Chapter 3.5: The First Time We Met (Part 2)

161 15 0
                                    

This chapter is dedicated to chfrancisco, isa pang classmate kong laging galit dahil lagi siyang nabibitin sa story na 'to. Hahaha!

SCYDE

"Bro naman. 'Wag mo naman kaming iwan dito oh. Gusto lang namin i-celebrate ang pagdating mo e." pagpilit sa akin ni Rhenz na huwag nang umalis habang nakasilip siya sa bintana ng Fortuner ko. Tss. This guy is really annoying.

I sighed before answering.

"Rhenz, kailangan ko nang umuwi. Lola is now worried." Pagdadahilan ko dito para payagan lang akong umalis.

"Hayaan na lang natin si Scyde. Kauuwi niya lang galing States kaya kailangan niya ng pahinga." paalala ni Jeronne kay Rhenz habang nakaakbay sa kanya. "Kaya mo bang magmaneho Scyde? Di ba nakainom ka? Baka kung anong mangyari sayo sa daan."

"Kaya ko sarili ko Jeronne," pagmamatigas ko dito, "I need to go."

Habang sinasabi ko iyon ay ipinipidal ko ang kontrol ng aking kotse at handa na itong umalis. But, what the hell is happening?! My Fortuner is not moving. D*mn!

"Oh Scyde, anong problema? Bakit ayaw umandar?"nagtataka ding tanong ni Jeronne nang mapansing ayaw umandar ng fortuner ko.

"May problema ba sa kotse mo bro?"

"Obvious ba Rhenz?! Nakita mo na di ba?! Tengena namang mga tanong yan oh, nakakatanga!" Kainis! Naba-bad trip na naman ako! Dagdagan pa ng mga nakakatimang na tanong ng mga 'to. D*mn. I really hate thia night.

Napilitan tuloy akong bumaba para tingnan ang problema ng aking kotse. Tinulungan ako ni Rhenz at Jeronne para hanapin iyon at doon nga sa kanang bahagi sa likod ay nakita naming flat ang gulong ng aking black Fortuner. Bw*set! May malaki itong butas sa parteng itaas na para bang sinadyang tusukin ng anumang napakatulis na bagay. Naisip ko na e. Nakaramdam na ko kung sinong tukmol ang gumawa nito.

"Tsk, tsk! Mukhang naisahan ka ata ng kaaway mo Scyde."conclude din ni Rhenz sa nangyari. Nang marinig ko iyon ay mas nanggigil ako sa galit. Nanginginig ang mga kamay ko sa inis na para bang may gusto akong patayin.

Dumilim ang aking paningin. Napasigaw at nasipa ko na lang tuloy ang aking fortuner dahil sa sobrang inis ko.

"Bro easy lang." pagpapakalma sa akin ni Rhenz habang nagwawala ako.

"Bw*sit!" napasigaw ulit ako. "Humanda ka sakin Jaren kapag nagkita ulit tayong hyup ka!"

"Oy Scyde kalma lang."

"Paano ako magiging kalmado nito Jeronne?! Nakita mo naman ang nangyari sa kotse ko! Tingin mo paano pa ako makakauwi nito ha?!"

"Tama na nga yan Scyde!"biglang pagsigaw naman ni Paul sa akin. Medyo natauhan ako sa ginawa niya. G*go 'to ah. Sinisigaw-sigawan na lang ako. Tinitigan ko nga siya ng masama.

"Ihahatid na lang kita sa inyo."alok nitong solusyon sa problema ko.

"Tss. Ako ihahatid mo? 'Wag na. Hindi ako babae na inihahatid pa sa bahay. Mag-isip ka nga Paul!" galit na pagtanggi ko naman sa sinabi niya.

"Kahit kailan ang tigas talaga ng ulo mo."

"Geez."

Maya-maya ay may kinuha itong bagay sa kanyang bulsa at ibinigay ito sa akin.

"Ano naman 'to?"tanong ko kay Paul habang hawak ang ibinigay niyang kung anong bagay na iyon.

"T*nga ka talaga kahit kailan. Malamang susi ng kotse ko. Tutal at ayaw mo naman magpahatid, gamitin mo na para makauwi ka na sa inyo."

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon