasa heaven na ba ako?' ayan agad ang pumasok sa isip ko. Nang bigla may sumulpot ang isang mamang lalake na naka puti din. Ang sabi niya nasa ospital daw ako, hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tinanong ko agad kung nasan sila mama papa at kuya. At hindi ako makapaniwala sa sinagot niya sakin, patay na daw sila.

Lumipas ang mga araw hindi ako nagsasalita. Kinuha narin ako ng Bahay Ampunan at dun na lumaki. Wala akong kaibigan, walang nagmahal sakin, walang tumanggap sakin. Kaya nung lumaki na ko, naisipan kong umalis, bumukod ako, naghanap ng trabaho, at nabuhay ng normal.

"Mama, papa, kuya? alam kong naririnig niyo ko. Bakit niyo kasi ako iniwan? bakit niyo ko iniwang mag-isa? Mahal na mahal ko kayo. K-kung nandito l-lang sana k-kayo." at dun na ako nagsimulang humagul-gol. Iyak ako ng iyak. "K-kung s-sumunod nalang kaya a-ako sa inyo? *sniff* m-mas magiging m-masaya tayo diyan, d-diba? Mahal na mahal ko kayo. A-alam ko d-darating ang a-araw, magkakasama d-din tayo. Paalam na ma, pa, kuya. Hanggang sa muli."

--------

Kyaahhh!!!! salamat sa pagbabasa! please vote and comment! muli salamat po sa pagbabasa! just comment kung nagustuhan niyo ba o hindi! salamat!!

-Icay_Campus

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Knight Without An ArmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon