Chapter 7: His Sweetdreams And Her Nightmare (Part 1)

65 8 0
                                    

This chapter is dedicated to my friend soukphamy. Thank you for being a supporter. Enjoy reading guys. :)

MEICAH

"Dali na kasi Meimei, sumali ka na pleaaaaaase."

"A-aray ko Meimei, bitawan mo ako nasasaktan ako." reklamo ko dito habang pinipilit kong makaalis sa mahigpit na hawak nito sa magkabilaang braso ko.

"Aira naman, nahihilo na ako sa kayuyugyog mo sa 'kin."

"Dali na kasi Meimei, pumayag ka na. Sumali ka na sa ng official publication ng STU. Kulang kasi kami ng writer at alam ko na magaling kang sumulat kaya sumali ka na pleaaaaase." at niyugyog na naman niya ako ng paulit-ulit. Jusko, bakit niyo ako binigyan ng makulit na bestfriend? Mababaliw ako sa babaeng 'to e.

"Oo na, sige na. Sasali na ako."

"Talaga?!" Haaay sa wakas tumigil din siya sa kayuyugyog sa 'kin.

"Oo." napabuntong hininga na lang ako pagkatapos kong sumagot. Napilitan lang naman akong sabihin yun dahil sa bruhang 'to e.

"Waaaaahhh! I love you Meimei ko!" ay anak ng—niyugyog na naman niya ako ulit kaso this time mas malakas pa. Waaaaahh. Umiikot na ang paningin ko Aira!

Well, wala naman akong magagawa dahil malakas sa 'kin ang bestfriend ko e. Nandito ako ngayon sa publication office ng STU dahil pinapunta niya ako. Akala ko naman makikipagkita siya sa 'kin dahil simula nung pasukan, hindi ko pa siya nakikita at nakakasama dito sa University. Kaso, pinapunta niya ako dito para lang pala pilitin na sumali dito. Si Aira talaga. Pero okay na rin 'to kasi may reason na ako para makasama siya minsan at saka magagamit ko rin yung talent ko dito sa pagsusulat.

Nakita kong nilista ni Aira yung pangalan ko bilang member and writer sa papel na nakapatong sa table na 'to. Sa taas ng pangalan kong yun, napansin kong parang may pamilyar na pangalan ang sumagi sa mata ko. Tiningnan kong maigi kung sino yun at hindi nga ako nagkakamali.

"Castro, Jeronne Lloyd P, cartoonist? Kasali pala si Jeronne dito?"

"Kilala mo siya Meimei?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Oo. Classmate ko yan e."

"Talaga Meimei?! Classmate mo siya?!" at napahawak siya bigla sa dalawang braso ko habang nanlalaki ang mga mata niya nang sabihin ko yun. Eto na naman tayo e. Diyan ako natatakot sa mga hawak ni Aira na ganyan.

"Oo. Ba-bakit Aira?"

"Wala lang. 'Di ba member yun ng Cupid Heartthrobs?" at pati pala si Aira ay alam ang tungkol sa grupo na yun. Sa school na 'to ako lang yata ang hindi nakakaalam sa bagay na yun.

"Oo. Ngayon ko nga lang nalaman ang tungkol dun e."

"Mabait ba siya? Matalino? Close ba kayo? Sagot dali Meimei!" at hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakahawak sa mga braso ko na para ngang mas humihigpit pa nga ata sa mga oras na 'to. Hoy babae masakit!

"Oo, mabait siya. Oo din, matalino siya. At kung close kami?"

"Ano Meimei? Close ba kayo ni Jeronne ha? Ha? Ha?" at nagpuppy eyes pa siya sa 'kin.

"Hindi." ayun, nag-tiger look. Haha.

"Ay, ano ba yan." sabay bitaw niya sakin na halata ko sa itsura niya ang disappointment.

"Haha! Uy interesado kay Jeronne." panunukso ko sa kanya.

"Whatever Meimei." then she rolled her eyes on me. Haha! Kahit mataray ang bestfriend ko, ang cute pa rin niya kapag ginagawa niya yun.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon