Pagkagising sa umaga salamin agad ang inaatuga
Tinatanong ang sarili kung saang banda ang maganda
Pinagmasdan ang mukha pero walang namang nakita
Kundi puro nagpupulahan at naglalakihang tigidig – ah – ah
Ang sabi ng karamihan maganda raw ako
Hindi naman ako naniwala kasi alam ko ang totoo
Binabalewala ko na lang ang kanilang pagloloko
Abay, matibay kaya to at ‘di madaling mauto!
Ang aking itsura’y panget, pandak, at mataba
Pero salamat naman at kutis ko’y ‘di pang pwet ng kalaha
Kundi wala na talagang matitirang kaakit-akit sa akin
At baka tuluyan nang mabasag ang aming salamin
Nakakatawang isipin na ang impaktang tulad ko’y tawaging maganda
Nakapag-isip tuloy ako na baka malabo ang kanilang mga mata
Pero hindi naman siguro masama kung akoy’y maniwala sa kanila
Isang beses lang naman, hala sige … masubukan nga!
BINABASA MO ANG
TULA NI MS. CHAKA
PoetryPanget ka ba pero tinatawag kang maganda? Hala sige at ikaw na'y bumasa sa aking gawa at baka maka-relate ka. Haha.